Chapter 20

4.9K 71 0
                                    

I forgot.

Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob ng kwarto ko at unti-unting naglakad pababa ng hagdan.

Tumatagaktak ang pawis ko habang lumalabas mula sa tahimik na bahay ng mga Fuentabella.

Magkikita kami ngayon ni Tori dahil sabi niya ay may importante siya sasabihin.

Halos malaglag ang panga ko nang maglakad yung guard ng bahay sa tapat ko.

Nakaitim akong pants at damit tapos may cap akong itim at shades. Pero syempre hindi ko muna gamit ang shades.

Nagpigil ako ng hininga at pinakawalan rin ito nang lampasan niya ako.

Napansin kong nagtago pala ako sa isang malaking halaman. Tinignan ko ang nakasaradong gate ng bahay at lumunok ako. Kaya ko 'to.

Bago pa ako makatayo ay nagvibrate ang cellphone kong bigay ni Daddy. Tinignan ko ang caller id at nakita kong si Tori ito.

Sinagot ko ito at nilagay ang earpiece na kakabili ko kanina kasama sila Prim.

["Don't open the gate. May detector 'yan at malalaman nilang may humawak na ibang tao dyan except sa guard."] rinig kong sabi niya sa kabilang linya.

H-how did she knew na bubuksan ko yung gate? Andito ba siya?

"Andito ka ba?" tanong ko ng pabulong.

["Yes. Go back to your room."] utos niya.

Napasinghap ako, "What? Akala ko ba mag-uusap tayo?"

["Yes. Just. Just go back to your room! Now!"]

Napatayo ako ng wala sa oras dahil sa pagkainis ng boses niya. What the? Ako mismo natatakot sa kapatid ko!

Dahan-dahan na naman akong naglakad sa living room at dahan-dahang umakyat sa hagdan.

"Sila Sir andyan na!"

Nanlaki ang mata ko sa narinig. Dali-dali akong tumakbo papasok ng kwarto ko.

Sunod kong narinig ang takbuhan ng mga katulong namin sa bahay. Sinasalubong nila sina Daddy sa 'twing manggagaling sila sa ibang bansa o lugar. Sabi ni Tori, mababait daw talaga sina Mommy kaya ganun na lang ang pagrespeto sakanila ng mga maids at drivers.

Napasandal ako sa likod ng pintuan nang maisara ko ito at napahawak sa dibdib ko. My god. Kinabahan ako doon.

Napatingin ulit ako sa phone ko at nakita kong naka- on call parin si Tori.

"Tori." sabi ko.

Kahit naman lakasan ko ang boses ko ay ayos lang dahil soundproof naman.

["Told yah."] sabi niya at halata ko na nakangisi na siya ngayon.

Maya-maya pa ay nagsalita ulit siya, ["Open the veranda, sis."]

Napatingin ako sa veranda ng kwarto at naglakad palapit doon. Pagkabukas na pagkabukas ko ng veranda ay napapikit ako dahil sa biglaang paglanding ng isang babae sa harapan ko.

"Wow. I missed my aircon." tatawa-tawa niyang sabi at humiga sa may kama.

Agad akong pumunta sa pintuan para isara ito. At humiga din ako sa kama.

"Anong sasabihin mo saakin, sis?" tanong ko habang nakatingin sa ceiling.

Tumayo siya mula sa pagkakahiga at naglakad papunta sa mini ref ng kwarto. Maya-maya pa ay naglakad na siya pabalik sakin nang may hawak na isang tray ng ferrero rocher.

Umupo siya sa tabi ko samantalang nanatili naman akong nakahiga. Hindi ko alam pero dalawang beses palang kaming magkasama pero pakiramdam ko ay lagi na kaming magkasama. Kambal nga talaga kami. Commited kami sa isa't-isa.

Napaisip tuloy ako kung gaano ako kaswerte. Diba ang kambal sa mga storya ay magkaaway lagi at laging naghahatian ng atensyon? Eh bakit kami nagtutulungan lagi? Napailing nalang ako at inintindi na lamang ang sasabihin niya.

Sinubo niya ang isang piraso ng ferrero at bumaling saakin, "Nagkahiwalay tayo dahil sa sunog. Pagkatapos ng sunog ay nakita ako nila Mommy at Daddy at mag-isa na lamang ako dahil nahiwalay na ako sa inyo nila Mama at Papa." sabi niya.

Nanlaki ang mata ko at agad na napaupo at humarap sakanya.

"A-anong sinasabi mo? Sinong Mama at Papa?" tanong ko kaya nabilaukan siya.

"Uh. Did I forget something? I think I forgot to tell you." sabi niya habang pinupunasan ang bibig niyang nadungisan.

Tinignan ko siya ng puno ng curiosity ang mukha. Bumuntong-hininga siya na para bang may importante talaga siyang nakalimutang sabihin noong unang beses kaming nagkita.

"Mom and Dad were'nt our real parents."

--to be continued--

Wanted: Tori FuentabellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon