First Talk (1/2)
Kakauwi ko pa lamang sa bahay pero wala na akong ibang ginawa kundi isipin ang pagkikita namin mamaya ni Tori.
Hindi ko alam kung matatakot ba ako o sasaya dahil makikita ko na siya.
Babalik naba siya?
Napailing ako sa naiisip ko. Tatanggapin ko ang magiging desisyon niya ngayon basta ay sagutin niya lang ang mga bumabagabag sa isipan ko.
Nagsuot ako ng high waist shorts at simpleng long sleeve shirt na kulay black at nilugay na lang ang buhok ko gaya ng style ni Tori. Mahirap na at baka may makakita saakin.
Nagsuot na ako ng flats dahil komportable ako dito. Nagdala ako ng purse na paglalagyan ng pera dahil magco-commute ako. Ayoko namang magpahatid kay Mang Juan dahil baka mabisto kaming dalawa.
"Daddy, si Mommy?" tanong ko pagkababa ko sa living room.
Hindi ako nagsasalita ng 'po' at 'opo' dahil sinabi ni Mommy na mahahalata iyon ni Daddy dahil hindi gumagamit ng ganyan si Tori.
Nakaupo si Daddy doon habang nanonood ng news sa tv. Sa tabi naman niya ay ang nakaopen na laptop at mukhang gumagawa siya ng report sa kumpanya.
"Naliligo, princess. May lakad ka? Tatawagin ko lang si Juan." nakangiting wika niya.
"Hindi. Ayos lang. Magco-commute ako, Dad." paliwanag ko at nagthumbs up pa ako para maniwala siyang okay lang.
Tumango siya sakin at sinabi niyang tumawag lang ako pag magpapasundo o may kailangan ako.
Ngumiti ako ng maliit at lumabas na ng bahay. Lumabas ako sa subdivision ng mga Fuentabella at nag-abang ng taxi'ng masasakyan.
**
Humugot ako ng malalim na hininga bago ako pumasok sa coffee shop. Kakaunti nalang ang mga tao dahil medyo gabi na rin. Nilibot ko ang paningin ko at namataan ko ang isang babaeng naka-shades at nakahood ng itim na nakaupo sa pinakadulong upuan dito sa coffee shop.
Naglakad ako papunta sakanya. Nang tumapat ako sa kanya ay nagulat ako nang ngumiti na naman siya.
Umupo ako sa harap niya at tinanggal naman niya ang shades niya.
Para akong nakaharap sa salamin.
"Tori Fuentabella." bulong ko sakanya at tumango siya habang ngumingiti saakin.
Maliit lang ang mga ngiti niya pero ramdam kong totoo ito.
"Cassandra Delos Reyes, my long lost twin." nakangiti niyang sabi at nakita kong may namuong luha sa gilid ng mga mata niya.
Nanlaki ang mga mata ko nang mapansin kong magkaboses na magkaboses din kami. Pero mas nagulat ako sa sinabi niya. L-long lost twin?
"Long lost twin?" mahinang sambit ko.
Nagulat ako nang may nilabas siyang tatlong litrato. Ang unang litrato ay ang pangyayari kung saan binuhusan ako ni Freya ng harina sa harapan ng maraming estudyante.
Pangalawang litrato naman ay magkasama kami ni Bella noong nakita ko ang regalo noong birthday ko.
Pangatlo naman ay litrato kung saan nagtatrabaho ako sa isang fast food chain para mag part-time job.
"Araw-araw kitang binabantayan at pinapanood noon. Sa 'twing binubully ka ay nagpiligil akong sumugod dahil hindi ko matanggap na binubully-bully nila ang kakambal ko samantalang ako naman ay nirerespeto sa Estates High." malungkot niyang sabi.
Pakiramdam ko ay may yumakap sa puso ko na naging dahilan ng pagtulo ng isang butil ng luha sa pisngi ko.
Agad kong pinunasan iyon at nanatili akong nakatingin sakanya at naghihintay ng sasabihin niya.
"I-ikaw ang nagpapadala saakin ng regalo?" tanong ko sakanya.
"Oo. Sa 'twing may pinupuntahan akong ibang lugar, lagi akong bumibili ng magkaparehong mga bagay. Dahil gusto ko, kahit papaano ay magkaparehas tayo." sabi niya.
Napansin kong malalalim at malalamig ang mga titig niya. Napakamisteryosa.
"Si Drake. May tinatago siya saakin. Sa pagkakaalam nilang lahat ay may amnesia ako. Ano bang nangyari nung gabing yon?" tanong ko dahil alam kong sasagutin niya yun.
Umiwas siya ng tingin pero agad din niyang binalik saakin, "We fought."
Pinanlakihan ko siya ng mata, napansin naman niya yun at itinuloy niya ang sasabihin niya.
"Bago kami mag-kita nun ay nakasagutan ko si Reena. She keeps on telling me that I should break up with Drake because she don't like me enough." paliwanag niya at napansin kong nasasaktan siya.
"I told her na wala siyang karapatang diktahan ako dahil hindi naman kami magkaano-ano. But she kept on shoving me away at nagkaroon ng pisikalan. Tinulak niya ako at naitama ang leeg ko sa isang matigas na kahoy. Hindi ko siya pinatulan because in the first place, ako ang ate at mas bata siya saakin."
Ayaw ni Reena kay Tori? Kaya ba ang sungit niya 'nung unang beses ko siyang nakita? Napaisip ako. Sinabi ni Reena na makipaghiwalay si Tori kay Drake? Nag-break ba sila? Totoo ba ang 'what if' ni Sandro noon?
"Nakipaghiwalay ka? Hindi mo naba boyfriend si Drake?" dire-diretso kong tanong.
Tumawa siya ng mahina, "Ofcourse not. Why would I listen to Reena?"
Pasaway nga siya. Walang pinapakinggan. Pero napangiti ako nang mapagtanto kong may paninindigan siya.
Pero... Anong nangyari nung nagkita sila ni Drake? Kung hindi naman sila nagbreak, anong dahilan ng pag-aaway nila?
"We fought dahil nakita niya ang pasa sa leeg ko. Tinanong niya kung napano 'yun pero hindi ko sinabi dahil alam kong magagalit siya sa kapatid niya. Kahit naman magaspang ang pag-uugali ko ay ayokong nagagalit si Drake sa isang tao." paliwanag niya na naging dahilan ng mas lalong paglapit ng loob ko sakanya.
--to be continued--
BINABASA MO ANG
Wanted: Tori Fuentabella
Dla nastolatków[COMPLETED] Hindi ako ang Tori'ng hinahanap nila, okay? Hindi ako si Tori Fuentabella! PS: This story is inspired by the movie series "Who Are You: School 2015". I don't have any intentions in plagiarising the movie. This story is purely fictional...