Chapter 41

4.6K 69 4
                                    

Sudden Change

It's been two weeks since that confrontation. Wala akong ibang kinakausap kundi si Bella lang. Napapadalas ang pagpunta ko sa bahay nila dahil sa tingin ko ay kailangan ko munang magpakalayo-layo. Two weeks na rin akong hindi pumapasok ng Estates dahil nasasaktan parin ako sa mga pwede kong malaman.

"Cass! Ano bang trip 'yan? It's been two weeks!" galit na sabi ni Bella at pansin kong naka-uniporme na siya.

Sa two weeks na 'yon ay kapag nagising na ako ng umaga ay agad na akong magpapahatid kay Mang Juan sa bahay nila Bella.

"Bukas nalang." sagot ko at humiga sa kama niya.

Maya-maya pa ay nakaramdaman ko na ang kurot niya sa tagiliran ko. Dumaing ako nang dumaing at pansin ko namang sinamaan niya ako ng tingin.

"Bukas nalang? E gaga ka talaga! 'Yan yung sinasabi mo lagi eh!" inis niyang sabi at binato ako ng unan.

Hindi ko siya pinansin at nagulat na lang ako nang umupo siya sa tabi ko.

"Anong balak mong gawin, Cassandra? Hindi ka papasok, iiyak ka 'pag nakakaalala ka, hindi mo pinapansin ang mga magulang at kaibigan mo. Hindi mo ba alam na maraming naghihintay sa'yo doon? Cass, makinig ka saakin. Hindi mo malalaman ang side nila kung hindi ka pumapasok! Hindi 'to masosolusyonan." sabi niya at sinukbit na ang bag sa balikat niya at lumabas na ng kwarto niya.

Iwanan ba naman ako? 😢

Napaisip ako sa sinabi niya. Hindi kaya oras na para harapin ko sila?

Agad kong tinawagan si Mang Juan para sumundo saakin. Nagulat pa siya at bakas ang pag-aalala sa boses niya.

Napatingin ako sa orasan sa cellphone ko. 7:15 na? Kumaripas ako ng takbo at agad ko namang nakita si Mang Juan sa labas ng bahay.

"Mang Juan, late na po ako! Tara po sa bahay!" nagpapanic kong sabi at napansin ko naman ang pagngiti niya habang pinapaandar ang sasaktan.

"Ma'am? Alam niyo po bang para silang namatayan doon dahil lagi kayong wala?" tanong niya.

Nginitian ko nalang siya at nang makarating na kami sa bahay ay agad akong kumaripas ng takbo sa kwarto ko.

Ginawa ko na lahat ng ginagawa ko sa 'twing papasok at humarap sa salamin.

Nangayayat ata ako? Napansin ko rin ang malalalim kong eyebags. Hay. Nagpulbo ako at dumiretso sa kwarto nila Mommy. For sure wala na si Daddy dito.

"M-mommy." mahinang sambit ko.

Nakaupo lang siya sa kama nila ni Daddy habang hawak ang picture frame ko noong nanalo ako sa pageant.

Nang banggitin ko 'yon ay sunod ko na lamang na naramdaman ang mahigpit na yakap ni Mommy habang umiiyak. Kusang tumulo ang mga luha ko.

"Sorry po." banggit ko habang tuloy parin ang pag-iyak.

Umiling-iling siya at hinarap ako, "Balik kana sa dati, princess. Wag kanang aalis. Namiss ka namin." bigkas niya habang patuloy na umiiyak.

Maya-maya pa ay kumalas na siya sa pagkakayakap at tinulak-tulak ako ng mahina palabas dahil late na daw ako.

Agad naman akong nagpaalam at pumasok na sa school.

Pagkarating ko doon ay wala nang estudyanteng nakakalat. Start na ng klase. Nang makarating ako sa classroom ay sumilip muna ako sa bintana.

Wala namang teacher pero bakit sobrang tahimik nila?

Nanibago ako. Parang wala silang mga buhay. Si Prim na maingay ay nakahalumbaba ngayon. Si Meg na mapang-asar ay nakatingin sa kawalan. Si Drake ay kasalukuyang palihim na sumusulyap kay Tori. Si Tori naman ay nakatakip ang dalawang palad niya sa mukha niya.

Napatingin ako sa lalakeng nasa pinakadulong upuan. Nakatingin ito sa bintana at minsan ay sinusulyap-sulyapan ang cellphone niya.

Napatingin ako sa cellphone ko at napansin ko na ang dami ko palang unread messages at missed calls.

From: Sandrobabes
Cassybabes, saan ka? Bakit di pa kita nakikita?

From: Sandrobabes
Cass. Magpakita ka naman. Mage-explain ako.

From: Sandrobabes
Cassandra, it's been a week! Hindi na ako magdadalawang-isip na magpakamatay.

From: Sandrobabes
Cass, asan kana?

From: Sandrobabes
Pumasok kana oh. I'll hold on. I hope you'll hold on, too.

Binasa ko lang ang iba pero andami talagang messages galing sakanya. Bumuntong-hininga ako at tinignan siyang muli.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa pintuan at sunod kong nakita ang pagtayo ni Sandro habang nakatingin saakin.

Nagdire-diretso siya ng lakad at unti-unti kong naramdaman ang...




Ang paglagpas niya saakin at ang pagyakap niya sa isang babaeng nasa likuran ko.

--to be continued--

Wanted: Tori FuentabellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon