Then who is it?
"What do you mean na hindi si Tori 'yon?" nag-aalalang tanong ni Meg habang nakapalibot sila saakin.
Umagang-umaga ay nagpuntahan sila dito sa bahay dahil sa text ko tungkol sa babae kagabi.
"Hindi siya si Tori. Alam ko ang ngiti ni Tori. Alam ko ang estilo ng labi niya. Alam na alam ko kung anong itsura ng mga mata niya. At alam kong hindi siya 'yon." paliwanag ko sakanilang anim.
Kasalukuyang napapalibutan ako nila Sandro, Prim, Meg, Drake at Duke. Hindi ko na tinext si Kuya Luke dahil alam kong sasabihin niya agad ito sa buong angkan/pamilya.
Maayos na kami ni Drake. Sobrang sorry niya kanina 'nung nakita niya ako. Syempre I accepted his apology. Kahit naman papaano ay may pinagsamahan kami.
"Hindi ba siya si Freya?" biglaang tanong ni Prim.
Napaisip ako. Sa buong buhay ko ay lagi kong nakikita ang masamang ngiti ni Freya at isa lang ang masasabi ko. Hindi rin siya ang babaeng nakita ko kagabi.
Parang nakita ko na ang babaeng 'yon pero hindi ko talaga alam kung saan o kung sino siya. Basta ang alam ko lang, kailangan kong makita ang buong mukha niya.
"Yes. Maaaring si Freya nga, Toni. Diba may galit siya sa inyong magkapatid? Especially kay Tori dahil sa nangyari noong nakaraang buwan." pag-sangayon naman ni Duke.
Oo. Alam kong maaaring may galit nga siya pero, hindi talaga siya ang nakita ko.
"Oo, pwede nga. But how come na alam niya ang bahay ng mga Fuentabella? Paano siya nakapasok dito mismo sa kwarto ni Tori?" tanong naman ni Meg.
Ngayon ko lang silang nakitang ganito kaseryoso. Medyo weird nga lang dahil hindi nag-aaway si Duke at Meg gaya kahapon sa ospital.
"Pero wala tayong kahit anong balita tungkol kay Freya. Hindi siya nagpapakita saatin pagkatapos nung away nila ni Tori. Hindi na siya pumapasok pero hindi rin naman siya dropped out sa student list ng Estates." biglang sabi ni Prim.
Mas lalong gumulo ang lahat sa sinabi ni Prim. 'Yun ang mahirap. Wala kaming alam. It's like we're just stucked the middle of a maze garden na wala namang exit o entrance.
"We just can't blame anyone. Basta isa lang ang naiisip ko sa ngayon. Maybe may koneksyon ito sa pagkakawala ni Tori." sabi ko na naging dahilan naman ng pagtango nilang anim.
Naisip ko bigla 'to. Maaaring may koneksyon ang babaeng 'yon sa pagkawala ng kakambal ko. The ferrero chocolate is the first clue.
Napansin ko ang pag-iisip ng malalim ni Sandro habang nakahawak pa sa baba niya.
"Hey, Sandro. You alright?" tanong ni Meg nang makita niya akong nakakatitig kay Sandro.
"Wait. I'm thinking." seryosong sabi ni Sandro.
"What is it?" usisa naman ni Prim.
Napatingin ako sakanila. Ganito ba talaga 'tong mga 'to pag seryoso na ang usapan? English talaga ang pinapairal?
Sinapak ko ang sarili ko sa loob ng isip ko. Kung ano-ano na namang kabalastugan ang pumapasok sa isip ko.
Tinignan kami ni Sandro at unti-unti kong napansin ang pagseryoso ng mukha niya.
"Dito sa mansyon, walang ibang nakakaalam ng loob nito kundi yung mga taong malalapit lang sa may-ari nito. I have this weird thought 'nung sinabi ni Cass na babae sa loob ng kwarto ni Tori. Pano nalaman nung babaeng yon ang kwarto ni Tori? Isa lang ang alam ko. May koneksyon ang babaeng yon sa mga tao dito sa mansyon. Hindi ko alam kung paano pero alam kong maaaring isa siya sa mga taong nakapunta na dito."
Napaawang ang bibig ko. P-paano siya nakaisip ng ganoong uri ng opinyon? Ganito ba talaga siya katalino. Napatango ako sa narinig ko. Maaaring kilala namin siya. And worst thing is. Maaaring andito lang siya.
"Then who is it?" seryosong tanong ni Drake.
Napatingin ako sa mga kasama ko. Puro iling lang ang nasagot nila. Walang may alam. Damn it. Bakit napakamisteryoso ng buhay namin?
--to be continued--
BINABASA MO ANG
Wanted: Tori Fuentabella
Teen Fiction[COMPLETED] Hindi ako ang Tori'ng hinahanap nila, okay? Hindi ako si Tori Fuentabella! PS: This story is inspired by the movie series "Who Are You: School 2015". I don't have any intentions in plagiarising the movie. This story is purely fictional...