The Pageant (1/2)
"Wohoooo! Go, Tori!"
"Go Estates High!"
"Tori! Tori! Tori!"
Napatingin ako sa mga schoolmates kong kasalukuyang nagsisisigaw sa labas ng sinasakyan ko.
Nakaramdam ako ng kaba nang makalabas ako ng sasakyan namin. Bumuntong-hininga ako at hinawakan ang dibdib ko.
Kakayanin ko kaya?
"Kaya mo yan." nakangiting sabi ni Drake sa kaliwa ko.
"Matalo ka man, winner ka parin para sak--samin." sabi naman ni Sandro at may binulong pero hindi ko na narinig.
Pinilit kong tanggalin ang emosyon ko. Kailangang makasali manlang ako sa Top 3. Kailangang hindi mapahiya ang Estates High. Kailangang hindi mapahiya si Tori.
Dito sa isang beach resort ng mga Fuentabella napiling gaganapin ang pageant. It's just two hours away from Manila. Na-amaze ako dito dahil may hotel sa medyo gitna ng tubig.
Ngayon lang ako nakapunta dito. At isa lang ang masasabi ko. It's amazing.
Pumasok na ako sa loob ng hotel room na na-assign saakin at halos tumulo ang laway ko. Jusko. Hindi ko inaakalang ganito kaganda dito.
Black and white ang theme ng kwartong ito. Kasing-lawak lang nito ang kwarto ni Tori pero malawak syempre.
"You only have two hours left before 7:30 PM, Tori. Double time!" nakakabinging sigaw ni Meg na kasalukuyang tinutulak-tulak ako papunta sa harapan ng malaking salamin. Hindi ko alam kung bakit nandito 'tong isang 'to.
"Where's Prim?" tanong ko sakanya.
"Emm hereeeee!" sabi ni Prim at tumayo mula sa kama. Ugh. Nakabalot siya ng kumot.
Maya-maya pa ay may dalawang babaeng nag-ayos ng mga gamit sa harap ko.
Sila ang make-up artists ko?
Napailing ako. Bakit kailangang dalawa? Pwede namang isa lang. Hay.
Isinantabi ko ang kabang nararamdaman ko ang nagfocus na lamang sa pagmumukha ko sa salamin.
**
"Woah!" pumapalakpak na sabi ni Prim habang nakatingin saakin.
"G-gorgeous!" mautal-utal na sabi ni Meg habang sinusubo ang sandwich na ginawa niya.
Tinignan ko ang dalawang babaeng nag-ayos ng make-up ko at ang nahuling dumating na beking nag-ayos ng buhok ko. Nakangiti sila saakin.
"I think it's better if you won't smile too much. Bagay mo ang fierce eh." nakangiting puri nung beki.
Naglakad ako at tumapat sa salamin at halos tumalon ako sa nakita ko.
Ako ba yan? My goodness! Ang ganda ganda ko. Shit. Seryoso. Hindi naman sa nagyayabang. Pero. Ngayon lang ata ako nagmukhang tao. 😱
Nakasuot ako ng gown na above the knee sa harap at abot-floor naman sa likod. Kulay itim ito at tube lang. Nahiya tuloy ako sa hinaharap ko. Napatakip ako sa hinaharap ko at narinig ko naman ang tawa ng tatlong nag-ayos saakin.
"Don't be shy. Be proud!" sabi nung isang babae.
Pinasadahan ko naman ng tingin si Prim na nakayakap sa hinaharap niya habang nakapout. "Nakaka-inggit." sabi niya kaya namula ako.
Naka-messy bun ang buhok ko at may naiwang iba pang mga strands ng buhok. Simple lang ang make-up ko at sa tingin ko ay nagmistulan akong prinsesa.
"Let's go. Almost time." sabi nung isa pang babae at nagstart na kaming maglakad palabas.
Nasa harap ko ang beki at nasa likuran ko naman ang dalawang babaeng may hawak ng iba pang susuotin ko mamaya.
Nagulat nga ako nang sabihin nilang pang-introduce palang tong damit na suot ko. May casual pa, school uniform, summer fashion, at evening gown.
Iniisip ko palang ay pakiramdam ko ay magkagutay-gutay na ang katawan ko sa pagpapalit-palit ng kung ano-anong damit.
"I can't wait for the summer fashion part!" hagikgik ni Meg sa likuran ko.
"Hoy, Tori. Anong gagawin mong talent?" tanong naman ni Prim.
Namula ako sa sinabi ni Meg na summer fashion portion. Ngayon palang ako magsusuot ng ganun. Pero okay naman since hindi naman ganun karevealing ang pinili ko.
No worries naman sa mga parents since puro junior high school and senior high school lang ang mga manonood.
Napailing ako sa talent ko. Ugh! Napagdesisyonan naming susuportahan ako ng banda nila Sandro para ma-promote na rin ang pagiging music and talent-inclined ng mga estudyante sa Estates High.
"Hanggang dito nalang kami. Susupport ka namin mamaya! Nasa crowd lang kami!" nakangiting sabi ni Prim habang may hawak na tarpaulin sa isang kamay niya.
"Go, Tori. Wooooo!" tatawa-tawang sabi ni Meg at iwinagayway ang lightstick na may nakalagay na Estates High.
Pagkababang-pagkababa namin sa convention hall ng hotel ay halos malaglag ang panga ko dahil sa sobrang laki at lawak nito. Two times bigger and larger ata to kumpara sa gymnasium ng Estates.
Dumiretso kami sa dressing room at nagulat ako nang ako lang ang candidate dito. Kasama ko ang tatlong mag-aayos sakin throughout the pageant.
"Bakit ako lang dito?" nagtatakhang tanong ko kay Mike, ang beking nag-ayos ng buhok ko.
"Oh girl. Every contestant ay may sari-sariling dressing room para maiwasan ang tension. Y'know." page-explain niya at nilagay sa hanger ang mga isusuot ko mamaya.
"What? Ilan ba kami?" tanong ko muli.
Bumaling naman sakin si Ate Regine, ang isa sa nagmake-up sakin, "There are 20 contestants all in all." sabi niya at kinindatan ako.
What?! Twenty? Seryoso ba sila? Baka mamaya sa ranking ako ang pang-20? Jusko.
"Five minutes left!" excited namang sabi ni Ate Mik at pumalakpak.
Maya-maya pa ay narinig ko na ang host mula sa labas at ang malakas na hiyawan ng mga estudyante.
--to be continued--
BINABASA MO ANG
Wanted: Tori Fuentabella
Novela Juvenil[COMPLETED] Hindi ako ang Tori'ng hinahanap nila, okay? Hindi ako si Tori Fuentabella! PS: This story is inspired by the movie series "Who Are You: School 2015". I don't have any intentions in plagiarising the movie. This story is purely fictional...