Confessions
"H-huh? Anong pinagsasasabi mo?" patakha kong tanong kay Sandro.
Hindi pwede. Hindi niya pwedeng malaman na nagseselos ako. Baka pati siya lumayo na rin pag nagkataon.
"Get straight to the point, Cass. Bakit ka umiiyak sa cr?" tanong niya at tuluyan nang lumapit saakin.
Umiwas na ako ng tingin. Ayokong umamin.
"Ako? Umiiyak? Hahaha. Ikaw talaga, Sandro. Nagbibiro kana naman." diretsong sabi ko at pansin ko na ring nangilid ang luha ko.
"Layuan mo na siya. Layuan mo na si Drake. Nagsasayang ka lang ng oras, Cass." seryoso niyang sabi.
Oo, alam kong tama siya. Pero bakit sobrang sakit isipin ang sinasabi niya? Nasasaktan ba ako dahil kay Sandro galing ang mga salitang yun? O nasasaktan ako dahil ayokong layuan si Drake?
Tinignan ko siya ng mapait, "Hindi mo kasi alam ang pakiramdam ng umasa at masaktan." sabi ko at pansin kong may isang butil ng luhang tumulo sa pisngi ko.
Isang mahigpit na yakap ang bumalot sa buong katawan ko. Napapikit nalang ako habang patuloy na namang tumutulo ang luha ko.
"Alam ko. Alam na alam ko. Sa ngayon, umaasa at nasasaktan rin ako." bigkas nito kaya nanatili akong tahimik habang nakayakap siya saakin.
"Hindi mo ba alam kung gaano kasakit saakin ang makita kang nalulungkot?" patuloy pang bulong nito.
Nanatili akong nakayakap sakanya dahil alam kong si Sandro nalang ang masasandalan ko sa mga panahong ganito.
"I love you, Cass."
Napabitaw ako ng yakap sakanya at tinignan siya ng seryoso.
"No, you don't. But if you do, alam kong minahal mo lang ako dahil parehas kami ng mukha ng kambal ko." sabi ko habang nakatingin sakanya.
"No. Hindi ba't alam ko nang ikaw si Cassandra noong una pa lang na nagkita kayo ni Freya? Minahal kita dahil sa kakaibang ugali at kabaitan mo. Minahal kita hindi dahil sa parehas kayo ng mukha ni Tori. Minahal kita bilang Cassandra Delos Reyes." sabi niya at hinawakan ang kamay ko.
Ayokong maniwalang naririnig ko ang mga 'to kay Sandro. Ayokong umasa siya. Ayokong masaktan siya.
Sana panaginip nalang lahat ng 'to. Para bukas paggising ko, mawala na rin lahat.
Mahal ko si Drake. Pero ayoko nang ipaglaban siya dahil alam kong mas sasaya naman siya kay Tori-- sa totoong Tori.
"Sandro. Ayaw kitang masaktan. Ayaw kong napapaasa kita." diretsong sabi ko habang hawak hawak ang dibdib ko.
Masakit. Ang sakit isipin na yung lalakeng walang ibang ginawa kundi damayan ako ay sinasaktan ko ngayon.
"Ano bang meron sa gagong 'yun? Ano bang meron siya at lagi nalang siya ang pinipili ng mga babaeng minamahal ko? Nung si Tori ang minahal ko, si Drake ang pinili niya. Pati ba naman ikaw, Cass. Si Drake rin ba?" wika niya at diretsong tumingin saakin.
Iniwas ko ang tingin ko. Hindi ko kayang makitang ganito si Sandro. Ngayon ko lang nakita ang ganitong side niya.
"Hindi ko pinaglaban si Tori dahil alam kong kay Drake na siya sasaya. Pero ikaw, Cass. Ipaglalaban kita dahil naniniwala akong magiging akin ka." sabi niya.
Dugdugdugdug
Napansin ko ang pag-iinit ng pisngi ko kaya hindi ako tumingin sakanya. Siya na ba? Bibigyan ko ba siya ng chance? Siguro oras na rin para ibaling ko ang atensyon ko sa iba.
"Just give me a chance, Cass." muling sabi niya at niyakap ako ng mahigpit.
--to be continued--
BINABASA MO ANG
Wanted: Tori Fuentabella
Teen Fiction[COMPLETED] Hindi ako ang Tori'ng hinahanap nila, okay? Hindi ako si Tori Fuentabella! PS: This story is inspired by the movie series "Who Are You: School 2015". I don't have any intentions in plagiarising the movie. This story is purely fictional...