The Boyfriend
"Bilib na talaga ako sa'yo." tatawa-tawang sabi ni Sandro sa tabi ko.
"Wala ka kasing tiwala eh."
Tinignan ko siya. Tatawa na sana ako pero bigla niyang pinitik yung noo ko.
"Wag kang tumawa. Baka makita nila." seryoso niyang sabi kaya sinimangutan ko siya.
Maya-maya pa ay nagdatingan na ang iba kong mga kaklase.
"Tinatawagan kita, hindi ka sumasagot!" pagmamaktol ni Prim sa tabi ko.
"Bakit mo ba ako tinatawagan?" tanong ko sakanya.
"Eh kasi kinukulit ako ni Drakey eh wala naman akong alam." nakapout niyang sabi.
Tinignan ko si Drake na kasalukuyang naka-earphones sa dulo.
"Anong sabi?" tanong ko.
"Kesyo daw--hmp."
Nabaling ang tingin ko kay Meg na kasalukuyang nakangiti nang malawak sakin habang tinatakpan ang bunganga ni Prim.
"Okay class. Settle down now."
Napailing nalang ako at nanahimik habang diretsong nakatingin sa pisara.
Nang lingunin ko si Drake sa pwesto niya ay nahuli ko siyang nakatingin sakin. Agad naman niyang iniwas ang tingin niya.
Pagkaring na pagkaring ng bell ay may dalawang kamay na nakalahad sa magkabilaan ko.
Napatingin ako sa kanan at nakita ko si Sandro na nakalahad ang kanay habang pangiti-ngiti. Napatingin naman ako sa kaliwa at nakita ko si Drake na nakalahad ang kamay habang seryosong nakatingin sakin. Napalunok ako.
Pansin kong nakatingin saakin ang ibang natira sa classroom. Siguro ay titignan nila kung sinong pipiliin ko.
"Lilibre kita ng fries at burger. Diba paborito mo yun?" biglang sabi ni Sandro.
"Lilibre kita ng kahit ano, sumama ka lang saakin." singit naman ni Drake.
Palipat-lipat lang ang tingin ko sakanilang dalawa habang tinataas ang kilay ko.
"Ako naunang maglahad eh." seryosong sabi ni Sandro
"Ako nauna." seryosong sabi naman ni Drake.
Nagsukatan sila ng tingin at pansin kong nagkakaroon na ng tensyon sa pagitan nila.
"Kung mag-aaway lang din naman kayo, pwede bang palabasin niyo muna ako?" seryoso kong sabi sakanilang dalawa at nagsimula na akong maglakad palayo.
Hinila ko si Prim at lumabas na kami.
"San si Meg?" tanong ko.
"Nag-cutting! Sinundan daw yung crush niya." nakapout niyang sabi.
Napailing nalang ako. Kakaiba talaga.
Liliko na sana kami ng daan nang makaramdam ako ng kamay na nakahawak sa braso ko.
"Can we talk?" tanong niya.
Tinignan ko lang siya ng seryoso at nagulat ako nang hilain niya ako palayo kay Prim. Nakita ko naman ang pagtawa ni Prim at ang mahina niyang pagbulong ng Good Luck.
**
"Ano? Magtititigan nalang ba tayo?" tanong ko kay Drake.
Dinala niya ako sa isang bakanteng classroom malapit sa storage room ng school.
Hindi naman sa galit ako sakanya pero pinapanindigan ko lang ang pagiging Tori Fuentabella ko.
Nabigla ako nang makaramdam ako ng mainit na katawan na nakayakap saakin.
Nanatili akong stiff at napansin naman niya yun kaya humiwalay siya.
"Damn, Tori. I'm your boyfriend." galit niyang sabi.
Nagulat ako sa tono niya dahil halatang-halata ngang galit siya.
"I know."
"Ako dapat yung kasama mo lagi. Ako dapat yung kasama mo pag free time, pag lunch. Ako dapat. Pero bakit laging si Sandro ang kasama mo?"
Napatingin ako sakanya at nakita ko ang lungkot sa mga mata niya.
"Isn't it too much? I admit may hindi tayo pagkakaunawaan noong gabing 'yon--"
Napako sakanya ang atensyon ko. Hindi pagkakaunawaan? Nag-away ba sila ni Tori?
Linapitan niya ulit ako at tinitigan ako.
"Don't you really remember anything?" sabi niya kaya umiling ako.
"Bakit? May nangyari ba na dapat kong malaman?" tanong ko at napansin kong nanigas siya sa tanong ko.
Bulls eye. I asked the sensitive question.
Nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon niya. "I love you, Tori."
Nabigla ako nang maramdaman kong dumampi ang labi niya sa pisngi ko at nagsimula na siyang lumabas ng bakanteng classroom.
--to be continued--
BINABASA MO ANG
Wanted: Tori Fuentabella
Teenfikce[COMPLETED] Hindi ako ang Tori'ng hinahanap nila, okay? Hindi ako si Tori Fuentabella! PS: This story is inspired by the movie series "Who Are You: School 2015". I don't have any intentions in plagiarising the movie. This story is purely fictional...