The Pageant (2/2)
Pumila na kami sa backstage at halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Candidate number 9 ako kaya medyo okay lang since may mga mas mauuna pa saakin.
Bumuntong-hininga ako upang mabawasan ng kaunti ang kaba ko.
"Kinakabahan ka ba? First time ko ngayon." biglang sabi ng babaeng katabi ko. Tinignan ko ang nakalagay na bilog sa kamay niya at nakita kong number 8 siya.
Chinita siya at may makinis siyang balat.
"Me too." sabi ko at sinubukang burahin lahat ng emosyon sa mukha ko.
"Woah. How did you do that?" amaze na tanong niya kaya tinignan ko siya ng nagtatakha.
"How did I do what?" seryoso kong tanong.
"T-that! How can you be so emotionless? My god. I'm Jazi Ching. You are?" nakangiting sabi niya at inabot ang kamay niya. Kaya pala. May lahi siyang chinese.
Tinanggap ko ang kamay niya at nagpakilala rin, "I'm Tori Fuentabella."
Nanlaki ang mata niya at magsasalita pa sana siya ng bigla nang mag-akyatan sa stage ang mga naunang candidates.
Palihim akong nag sign of the cross. Papa Jesus, tulungan moko. 😭
Pagkatapak na pagkatapak ko sa entablado ay nabura ang kaba ko. Napalitan ito ng confidence at pride. Hindi ko alam kung saan ako humugot ng ganito pero nang marinig ko ang mga hiyawan ng mga schoolmates ko ay automatiko akong ngumiting naglakad kasama ng mga co-candidates ko.
Luminya kami at hinarap ang mga tao at pansin kong kanya-kanya sila ng mga sigaw. Napuno ang buong hall.
Naglakad na ang naunang candidate at pansin kong marami din siyang supporters.
"Saphire Montes, 18 years old, Eastern Globe University!" sigaw nito at rumampa ng puno ng confidence.
Nanliit ako. Ang gagaling nila. Ugh. Nanatili akong nakangiti ng kaunti pero hindi ko parin nilagyan ng emosyon ang mata ko.
"Jazi Ching, 18 years old, representing Flores University of the Philippines!" napansin kong mas humiyaw ang mga tao ng rumampa si Jazi.
Ako ang susunod kay Jazi kaya naglakad na ako papunta sa may microphone. Isang nakakabinging sigawan ang narinig ko kaya nagulat ako dahil hindi ko ito inexpect
"Victoria Fuentabella, 18 years old, representing the royal school of Manila, Xavier States High!" nakangiting bigkas ko at kasunod nito ang malakas na tili ng mga babae at ang nakakalokong hiyaw ng mga lalake.
May nagtaas ng tarpaulin ko sa medyo harapan at muntik na akong matawa nang malaman ko andun sila Prim, Meg at Drake. Nasa likod nila ang hindi mabilang-bilang na numero ng mga estudyante ng Estates.
"I LOVE YOU CANDIDATE # 9!" rinig kong sigaw ni Drake.
Nakatutok pa sakin ang mic kaya nagpakawala ako ng mahinang tawa, "Oh, I love you, too!" sigaw ko rin at rumampa na pabalik ng backstage na naging dahilan ng mas malakas na tilian sa crowd.
Pagkalabas na pagkalabas ko ng backstage ay agad kong nasilayan ang masisiglang ngiti ng iba kong kasamahan samantalang nakataas-kilay naman 'yong iba.
Maya-maya pa ay may babae nang humila saakin at dinala ako sa dressing room.
"You got the crowd's heart!" pumapalakpak na sabi ni Ate Regine.
Nakita ko naman si Mike habang hawak ang sunod kong isusuot.
"Let's rock this off!" excited na sabi ni Ate Mik at nagsimula na silang ayusan ako.
**
"Oh! Candidate number 9 is so dazzling in her school uniform!" puri ng host habang rumarampa kami sa entablado.
Pagkatapos nito ay ang talent portion. Nakita ko na kanina sa may backstage sila Sandro at ang iba pa niyang mga ka-banda. Ramdam na ramdam ko ang tensyon sa pagitan namin ng bawat candidates at pansin ko ang matalim na tingin saakin nung unang candidate sa 'twing kinakausap ko si Jazi.
Fast forward...
"Woah! The Estates Band with their candidate! Talaga namang nakaka-amaze ang Estates High. What do you think people?" masiglang sabi ng host at bumaling ang tingin sa crowd.
Todo sigaw naman ang mga kaklase kong lalaki na naging dahilan ng pagtawa ng host.
"It seems like habulin ng guys si Candidate # 9 ah? Do you have a boyfriend, candidate number 9?" nakakalokong tanong niya at pansin ko naman ang pag-init ng pisngi ko.
Tumahimik ang buong hall nang mamatay ang ilaw. Napangiti ako. It's time to showcase my talent.
"Nitong umaga lang.
Pagkalambing-lambing ng iyong mga matang hayup kung tumingin.
Nitong umaga lang, pagkagaling-galing ng sumpa mong walang aawat sa atin." 🎤🎵Nang magko-chorus na ay lumingon ako sa likod at nakita ko ang pagkindat saakin ni Sandro habang nagda-drums siya.
Tinanggal ko ang mic mula sa stand nito at unti-unting naglakad papunta sa pinakaharap na part ng stage kung saan ay mas kita ko ang mga judges.
"O kay bilis namang maglaho ng pag-ibig mo, sinta. Daig mo pa ang isang kisapmata! Kanina'y nariyan lang o bat, bigla nalang nawala. Daig mo pa ang isang kisapmata--ah ah." 🎤🎵
Minsan lang ako magperform ng ganito. Iwinagayway ko ang kamay ko at bahagyang tumalon ng kaunti para mas dama ko ang beat ng drums at kinanta muli ang panghuling chorus.
Lumakas ang tilian at hiyawan at napansin ko ang tuwang-tuwang host sa gilid at ang pumapalakpak na ibang mga estudyante sa ibang school.
Pagkatapos nun ay tumalikod na ulit ako kasama sila Sandro at naghanda na ako para sa susunod na round. Ang summer fashion portion.
Pagkabukas na pagkabukas ko ng dressing room ay naabutan kong ang tatlong kasama kasama kong nakangiti nang malawak habang pumapalakpak.
"Hindi ko inaasahan! Omygoodness." hindi makapaniwalang sabi ni Ate Regine
"Didn't know that you can really be a real vocalist of a band! Didn't also know that you have a boyish side." pangiti-ngiting sabi ni Mike.
Napatingin kaming tatlo kay Ate Mik na nanlalaki ang mata habang hawak-hawak ang isang empty hanger sa kamay niya.
"Oh my god, Tori! Your summer attire is missing!"
--to be continued--
BINABASA MO ANG
Wanted: Tori Fuentabella
Teen Fiction[COMPLETED] Hindi ako ang Tori'ng hinahanap nila, okay? Hindi ako si Tori Fuentabella! PS: This story is inspired by the movie series "Who Are You: School 2015". I don't have any intentions in plagiarising the movie. This story is purely fictional...