Chapter 18

5.2K 79 0
                                    

Phone Call

"Uupo na daw si Prim dyan." nakabusangot na sabi ni Sandro habang nakatingin sa inuupuan ni Drake.

"Sus. Ayaw mo lang kaming magkatabi eh." sumbat ni Drake sa tabi ko.

Humalakhak si Sandro sa harapan namin kaya palihim ko siyang tinaasan ng kilay, "Asa pre. Asa!" naniningkit niyang sagot.

Tinignan ako ni Drake. Tinignan ko lang din siya ng seryoso. Unti-unti akong tumayo.

"Sandro, upo." utos ko kay Sandro habang nakaturo sa upuan ko.

Umiling-iling siya habang nagme-makeface. Ugh, this guy. 😏

Hinila ko siya paupo sa inupuan ko kanina at nagulat siya sa ginawa ko.

"Ayan. Kayong dalawa ang magtabi. Walang aalis sainyo." seryoso kong sabi at lumabas na ng classroom para magpahangin sa labas.

Wala pa naman yung teacher so okay lang. Palakad-lakad ako sa hallway nang may marinig akong pamilyar na boses sa parang veranda ng building.

Dire-diretso lang akong naglakad para lumabas sa field pero may narinig akong kumuha ng buong atensyon ko.

"Kung makikita mo lang sana ang mukha niya. She really looks like Cassandra!"

Nagsalubong ang kilay ko sa narinig ko at dumiretso sa pinanggagalingan ng boses.

Nakatalikod siya mula saakin kaya hindi niya ako nakikita. May hawak siyang cellphone at mukhang may kausap siya.

"Yes. I took a picture of her kanina para sana i-send sayo pero pumalya! Ugh. Bakit ba kasi andami niyang alagad."

Nanatili akong tahimik sa likuran ni Freya. Lumapit pa ako lalo at tumigil na ako sa paghakbang nang mga tatlong steps nalang ang layo ko sakanya.

"Tori. Tori Fuentabella ang pangalan niya dito. Kindly search."

Maya-maya pa ay may nagsalita ulit sa kabilang linya at napansin kong medyo nagulat si Freya.

"What? Heiress of Fuentabella Resorts and Corporation? Are you damn serious?" medyo tumaas na rin ang boses niya.

Nanatili akong tahimik sa likod niya. Magsasalita sana siya pero bigla siyang humarap saakin. Nakita ko kung paano siya nagulat.

"Uh-- Mommy? Yes po. I'll call you later." bigkas niya at binaba na ang tawag.

Pinagsalubong niya ang kilay niya at unti-unti ko siyang tinaasan ng kilay.

"How dare you suspect my identity?" tanong ko.

Pansin kong nagulat siya dahil sa tingin ko ay alam na niyang madami na akong narinig. Ang gulat niyang ekspresyon ay napalitan ng isang nakakalokong ngiti.

"Kasi hindi ako naniniwala sa pinagsasasabi mo. Tingin mo mapapaniwala mo ako sa kasinungalingan mo? Ofcourse not, Cassandra. Ano ako? Bobo? Tsaka pwede ba. Anong gusto mong palabasin? Kamukha mo lang yun sinasabi ko? What the? Tapos anong susunod? Sasabihin mong may kakambal ka? Wow. Ang complicated naman ng buhay mo." seryoso niyang sabi.

Nagpakawala ako ng isang ngisi, "Unang-una sa lahat. Wala akong sinabing bobo ka, ikaw ang nagsabi 'nun."

Magsasalita pa sana siya nang putulin ko ang sinabi niya, "At pano kung tama ang sinabi mong may kakambal ako?"

I smirked at her. Natawa naman siya ng palihim at unti-unting nag-cross arms.

"Stop telling lies." sabi niya.

"I'm not telling lies." sagot ko at kinuha ang isang litratong binigay sakin ni Tori noong nagkita kami sa coffee shop. Yun ay ang litratong binuhusan ako ni Freya ng harina.

"I captured that shot. Hindi mo ba alam kung gaano ako nagpipigil na sugurin ka noon?"

Lumayo ako ng kaunti sakanya at tinignan siya ng seryoso. "I knew everything, Freya. Alam kong hindi ka nagtransfer dito dahil kailangan mong lumipat. You transferred here in Estates High because of bullying. You transferred here because you almost killed my twin."

Napaawang ng kaunti ang bunganga niya. "Hahaha. Omygod. Nababaliw kana." sabi niya at pilit na nagpakawala ng tawa.

"It seems that you're the one who's telling lies." matigas kong sabi sakanya.

Nanatili akong tahimik habang nakatingin sakanya. "Ikaw si Cassandra. Hindi ba? Umamin ka na. I felt it the first time na nagtama ang mga tingin natin. Kakaiba ang ekspresyon mo." muli niyang sumbat.

"You felt it? Wow. Nice." sarkastiko kong sagot sakanya.

"If I know. Naga-acting acting ka lang. Ilabas mo ang totoong Tori'ng kakambal mo. Baka naman noong nawala siya ng isang linggo ay dinakip mo siya dahil gusto mong makuha ang buhay na nasa kanya."

Nandilim ang paningin ko bigla. Hindi ko napigilan ang paghablot ko sa braso niya.

"B-bitawan mo ako." kinakabahang sabi niya at pilit na kinakalas ang pagkakahawak ko sa braso niya.

"Kung sa tingin mo ay kaya mong gawin sakin ang ginagawa mo sa kakambal ko 'pwes nagkakamali ka." marahas kong tinanggal ang pagkakahawak ko sa kamay niya.

Nakita ko ang takot sa mga mata niya. Hindi ko rin alam na kaya kong maging matapang. I need to be strong. Hindi lang para saakin, kundi para sa kakambal ko.

--to be continued--

Wanted: Tori FuentabellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon