Chapter 6

6.5K 102 2
                                    

Same Things

Kasalukuyan akong nagkakalkal ng mga litrato sa loob ng kwarto ni Tori-- na kasalukuyang kwarto ko ngayon.

Isang linggo na ako sa Xavier Estates at masaya ako dahil pamilya ang turingan namin. Gaya nga ng totoong Tori, ay hindi ako masyadong nagsasalita. Mahirap magpadalos-dalos lalo na't kami lang ni Mommy ang may alam na hindi ako si Tori.

Napansin ko naman lagi ang hindi pagkakaintindihan nila Drake at Sandro. Tsk tsk. May gusto ba ang mga 'to kay Tori?

Ugh. Napatigil ako sa pagkakalkal nang mapansin kong mga 7 yrs old o kaya ay 6 yrs old na si Tori sa mga litrato. Wala ba siyang mga baby pictures?

Nabaling ang tingin ko sa pintuan ng kwarto nang may kumatok at pumasok si Mommy.

"Hi anak." nakangiti niyang sabi.

"Wala ka po bang pasok ngayon, 'My?" tanong ko.

Umiling siya at sinabing mamayang tanghali pa siya papasok. Napatingin ulit ako sa mga litrato sa harap ko.

"Mommy wala po bang baby pictures si Tori? Curious lang po ako. Wala kasi akong nakikita eh. Medyo malaki na po siya sa mga 'to." pag-amin ko sakanya.

Yumuko siya at tinignan ang mga litratong kinalkal ko, "Nasunog ang pinakaunang bahay namin noong limang taong gulang pa lamang si Tori at naiwan doon lahat ng gamit namin."

Tinignan ko siya nang seryoso, "Muntik po kayong mamatay?"

Tumango siya. Ang lungkot siguro nila noon. Buti nalang at walang nasaktan sakanila nila Daddy at Tori.

Maya't-maya pa ay kumatok ang isang katulong at sinabing may bisita ako sa labas.

Tinanguan naman ako ni Mommy para bumaba na. Samantalang siya naman ay nag-umpisa nang maligo dahil 11 AM na.

"Cass!"

Nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang malakas na pagkakasabi ni Bella ng pangalan ko.

Mabilis akong naglakad papunta sakanya habang pinanlalakihan ko siya ng mata.

Napakagat siya sa labi niya at napansin kong nakatingin saamin ang maid na nagtawag saakin kanina.

"Hi kas! Kasama ko panghabang-buhay!"

Napafacepalm ako sa palusot niya. Napansin ko namang nawala na ang atensyon saamin nung katulong.

Napabuntong-hininga ako ng malalim. Nag-peace sign naman siya saakin at umupo na kami sa sofa.

"Uhm, Cass--Tori, jusko ang hirap nito ha." pagrereklamo niya kaya natawa ako.

"Oh napadalaw ka. Hahaha." baling ko sakanya. Napatingin rin ako sa paper bag na hawak niya.

"Ibibigay ko 'to oh. Nakalimutan mong makuha noon. Ito yung mga natatanggap mong regalo sa 'twing may espesyal kang okasyon." sabi niya at inabot saakin ang paperbag.

Sinilip ko ang laman at nanlaki ang mata ko nang makita kong nandoon nga ang mga regalo. Nakatanggap ako nitong damit noong 18th birthday ko last last month at itong kwintas naman noong graduation ko sa junior high.

Hindi ko nga alam kung saan nanggagaling eh. Basta nagugulat nalang ako na may nagpapadala. May mga iba pang regalo pero itong damit at necklace talaga ang pinakaespesyal saakin.

"May sasabihin nga pala ako."

Nabaling ang tingin ko sakanya. "Ano yun?"

"Nag-drop na si Freya sa Roxas High." seryoso niyang sabi.

Wala na si Freya sa dati kong eskwelahan? Nakaramdam ako ng saya dahil alam kong magiging payapa na ang buhay ni Bella.

"Ha? Bakit daw?" tanong ko.

Umiling siya, "Ewan ko. Kasi nalaman ata lahat ng pambubully niya sa'yo. At nalaman ko ring major offense lalo na yung muntik niyang pagtulak sa'yo sa rooftop."

Pagkatapos ng ilang oras na kwentuhan ay umuwi na rin siya. Nang makapasok ako sa loob ng kwarto ay nagring ang cellphone kong bigay ni Daddy.

"Hello?" panimula ko.

["Tori, sunduin kita dyan. Kasama ko na si Prim at Duke dito."] rinig kong sabi ni Kuya Luke sa kabilang linya.

"Bakit kuya? Saan pupunta?"

["Sa bahay lang nila Sandro, umuwi sila Tita Angel eh. Dinner daw. Mag-shorts ka nalang. Kakain lang naman. Hahaha."]

Napatawa nalang ako at binaba ang tawag. Loko talaga.

Pumasok ako sa walk-in closet ni Tori at naghanap ng masusuot. Jusko. Ang dami.

Napahinto ako sa paghahanap nang may mamataan akong maliit na drawer sa pinakamababang parte ng damitan niya.

Binuksan ko 'yon at nagulat ako nang makakita ako ng damit at necklace na kagaya ng kakabigay saakin ni Bella.

--to be continued--

Wanted: Tori FuentabellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon