Don't mess with me.
Hindi ko na napigilan ang mapahawak sa bibig ko dahil sa pagkagulat.
Dire-diretsong naglakad si Tori palapit kay Freya at marahas niya itong hinila-hila palabas ng classroom.
Napahinto ako nang marealize na hindi manlang sumigaw sa sakit si Freya nang hilain siya ni Tori sa injured niyang kamay.
"Akala ko ba injured siya?" wala sa sariling tanong ni Candice.
"That bitch! Ayan nagpapaloko kasi kayo agad!" sigaw ni Meg na naging dahilan ng pagkabilib ko sakanya.
Sunod ko nang narinig ang mga bulungan tungkol kay Tori na pumasok.
"Sino ba sakanila ang totoong Tori?" rinig kong bulong ng isang kaklase kong babae.
Hindi ako makatayo sa kinauupuan ko. Ngayon lang ulit nagpakita si Tori sa mga kaklase niya, kay Prim, Meg, Sandro at Drake.
"Hindi mo manlang pinaglaban si Tori. Simula noon at ngayon, duwag ka parin." rinig kong bigkas ni Sandro mula sa likuran ko.
Sunod kong narinig ang hiyaw ng mga kaklase ko at lumingon ako para tignan ang nasa likuran ko.
Mas natuod ako sa kinauupuan ko nang makita kong dumudugo ang labi ni Sandro samantalang pinipigilan naman ng mga kaklase kong lalake si Drake.
Sunod kong nakita ang pagsulyap sakin ni Sandro. Sinamaan niya ng tingin si Drake at agad naman niyang hinawakan ang kamay ko at hinila palabas ng classroom.
"S-sandro. Si Tori." mahinang wika ko sakanya habang naglalakad kami ng mabilis sa mahabang hallway.
"Hahanapin natin." seryoso niyang sabi at sinulyapan ako. Maya-maya pa ay huminto siya sa paglalakad at humarap saakin.
"Damn. Wipe your tears." sabi niya at pumikit saglit at tuluyan nang pinunasan ang luha ko.
Ngayon ko lang nakita ang ganitong side niya kaya nanibago ako.
Maya-maya pa ay may nakita na kaming dalawang pamilyar na pigura sa may dulong parte ng hallway. Sarado ang mga classroom dito dahil talagang bakante na ang mga ito.
"I warned you, didn't I?" seryosong sabi ni Tori at pansin kong nagpipigil siya ng galit.
Napatingin ako kay Sandro at nanatili kaming tahimik na nakatayo sa gilid nila.
"Yes. Pero alam mo naman siguro kung gaano kagaspang ang ugali ko." tatawa-tawang sagot ni Freya.
Nagpakawala ng maliit na ngisi si Tori, "Yeah. Kasing-gaspang ng pagmumukha mo."
Nakita ko kung pano napahiya si Freya sa harapan namin ni Sandro.
"I warned you last week. Sinabi kong tigil-tigilan mo na ang pambubully sa kakambal ko dahil nasa teritoryo kita." seryosong sabi ni Tori at patuloy ang pagtapon ng matatalim na tingin kay Freya.
Nagkita sila? Last week? Don't tell me si Tori ang may kagagawan ng injury ni Freya?
"At anong kaartehan yan?" iritang tanong ni Tori habang nakatingin sa injury ni Freya.
Maya-maya pa ay nagulat ako nang hilain ni Tori ang telang bumabalot sa kamay ni Freya at nagulat ako nang wala akong makitang problema dito o kahit na konting pasa o gasgas man lang.
"Wow. Such a nice show inside that room!" sigaw ni Tori at hinigit ang kamay ni Freya.
Walang injury si Freya? Siniraan niya lang ako sa harap ng maraming tao?
"Hindi kana nagbago, Freya. Alam mo bang sa ginagawa mong yan, nagmumukha kang kaawa-awa?" hindi ko na napigilan ang bunganga ko habang tumutulo ang luha sa mga mata ko.
Naramdaman ko ang mahigpit na hawak ni Sandro sa kamay ko at ang matalim na tingin saakin ni Freya.
"Tori. Hindi mo alam kung anong pinaggagawa ng kambal mo dito sa sinasabi mong teritoryo mo!" biglang sigaw ni Freya at tumingin kay Tori.
Umiling si Tori, "I don't care. As long as she won't live with hatred and anger in her heart just like a pathetic girl like you."
Napansin ko ang pagngilid ng luha ni Freya pero agad niya rin itong pinalitan ng mapang-asar na ngiti at sumulyap sa likuran namin ni Sandro.
"Drake! Nice timing! Siguro ay naguguluhan ka kung bakit dalawa ang mukha ng girlfriend mo ngayon."
Napatingin ako kay Tori na halatang pigil ang luha niya nang makita si Drake.
She really loves him that much. I can feel it.
"Can somebody explain this to me?" bakas ang sakit at galit sa boses ni Drake.
Natahimik ang paligid. Miski ako ay walang mabanggit kahit isang salita.
"Drake. Ngayong dalawang Tori ang nasa harapan mo ngayon, let's see kung sinong pipiliin mo. Ang Tori na minahal mo noon? O ang Toring nagka-amnesia pero pinagkatiwalaan at minahal mo ngayon?" nakakalokong tanong ni Freya at sumulyap saamin ni Tori.
Pansin ko ang paglambot ng ekspresyon ni Tori. Pansin kong mas humigpit ang hawak ni Sandro sa kamay ko. At pansin ko ang speechless na ekspresyon ni Drake.
"Kahit sino ang piliin niya, I'll accept it wholeheartedly." pambabasag ni Tori sa katahimikan.
Pansin kong natulala si Drake sa kinatatayuan niya. Ganun rin ako. Hindi ko inaasahan na mangyayari ang mga 'to.
"I also warned you not to mess with my friends, with Cassandra, and don't ever dare to mess with me. Because you know what? If you think that you have a bad attitude, then I have the worst one." diretsong sabi ni Tori kay Freya.
Maya-maya pa ay hinila ni Tori ang buhok ni Freya at sinampal ito gamit ang kaliwang kamay. Nanigas ako sa kinatatayuan ko.
Narinig ko ang malakas na hiyaw ni Freya at pagkatapos nun ay sinampal niya rin ng malakas si Tori. Nabitawan ni Tori ang pagkakahak niya kay Freya.
Akala ko tapos na pero naglakad ulit palapit si Tori kay Freya..
"This is for bullying my sister." matalim na banggit ni Tori at tinulak si Freya na naging dahilan ng pagkakaatras nito.
"This is for making her life miserable." mula niyang sabi at tinulak ulit si Freya.
"This is for pestering her life."
"This is for making her cry and suffer."
Patuloy sa pagsasalita at pagtutulak si Tori habang pansin ko namang naiiyak na si Freya. Miski ako ay gulat rin dahil hindi ko alam na ganito magalit ang kakambal ko.
"And this is for messing with a Fuentabella." huling wika ni Tori at sinampal ng pagkalakas-lakas si Freya.
Sunod ko nang nakita ang mga kaklase naming lalake na inalalayan si Freya dahil tuluyan na siyang nanghina.
"T-tori." banggit ko at lumapit sakanya.
Nagulat ako nang yakapin niya ako habang tinatap ang balikat ko.
"I told her not to mess with my twin but then I guess she had no ears." sabi niya at narinig ko ang mahinang tawa niya.
Maya-maya pa ay kumalas na siya sa pagkakayakap saakin.
"Tori."
Napatingin ako sa lalakeng nasa likuran ko at nginitian siya. Tinignan ko naman ang kapatid kong sa iba nakatingin at halatang nagpipigil na naman ng iyak.
Napailing nalang ako at naglakad palayo sakanila ni Drake.
"Buti naman hindi kana umiiyak. Ang pangit mo pamanding tignan." seryosong sabi ng isang lalake at inakbayan ako.
Natawa nalang ako bigla at napailing. Kahit kelan talaga, ang lakas mang-asar ng Sandrong 'to.
--to be continued--
BINABASA MO ANG
Wanted: Tori Fuentabella
Teen Fiction[COMPLETED] Hindi ako ang Tori'ng hinahanap nila, okay? Hindi ako si Tori Fuentabella! PS: This story is inspired by the movie series "Who Are You: School 2015". I don't have any intentions in plagiarising the movie. This story is purely fictional...