It's a no no.
"I don't know anything." kalmado kong sabi habang kaharap ang principal ng Estates High at si Sir Stanley.
"How would you explain about what they found inside your locker?" seryosong sabi ng principal.
"Miss Guzman, ako na po ang bahalang kumausap sakanya." singit ni Sir Stanley.
Tinignan siya ng seryoso ni Miss Guzman at bumaling ang tingin saakin.
"Fine. I'll take this issue down. The next time na may mangyaring ganito, I will kick you out."
Nagulat ako sa huling sinabi niya. It can't be. Maki-kick out si Tori? No. Hindi ko hahayaan.
Sinundan ko palabas si Sir Stanley at dumiretso kami sa maliit na opisina niya.
Umupo siya sa swivel chair niya at pinatong ang siko niya sa mesa habang nakatingin saakin ng seryoso.
"Wala akong alam." panimulang sabi ko.
Tumango-tango siya, "I know."
Nanlaki ang mata ko sa kanya. What?! He knows? Eh kung ganun naman pala bakit hindi niya sinabi sa principal?
"The principal also knows." saad niya.
Napaawang ang bibig ko. Ano?! Eh kung makasigaw siya kanina ah!
"I know you're suffering from amnesia, Tori. Pero gusto kong malaman mo. You were my most brilliant student." nakangiting sabi niya.
Nanatili akong hindi nagpakita ng kahit anong emosyon kahit na gusto kong magsisisigaw dito at ipaglandakan na proud na proud ako sa kambal ko.
"What do you mean?" tanong ko dahil hindi ko talaga ma-gets ang pinagsasabi nila.
Anong gusto nilang palabasin? Na magnanakaw ako? Damn. Anong klaseng trip yun? Eh halos mapahiya na ako e.
"It was a challenge. You've proven na may paninindigan ka. That you never give up. That you will fight for what you know is true. You're indeed a model for each and every student here in Estates High." sabi niya habang pailing-iling na para bang nanalo ako sa lotto.
So? It was just a challenge? E tanginang challenge na yan.
"Because of that. You have been choosen." nakangiting sabi niya
Choosen? Choosen for what? Choosen mamatay? O choosen makick-out? 😏
"Choosen? For what?" seryosong saad ko.
Maya-maya pa ay narinig ko ang mahinang halakhak niya, "How can you be so emotionless."
Pinunasan niya ang luha niya dahil sa kakatawa at muling nagsalita, "You've proven your worth in Estates High for six years. You made us proud ever since you started studying here during your freshmen years. And because of that, you're choosen to be the candidate in representing Estates High for the Best Schools in the Ph."
Tinaasan ko ng kilay si Sir Stanley. Ako? Sasali sa pageant?! I don't want to.
"It's a no no." simpleng sabi ko at tumalikod na sakanya.
Siguro kung si Tori ang nandito ay 'yan din ang sasabihin niya. Ugh.
"It's a yes yes." panggagaya ni Sir Stanley sa boses ko at hinila ako papunta sa classroom namin.
Naglakad kami sa malawak na corridor at wala akong ibang nakita kundi ang malalawak na ngiti ng mga lalake at ang pagkainggit ng mga babae.
"Congrats, Tori." sabi ng isang grupo ng mga lalakeng nakatambay sa labas ng kanilang mga classroom.
Dire-diretso lang ako sa paglalakad at narinig ko nalang ang hiyawan nila dahil na-snob ko daw. Duh.
Pagkatapak na pagkatapak ko sa pintuan ng classroom ay narinig ko ang malakas na hiyawan at palakpakan ng mga kaklase ko.
Tinaasan ko silang lahat ng kilay at agad ko namang nakita ang pagpeace sign saakin ni Scarlet at ni Candice. Pinaningkitan ko sila ng mata at maya-maya ay may naramdaman akong dalawang kamay sa magkabilang balikat ko.
"Yipeee. Congrats!" naluluhang sabi ni Prim.
"Hahaha. Hindi mo alam kung gaano ako nagpipigil ng tawa dahil sa plano namin." natatawang sabi ni Meg.
Inirapan ko silang dalawa at nalipat ang tingin ko sa babaeng nakabusangot sa dulo. Natawa ako sa loob-loob ko. Akala ko ba ay siya ang may pakana nito?
"Hindi niya alam ang plano dahil lumabas siya ng classroom 'nung nagplano kami habang natutulog ka." rinig kong bulong ni Sandro sa akin.
Napatingin ako sakanya. Tinaasan ko siya ng kilay. Kung makatingin siya saakin ng seryoso kanina! Narinig ko naman ang mahinang pagtawa niya.
"Ako ang number one fan mo dun, Torkey."
Nabaling naman ang tingin ko sa lalakeng nakapamulsa sa harapan ko at nginingitian ako. Bakit ba ang gwapo nito? Ugh shit. Erase. Ang landi ko.
Inis ko siyang siniko at dumiretso sa upuan ko. Maya-maya pa ay nagulat ako ng itayo nila akong muli at mas nagulat ako ng buhatin ako ng mga lalake sa classroom.
Nagsimula na silang maglakad palabas habang buhat buhat ako. Damn! Nagsimula na akong mamula. Maya-maya pa ay naramdaman kong unti-unti nilang akong binababa.
Tinignan ko silang lahat at nakita ko namang seryoso silang binabatukan nila Drake at Sandro.
"May balak ba kayong masilipan ang girlfriend ko?" inis na sabi ni Drake habang nakatingin ng masama sa mga kaklase naming lalake.
Maya-maya pa ay narinig ko na naman ang mga tili ng mga babaeng kaklase namin at ang paghiyaw ng mga lalake.
Napangiti nalang ako ng kaunti dahil sa inakto ni Drake pero napawi din agad ito nang sumigaw si Prim.
"Uy si Tori kinikilig! Ngumingiti oh!"
Kahit kelan talaga. Seryoso ko silang tinignan lahat at nagulat ako nang tumawa si Drake at yinakap ako ng mahigpit sa harapan ng mga kaklase namin.
--to be continued--
BINABASA MO ANG
Wanted: Tori Fuentabella
Teen Fiction[COMPLETED] Hindi ako ang Tori'ng hinahanap nila, okay? Hindi ako si Tori Fuentabella! PS: This story is inspired by the movie series "Who Are You: School 2015". I don't have any intentions in plagiarising the movie. This story is purely fictional...