Chapter 31

4.8K 70 0
                                    

Freya's Back

Isang linggo na ang nakakalipas at pansin kong hindi parin ako kinakausap ni Drake. Sinabi ko na rin kay Tori na nag-away kami ni Drake. Sinabi niyang seloso daw talaga ito. Sinabi pa niyang antayin ko munang lumamig ang ulo ni Drake.

Isang linggo na ring hindi pumapasok si Freya kaya medyo nag-aalala rin ako.

Lumiko ako at nagsimulang tahakin ang mahabang pasilyo papunta sa classroom.

May limang minuto pa bago magtime pero alam kong ako nalang ang wala doon.

Nakasarado na ang pintuan ng classroom dahil maagang inoopen ang aircon kaya sumilip ako saglit sa bintana.

Natawa ako ng mahina nang nakakumpol silang lahat habang may hawak na isang portfolio.

Binuksan ko ang pintuan ng classroom at nagulat ako nang tumingin silang lahat saakin.

"Kamukha nga niya." rinig kong sabi ng isang kaklase ko habang ang iba naman ay tumatango-tango.

Maya-maya pa ay nagsibalikan na sila sa mga upuan nila pero paminsan-minsan ay tumitingin sila saakin.

"Alam mo ba. May kamukha ka." sabi ni Prim habang hinahaplos ang buhok ko.

"Sino?" tanong ko naman at maya-maya pa ay may hiningi siyang papel sa isang kaklase ko.

Nakita ko na rin si Meg sa tabi ko at nanghila siya ng upuan para mapagitnaan nila ako ni Prim.

Halos manlumo ako nang makita ko ang litratong hinarap saakin ni Prim.

Ito ay ang litratong tinapon ko kay Freya noong nagkasagutan kami sa veranda. Ito yung litrato kung saan tinapunan niya ako ng harina. Ngayon ko lang rin napansin na medyo bumaba ang pagkakalagay ng blouse ko sa litratong ito at malinaw na nakuhanan ng litrato ang birthmark ko.

Sunod ko namang nasulyapan ang ID Card ko noong nasa Roxas High pa ako. Hawak ito ni Meg.

"May kambal ka ba, Tori?" tanong ni Meg saakin.

"Ofcourse wala. Eh di sana Fuentabella yang apelyido niyan diba?" sagot naman ni Prim habang nginunguso yung hawak ni Meg na ID Card.

Nagsimula na akong kabahan pero hindi ko ito pinahalata sakanila.

"San niyo ba yan nakuha?" tanong ko pero hindi ko pinahalata ang ekspresyon ko.

"May nag-abot daw na babae kay Candice. Sabi ni Candice ay sinabi daw nung babae na yaya daw siya ni Freya. At alam mo ba? Si Freya daw kaya nawala ng isang linggo dahil nabalian sa parteng kamay." kwento saakin ni Meg.

Nagtakha ako. Si Freya nabalian? Eh anong meron sa mga nagkalat na litrato ko?

"Si Freya nabalian? Bakit daw?" tanong ko.

Bumuntong-hininga naman si Prim, "Kasi diba dyan sa isang litrato ay binubully ni Freya yang babaeng kamukha mo. Pero nung last week daw ay nagkita sila ni Freya. Panay daw ang paghingi ng tawad ni Freya dun sa babae pero tinulak daw siya nung babae at napalakas daw ang pagkakabagsak ni Freya sa semento." mahabang pahayag ni Prim.

Palihim kong ikinuyom ang kamao ko. Sinungaling ang nagkwento sakanila. Hindi ko kayang manakit ng ganun kalala. Hindi ko kagaya si Freya.

"Saan niyo naman yan nalaman?" tanong ko.

"Kinwento ni Freya sa yaya niya at nagreport yung yaya niya sa principal natin para mapa-excuse si Freya." sabi naman ni Prim.

Tumango nalang ako at nagsketch uli. Sunod kong napansin ang pagtingin ng mga kaklase ko sa bandang pintuan.

Tinignan ko rin ang tinitignan nila at bahagya akong nagulat nang makita ko si Freya habang nakabalot ng bandage ang kamay.

"Freya, okay kana ba?"

"Ang sama naman ng gumawa sayo niyan."

"Magpagaling ka kaya muna?"

Sunod-sunod kong narinig ang mga pangangamusta sakanya ng mga kaklase ko. Hindi ko na sila pinakealaman at maya-maya pa ay may isang pares ng sapatos ang tumapat saakin.

Napaangat ako ng tingin at nakita ko si Freya habang unti-unting humihikbi sa harapan ko.

"Masaya kana ba, Cass?" paiyak nitong sigaw.

Nalilitong tumingin saakin ang mga kaklase ko samantalang diretso parin ang tingin ko sa mga mata niya at isa lang ang alam ko. Nagsisinungaling siya.

"Anong Cass? Huy wag ka namang ganyan. Alam naming kamukha ni Tori ang sinasabi mong nanakit sayo pero wag mo naman siyang idamay." rinig kong sabi ni Meg mula sa likuran.

Umiling si Freya, "Hindi niya lang basta-basta kamukha ang babaeng kaharap ko ngayon. Dahil siya si Cassandra Delos Reyes! Ang kapal nga niya eh. Pinakidnap niya ang totoong Tori dahil gusto niyang makuha lahat ng meron si Tori. Gold digger ka! Hindi totoong nagkaamnesia siya dahil hindi talaga siya ang totoong Tori Fuentabella." sigaw niya habang patuloy ang pagpupunas niya ng fake niyang luha.

Gustong-gusto ko siyang sampalin at pansin kong naiiyak na rin ako. Hindi ako gold digger. Hindi ako masamang tao.

"Ano naman ang pruweba mo? Hoy, babae tumigil ka na baka makalimutan kong hindi ako pumapatol sa babae." sunod kong narinig ang galit na boses ni Sandro mula sa likuran.

Boses ni Sandro at Meg palang ang naririnig kong nagtatanggol saakin. Wala ba akong maririnig na boses ni Drake?

Tinignan silang lahat ni Freya.

"Pruweba ba ang gusto niyo? O sige!" sigaw niya at sunod kong naramdaman ang pagkapunit ng blouse ko sa parteng balikat.

"O my god!"

"May birthmark siya sa likod!"

Napatigil ang lahat miski ako nang magsalita si Prim na para bang hindi makapaniwala.

"T-tori? Ikaw ba talaga yan? Lumaki tayo ng sabay at alam kong wala kang ganyan." naiiyak nitong sabi.

Hindi ko na napigilan ang tuloy-tuloy na pag-agos ng luha ko.

I'm done. Kaya ko namang sabihin sakanilang lahat na hindi ako si Tori. Aamin naman ako eh. Pero hindi sa ganitong paraan.

Inangat ko ang tingin ko nang bumukas ng malakas ang pintuan.

Nagmistulang parang walang tao sa loob ng classroom dahil walang kahit na anong ingay ang naririnig. Nabalot ng malamig na aura ang paligid.

Nanlaki ang mata ko nang makita ko kung sino ang pumasok.

--to be continued--

Wanted: Tori FuentabellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon