Cassandra's Tears
"Nahihiya ako." bulong ko sa katabi ko ngayon dito sa kotse habang patingin-tingin ako sa nadadaanan naming kalsada.
Tinignan niya lang ako ng seryoso at unti-unting nagpakawala ng mahinang tawa.
"And why is that?" tanong nito pagkatapos tumawa.
Napabuntong-hininga ako at umiling na lang.
Ang ewan kasi. Sabay kaming papasok pagkatapos ng nangyari kahapon. Plus. Nalaman pa nilang nagpapanggap ako.
"Halika na." sabi niya at hinila ako palabas ng kotse.
Pagkatapak na pagkatapak ko sa pinakadulong parte ng hallway ay agad ko nang napansin ang mga matang nakatingin saamin at ang mahinang bulung-bulungan.
Nabaling ang tingin ko kay Tori na kasalukuyang seryoso lang ang tingin sa dinadaanan.
Pagkatapak na pagkatapak namin sa classroom ay agad na sumalubong ang mga tili at yakap nila Prim at Meg kay Tori.
"I missed you, girl!" naiiyak na sabi ni Meg
"Where have you been?" nanlulumo namang sabi ni Prim.
Napangiti nalang ako. Miss na miss talaga nila si Tori. Iniwas ko ang tingin ko dahil pansin kong parang hindi maganda ang nagiging pakiramdam ko.
Am I being an outcast, again?
Maglalakad na sana ako palayo pero may isang kamay na humawak sa braso ko at niyakap rin ako.
"Miss na kita." bulong nito kaya natawa ako habang pinapalo siya.
"Engot ka talaga, Sandro." bulong ko.
Bumitaw siya sa yakap at maya-maya pa ay naramdaman kong madami nang yumakap saakin.
"Dito ka nalang. Wag kang aalis. Huhuhu." mangiyak-ngiyak na sabi ni Prim.
"Iba kana talaga. Best actress." natatawa namang sabi ni Meg at yinakap rin ako.
Nginitian ko sila. Akala ko malilimutan na nila ako eh.
"Tori."
Napalingon ako sa nagtawag ng pangalan ni Tori. Umiwas muli ako. Ugh. Nasanay na akong tinatawag akong Tori.
"Drake." mahina ngunit seryoso ring sabi ni Tori.
Maya-maya pa ay isang mahigpit na yakap ang sinalubong ni Drake habang nakapikit.
Nanatili akong nakatingin sakanilang dalawa at unti-unti akong napahawak sa dibdib ko. Para bang hindi ako makahinga.
Isang malakas na tilian ang narinig ko sa classroom. Nakita ko rin ang maliit na ngiti ni Tori at hindi ko napalagpas ang tingin ko sa isang tulo ng luha mula sa mga mata niya habang kayakap si Drake.
Naglakad ako palabas at dumiretso ng cr. Tumingin ako sa salamin at marahang sinampal ang sarili ko.
"Ano ba, Cass. Umayos ka nga." mahinang sabi ko at napansin kong naging garalgal ang boses ko dahil para tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan.
Agad akong pumasok sa isang cubicle at agad na nilabas lahat ng iyak ko don.
Alam kong hindi dapat ako umiiyak ngayon dahil in the first place ay alam ko namang hindi ako ang Tori nila.
Inis kong sinipa ang pintuan ng cubicle ko dahil sa tingin ko ay nagsisimula na akong mainggit sa kakambal ko.
Sa isang iglap ay naalala ko ang yakap ni Drake saakin na siya ring naging yakap niya kanina kay Tori. Kanina ay para bang naramdaman niya talagang si Tori 'yung kayakap na niya at hindi na ako.
Pinunasan ko ang luha ko at lumabas na ng cubicle. Humarap ako muli sa salamin at nainis ako nang makita kong mata ang mga mata ko.
Hinugasan ko ang mukha ko sa sink at nag-antay ako ng ilang minuto para bumalik sa dati ang namamaga kong mata mata.
Bumuntong-hininga ako at binalik ang malawak kong ngiti at nagsimula nang maglakad palabas.
Pagkalabas na pagkalabas ko ng cr ay napawi din agad ito nang makakita ako ng isang lalakeng seryosong nakatingin saakin habang nakasandal sa pader malapit sa pintuan ng cr.
"What was that, Cassandra? Tell me you didn't fall for Drake." seryosong sabi ni Sandro habang naglalakad palapit saakin.
--to be continued--
BINABASA MO ANG
Wanted: Tori Fuentabella
Teen Fiction[COMPLETED] Hindi ako ang Tori'ng hinahanap nila, okay? Hindi ako si Tori Fuentabella! PS: This story is inspired by the movie series "Who Are You: School 2015". I don't have any intentions in plagiarising the movie. This story is purely fictional...