Chapter 29

4.8K 79 0
                                    

Toni

"Mommy. Hehe." tanging nasabi ko nalang.

Tinignan niya kami ng masama ni Tori at maya-maya pa'y naramdaman ko na ang pag-upo ni Tori sa tabi ko.

"I found her, Mom. I never stopped." panimula ni Tori habang nakatingin nang diretso kay Mommy.

Umiwas ng tingin si Mommy at tsaka bumuntong-hininga.

Maya-maya pa ay may naalala akong itanong kay Mommy.

(A/N: Refer to Chapter 3)

Flashback

"Can you... Stay with us? Can you act as if you're my Tori?" mangiyak-ngiyak niyang sabi.

Iniwas ko ang tingin ko, pero kusa akong umoo nang magsabi siya ng 'Please' at yinakap ako.

Mababait silang mga tao. Tanggap naman niya ako.

"Hindi ko po kayo kilala. Maging sila din." sabi ko pertaining sa mga tao sa labas.

Nginitian niya ako, "I'll help you."

End of Flashback

Sinabi saakin ni Tori na hindi sila Mommy ang totoong mga magulang namin hindi ba? At sinabi niya rin saakin na alam nila Mommy na may kambal siya.

Kung ganun nga, bakit... Bakit hindi ako naalala ni Mommy bilang kakambal ni Tori nung sinabi kong hindi ako ang totoong Tori? Hindi manlang ba niya inisip na maaaring ako ang matagal na nilang hinahanap?

Naguguluhan akong tumingin kay Mommy.

"Mommy. May isang tanong akong gustong masagot." seryosong sabi ko.

Bumuntong-hininga siya at umupo sa pagitan namin ni Tori.

"What is it Cass?"

Tumingin ako kay Tori at sunod namang pinako ang tingin ko kay Mommy.

"Tori told me that you're not our real parents." panimula ko.

Pansin ko naman ang bahagyang pagyuko niya.

"Sinabi niya rin na hinanap niyo ako nang ilang taon."

Inangat niya ang tingin niya, "Yes. We tried to find you kahit na sa pagkakaalam namin ay wala kana."

Tumango-tango ako. "Then bakit ganun, Mommy? Bakit parang hindi mo maaalalang ako ang kakambal ni Tori nung sinabi kong hindi ako si Tori noong una tayong magkakilala?"

Pansin kong nangilid ang luha sa mga mata ko. Kinalimutan ba nila ako agad pagkarating nila ng ibang bansa at si Tori nalang ang tanging naniniwalang buhay ako?

"Because I don't want to lose you again." paliwanag niya at doon na nagsimulang tumulo ang luha ko.

Yinakap niya kaming dalawa ni Tori habang pati siya ay humihikbi na rin. Napuno ng paghikbi ang buong kwarto.

"Veronica?"

Sunod kong naramdaman ang pagkalas ni Mommy ng yakap saamin at tumingin sa lalakeng nasa pintuan.

Napatingin ako kay Tori na wala paring emosyon sa mukha habang palipat-lipat ang tingin kila Mommy at Daddy.

Nanlalaki ang mata kong tumingin kay Mommy at pansin ko namang tumawa siya ng mahina.

"Your dad also knew that you're not Tori." paliwanag niya habang nakatingin nang nakangiti saakin.

Maya-maya pa ay may tumabi saakin at ginulo ang buhok ko.

"Just like your Mom, nung una tayong nagkita ay alam ko nang hindi ikaw si Tori dahil sa pagpapakita mo nang emosyon. Nagpanggap akong hindi ako naniniwalang ikaw si Tori para tuluyan kang sumama saakin at para maging Fuentabella kana rin gaya ni Tori. Pero as time passes by, unti-unti mo akong napaniwalang ikaw si Tori dahil nakuha mo ang emosyon niya, but when you hugged me that night when we went home from the other country, I accidentally saw your birthmark and I silently smiled because I have proven that you're not our Victoria, but you're our Victonia." nakangiting sabi niya.

Napaawang ang bibig ko. M-matagal na nilang alam?

Napansin kong nalipat ang tingin ni Daddy sa pwesto ni Tori at bahagyang humalakhak.

"And you my dear Tori. Lagi kitang nakikitang umaakyat sa bakod. I just didn't mind you because I know you have a plan but please. Just enter through the gate."

Sunod ko namang narinig ang pagtawa ni Mommy at muli kaming niyakap ni Tori. Nakita ko ang paniningkit ng mata ni Tori kaya natawa na rin ako.

Maya-maya pa ay sunod nang yumakap si Daddy saamin. Napangiti ako.

So I guess hindi ko na kailangang magpanggap sa harapan nila Dad at Mommy. Because in the first place, tinanggap na pala nila ako bilang Toni, and not as their Tori.

--to be continued--

(A/N: Cass/Tori's pic on the media viewer!)

Wanted: Tori FuentabellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon