Epilogue

7K 129 21
                                    

Author's Note:

Hello readers, I'm updating this note as of June 2020. I've been inactive for how many years but I found my will to write again. Please support me on my newest story, "ONCE UPON AN US".

Thank you so much!

------

Epilogue

Two years later...

"S-sandrooooooo!" inis kong sigaw habang hawak-hawak ang tiyan ko.

Asan na naman ba ang lalakeng 'yon?

Ang sakit sakit. Ano bang problema ng bata sa loob nito? Ay jusko.

"Yes, Cass--woooo! Putangina. Manganganak kana ata!" pasigaw niyang sabi habang nakatopless pa at may hawak na sandok.

"Ha? Ano? Manganganak na si Toni?" napatingin ako sa kakambal kong hawak-hawak pa ang baby niyang three months old na si Kenney.

"MANGANGANAK NA SI TONI!"

Napatingin naman ako sa halos mamatay-matay nang si Prim habang hawak-hawak pa ang tiyan niyang bilog na bilog na rin.

"T-teka nga! Bakit andito na naman kayong lahat sa bahay ko?" inis kong tanong sakanila habang iniinda ang sakit ng tiyan ko.

Maya-maya pa ay may naramdaman akong tubig na dumaloy mula sa sinapupunan ko.

"Sandro!" takot kong sigaw at narinig ko naman ang tawa ni Tori kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Andyan na!" tarantang sigaw ni Sandro at agad na binitawan ang sandok na hawak niya.

"Pupunta kang ganyan?" inis kong tanong habang nakatingin sa topless niyang katawan.

"Tara na. Excited na ako para kay Sandro Jr. ko." abot-tainga niyang ngiti at binuhat na ako.

"Anong Sandro Jr.? Babae 'to, gago." sabi ko at pinaningkitan siya ng mata.

Maya-maya pa ay binaba niya ulit ako kaya napatingin ako sa kanya.

"Ang bigat." sabi nito at agad ko naman siyang binatukan.

**

Five years later...

"Spencer! Baby koooo! Ang batang 'to. Halika na nga dito at lalagyan ko ng bimpo 'yang likod mo!" sigaw ko mula sa pintuan habang tinitignan ang anak kong nakikipaglaro sa mga anak nina Tori, Prim, Meg at Freya.

Nagkaanak si Tori ng lalake, they named him Kenney. Si Prim naman at Freya ay may tig-isang babaeng anak na pinangalanan nilang Rain at Summer. O diba? Seasons/weather ang peg. Si Meg naman ay nagkaanak rin ng lalake at pinangalanan niya itong Eros. Halos months lang ang mga pagitan ng taon nila.

Lumapit ako sa pinaglalaruan nila at nakita ko namang nagbabasketball kuno ang mga baby boys namin samantalang naglalaro ng dollhouse ang baby girls namin.

"Halika dito, huy!" sabi ko kay Spencer pero namumula siyang lumapit saakin.

"Mommy, bilisan mo naman. Nakakahiya eh." namumula nitong sabi.

Aba aba aba. Nagmana kay Sandro ang ugali. Tsk tsk. Mag-ama nga talaga.

"Aba't bakit?" taas-kilay kong tanong.

"Hayaan mo na. Baka makita ng nililigawan niya." rinig kong sabi ng lalake sa likod ko at hinalikan ako sa pisngi bago ako tuluyang akbayan.

"Anong ligaw? Hoy, Sandro. Wag mo ngang tinuturuan ng kung ano-ano yang anak mo. Ang bata-bata pa niyan!" nakabusangot kong sabi kaya tumawa siya ng malakas.

"Hala? May nililigawan na ang baby Spencer namin?" biglang litaw naman ni Meg sa harapan ni Spencer.

"Hayaan mo na, Meg. Binata na yan eh. Gwapo pa, mana sa Tito." biglang sabi naman ni Duke.

Aba aba aba! At talagang kinunsinti pa ang anak ko? Jusko. Ang mga lalakeng 'to.

"At sino ba ang crush mo?" natatawang bigkas ni Tori habang nilalagyan din ng bimpo ang anak niyang nakabusangot.

Agad namang namilog ang mga mata ng anak ko kaya miski ako ay natawa na rin.

"Si Summer po!" biglang sigaw ni Rain mula sa kabilang dulo.

Sunod ko namang nakita sa side ko si Freya habang tumatawa.

"Iba na talaga ang ganda ng lahi ko, Cass." sabi niya at siniko pa ako.

**

It's been eleven years since that incident happened. Pinili naming huwag ipakulong sina Candice at Reena dahil alam kong magbabago pa sila. Simula nang araw na yun ay di na namin nakita si Reena.

Sabi ni Drake ay agad daw na umalis ito nang walang paalam. Si Candice naman ay paiwas-iwas nalang ng tingin sa tuwing makakasalubong namin.

Napaisip ako. Ang pagkawala ni Tori ang dahilan kung bakit matatag ang pagsasama naming lahat ngayon. May masama itong naidulot noon, pero hindi ko maikakailang naging magandang challenge rin 'yon.

Ang unang pagkawala niya ang naging dahilan kung bakit nakilala ko silang lahat. Siya ang naging dahilan kung bakit masaya ako ngayon.

"Huy."

Napatingin ako kay Sandro sa tabi ko. Gabi na rin pala. Di ko namalayan ang pag-alis nila.

Napatingin ako sa batang nakahiga sa hita ko. Kuhang-kuha niya ang mukha ni Sandro. Kutis lang ata ang nakuha nito saakin eh. Lakas ng dugo ng kumag.

"Cute niya diba?" panlalambing ni Sandro habang nakapatong ang baba niya sa balikat ko.

"Malamang. Anak ko eh." pambabara ko sakanya kaya natawa naman siya.

"Cass." muli niyang tawag saakin.

Hinaplos ko ang mukha ng anak namin. Ang gwapo gwapo talaga.

"Pasundan na natin?" mahinang bulong niya kaya agad ko siyang siniko sa tagiliran.

Narinig ko naman ang mahinang tawa niya at sunod ko nalang naramdaman na pinahiga na niya si Spencer sa kama nito.

Maya-maya pa ay naramdaman ko na ang pagyakap niya saakin at ang pag-angkin niya ng mga labi ko.

Napaisip tuloy ako. Pasundan naba namin? Basta ba baby girl naman. 😂

-----END-----

PLEASE DO READ AND SUPPORT MY NEWEST STORY ON WATTPAD! IT'S ENTITLED "WANTED: FAKE GIRLFRIENDS" Completed na po siya! ❤️ Thank you. For mystery stories naman, please read "Kirā Hotel"

Wanted: Tori FuentabellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon