Now that's Tori Fuentabella.
Inayos ko ang buhok ko at nilagay ito sa magkabilang balikat ko.
Kaparehong-kapareho ko na si Tori. Simula sa buhok, sa mukha, sa emosyon, sa pananamit, at ngayon. Ipapakita ko ang totoong ugali ni Tori Fuentabella.
Napatingin ako sa mukha ko sa salamin at ginaya ko ang ngiti ni Tori. Maliit ngunit nakakasilaw.
Lalabas na sana ako nang kwarto nang mapansin kong nakayuko na naman akong naglalakad.
At naalala ko na naman ang pag-uusap namin ni Sandro kahapon.
FLASHBACK
"Tell me, Tori. Anong nangyayari sa'yo?"
Napatingin ako sa mukha niya. Full of curiosity. Iniwas ko ang tingin ko.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko nang di nakatingin sakanya.
"Why did Freya confronted you?" seryoso niyang sabi.
"Ewan ko." maikli kong sagot.
Laking gulat ko nang hawakan niya ang mukha ko at ilapit niya ang mukha niya.
Pigil ako sa paghinga. Unti-unti akong umiwas sa mapanuri niyang mata.
"Sino ka?" tanong niya.
Hindi ako makapaniwalang tumingin sakanya, "O-ofcourse! I'm Tori Fuentabella."
"No." marahang bigkas niya. "Because Tori Fuentabella never breaks her gaze. Hindi siya umiiwas ng tingin. Hindi siya nagpapakita ng emosyon lalo na pag natatakot siya."
Natahimik ako.
"Nakita ko ang reaksyon mo kaninang pumasok si Freya sa classroom. Nakita ko rin ang reaksyon mo nang makasalubong mo siya sa hallway. At iisa lang ang reaksyong yun. Natatakot ka sakanya."
Tinignan ko siya ng diretso. Seryoso siyang nakatingin saakin. Maya-maya ay naramdaman kong pinupunasan niya ang luha sa mga mata ko.
"Alam ba ni Tita Veronica na hindi ikaw si Tori?" tanong niya kaya tumango ako.
Mukhang wala akong lusot kay Sandro. Napaka-observant niya kahit na puro laro lang ang nasa isip niya.
"Ako at si Tita lang ba ang nakakaalam? Wala ka bang pinagsasabihan?" tanong niya.
"Isabella Fiestine and her aunt knows about this." page-explain ko sakanya.
Tumango-tango siya. "Hindi ka ba galit?" tanong ko.
"Galit ako. Kaya nga kinakausap kita ng maayos eh." pambabara niya kaya binatukan ko siya.
"Kung sa pagiging brutal naman, wala kayong pinagkaiba." sabi niya habang pailing-iling.
"Si Tita ang bahala sayo sa bahay niyo. Ako naman ang bahala sayo dito." seryoso niyang sabi.
"Tori-- I mean. Ano na ngang pangalan mo? Damn. Why am I even talking to a stranger?" pag-iinarte niya kaya tinaasan ko siya ng kilay.
Tumawa naman siya at nagrequest na magpakilala ako.
"I'm Cass. Cassandra Delos Reyes."
Tumango siya at nilahad ang kamay niya. Tinanggap ko ito at humarap ako sakanya.
"Nilulugay lagi ni Tori ang buhok niya at nilalagay lagi sa magkabilang balikat. Ni minsan hindi ko siya nakitang natakot. Ni minsan hindi siya umiwas ng tingin. Lagi siyang misteryosa. Laging nakaangat ang tingin at hindi siya yumuyuko. Bukas. Gusto kong makita si Tori. Bukas na bukas, ikaw mismo ang magpapatunay sa Freyang 'yon na hindi ikaw si Cassandra Delos Reyes." sabi niya at hinila na ako papunta sa parking lot.
"Ang tagal mo." nakapout na sabi ni Meg saakin habang nakasimangot naman si Prim.
Napailing nalang ako at sabay-sabay kaming hinatid ni Sandro.
END OF FLASHBACK
Nasabi ko rin sakanya na may alitan kami ni Freya (as Cassandra) Nagising ang diwa ko nang tumunog ang cellphone ko.
["Tori Fuentabella, where are you?"]
Ibinaba ko agad ang tawag nang marinig ko ang boses ni Sandro sa kabilang linya.
Kumaripas ako ng takbo at agad sumakay sa sasakyan. Tinext ko na lamang si Mommy na nauna na ako dahil nasa banyo pa siya kanina.
Pagkarating na pagkarating ko sa Estates High ay sinuot ko na ang maskara ng tunay na Tori Fuentabella.
Nang makarating ako sa classroom ay napansin kong iisa palang ang tao dito.
Akala ko ba andito na si Sandro?! Ugh. Hindi ko pala siya kinausap. So dito nalang ako.
Pagkapasok ko ay nakita kong si Freya ang nag-iisa dito habang suot na naman niya ang ngiting kinaiinisan ko.
Dumiretso ako sa upuan ko pero nagulat ako nang hinarangan niya ako.
"Wala ang knight-in-shining-armor mo. So, pano ba 'yan? Akala mo siguro mapapaniwala mo ako? Loser." inis niyang sabi at tinitigan ako ng matagal.
Wala akong emosyong ipinakita sakanya.
"A-ano ba. Wag mo ngang karee-rin ang pagpapanggap mo!" kabado niyang sabi at tinulak ako.
Napaatras ako pero hindi ko pinutol ang tingin ko sakanya. Nakita ko ang pag-iba ng ekspresyon niya. Gumagana ba ang acting ko? Napangiti ako sa loob-loob ko.
Naglakad ako palapit sakanya at tinulak din siya gaya ng ginawa niya kanina.
"How dare you lay your filthy hands on my uniform?" seryoso kong sabi sakanya.
Tinulak ko ulit siya kaya napaatras siya.
"How dare you say that I'm a loser?" sunod kong sabi at tinulak ko siya ng paulit-ulit.
Hindi naman yung tulak na nadadapa. Yung tulak na napapaatras ka ang ginagawa ko.
Pansin kong unti-unti siyang napapaniwala na hindi ako ang babaeng binubully niya dati.
Tinulak ko pa siya ng isang beses hanggang sa sumagad na siya sa wall ng classroom. Naramdaman ko ang panlalaki ng mata niya at ang dire-diretsong paglakad niya palabas ng classroom.
Nang maramdaman kong ako nalang ang natitira ay napaupo ako sa isang upuan at bumuntong-hininga.
Maya-maya pa ay nakarinig ako ng palakpak mula sa likuran ko.
Paglingon ko ay nakita ko si Sandro na abot-tenga ang ngiti habang naglalakad palapit saakin.
"Now that's Tori Fuentabella."
--to be continued--
A/N: Sandro Dela Vega's picture on the media viewer.
BINABASA MO ANG
Wanted: Tori Fuentabella
Teen Fiction[COMPLETED] Hindi ako ang Tori'ng hinahanap nila, okay? Hindi ako si Tori Fuentabella! PS: This story is inspired by the movie series "Who Are You: School 2015". I don't have any intentions in plagiarising the movie. This story is purely fictional...