Tell me, Tori.
"Panget."
Napairap ako kay Sandro nang makita ko na naman siya sa tabi ko.
"Panget naman pala. Bakit ka tumatabi?" irita kong sabi.
"Ang daya mo, Tori." seryoso niyang sabi habang nilalaro ang drumsticks na hawak niya.
Drummer ng isang sikat na banda dito sa school si Sandro. Hindi nga ako makapaniwala na talented pala 'tong isang 'to.
"Pano na naman ako naging madaya, ha?"
Nilingon niya ako habang nakataas ang kilay niya. Jusko. Mas mataray pa ata ito kesa sa totoong Tori eh.
"Ang daya daya mo. Kinalimutan mo kaming lahat. Pero bakit yung ugali mo, hindi mo kinakalimutan? Ang sungit." pagmamaktol niya kaya piningot ko ang tenga niya.
"Hoy ano ba kayong dalawa? Kanina pa kayo ah!" inis na reklamo ni Prim habang nakapanghalumbaba.
Sunod ko namang naramdaman ang tingin ng isang pares ng mata. Nilingon ko ito at nakita ko si Drake na agad namang nag-iwas ng tingin.
Hindi ko tinanggal ang tingin ko sakanya at nagulat ako nang tumayo siya at naglakad papunta saakin.
Nilahad niya ang kamay niya, "Sama ka?"
"Saan?" diretso kong tanong.
"Sa puso ko." natatawang sambit niya habang ang mga kaklase ko naman ay nangingisay sa kilig.
Umiwas ako ng tingin. Sunod kong naramdaman ang pag-init ng pisngi ko. Shit. Hindi pwede. Ugh! Bakit ba kasi hindi ko ma-resist ang charms nito?
Cassandra gumising ka! Nagpapanggap ka lang! Boyfriend siya ni Tori.
Tinignan ko lang siya at nilahad ang kamay ko. Pero bago ko ilahad ang kamay ko ay may narinig kami mula sa harapan na naging dahilan ng pagtahimik ng mga kaklase ko.
"Get a 1/4 sheet of paper and let's take a short exam!" nakangiting sabi ng teacher naming terror na sa tingin ko ay kamukha ni Sen. Miriam Defensor.
**
"Ugh! Ayoko na talaga." naluluhang sabi ni Prim pagkalabas na pagkalabas ni Miss Manggahan sa klase.
"Akala ko ba short exam lang? Kelan pa naging short exam ang 60 item-test?!" namumula sa galit na reklamo ng kaklase kong highblood na si Marco.
"Galit na galit?" pambabara ni Drake na naging dahilan ng pagtawa ko ng kaunti.
Isa pa yan eh. Lagi silang hindi magkasundo ni Drake. Sabi sakin ng kaklase kong girlfriend ni Marco ay nagsuntukan daw kasi sila ni Drake nung 3rd year high school sila dahil sa nag-agawan sila ng chocolate drink sa canteen.
Tumayo si Marco at kinwelyuhan si Drake. Nanlaki ang mata ko dahil nakatayo lang nang normal si Drake na para bang wala lang sakanya yun.
"Montenegro! Perez! Ano na naman yan?" seryosong sabi ni Sir Stanley na kakapasok lang. Siya ang aming adviser.
Mabait si Sir. Parang barkada ang turingan namin sa klase pero syempre dapat may respeto parin kahit ganon.
Agad namang bumalik si Marco sa pwesto niya. Inayos namin ang upo namin.
"You have a new classmate." nakangiti niyang sabi. "Pasok."
Nakahalf-smile akong nakatingin sa pintuan at nakita kong pumasok ang isang babaeng may maiksing buhok. Rinig ko naman ang hagikgikan ng mga lalake kong kaklase.
"Hi guys. I'm Freya Alonzo."
Pagkasabing-pagkasabi niya ng pangalan niya ay nagsalubong ang aming tingin. Ramdam ko ang panlalambot ng tuhod ko. Nagulat ako ng ngumiti siya saakin.
Maya-maya pa ay umupo na siya sa bakanteng upuan sa harapan.
Napansin ko rin ang isang pares ng mata na nakatitig saakin. Nilingon ko ito at nakita ko si Sandro na sinusuri ang mukha ko. Umiwas ako sakanya ng tingin at nagsimula nang makinig kay Sir Stanley.
**
"Cr lang ako." paalam ko kina Prim at Meg na kasalukuyang kasabay kong naglalakad palabas ng building.
"We'll wait for you." nakangiting sabi ni Meg.
Si Megan Madrigal ang isa pa sa pinakamatalik na kaibigan ni Tori Fuentabella. Silang tatlo ang laging magkakasama ever since.
Pagkarating ko sa cr ay agad akong pumasok sa pinakadulong cubicle para umihi.
Pagkatapos ay nagpunta ako sa sink para maghugas at ayusin ang sarili ko.
Palabas na ako at nagsimula na akong maglakad sa tahimik na hallway. Wala na yung iba. Uwian na kasi. Liliko na sana ako nang biglang kong makasalubong si Freya. Nakaramdam ako ng takot pero naalala kong hindi ako si Cassandra Delos Reyes sa eskwelahang 'to.
"Nagulat ako, Cass. Nawala ka bigla sa Roxas High. Alam mo bang na-miss kita?" nakangisi niyang sabi.
Pinigilan ko ang sarili kong umiwas ng tingin.
"What do you mean?" kabado kong tanong.
"Hahaha. Anong what do you mean ka dyan?" nag-iinarte niyang tanong.
"What do you mean Cass? Who's Cass? Ako ba ang tinutukoy mo?" tanong ko.
Napansin kong nagulat siya sa sinabi ko.
"Come on. Wag ka ngang umacting dyan. Di mo bagay." sabi niya at nahalata kong tensed siya.
"I don't know what you're talkin' about." sabi ko at nilagpasan siya.
Naramdaman kong hinila niya ang braso ko at tinulak ako kaya napaatras ako. Nagsimula na akong matakot pero nilabanan ko ito. Tinignan ko siya.
"Anong problema mo, Miss Alonzo?" tanong ko.
"Baliw kana ata, Cass." hindi makapaniwalang sabi niya.
Inirapan ko siya at nagulat ako nang maglakad siya palapit saakin. Tinaas niya ang kamay niya at akmang sasampalin ako. Natuod ako sa kinatatayuan ko at nagulat nalang ako nang maamoy ko ang pabango ni Sandro sa harap ko.
Nakatalikod ito saakin.
"What do you think you're doing?" matigas niyang sabi kay Freya.
"I'll just teach her a lesson, Sandro."
Umiling si Sandro sa narinig, "No one ever dares to lay a finger to a girl named Tori Fuentabella."
"Tori? Tori Fuentabella? Anong ibig mong sabihin?" rinig kong tanong ni Freya.
"She's Tori Fuentabella. Sa susunod na makikita kitang kinakalaban siya, sinisiguro kong hindi lang ako ang makakalaban mo kundi pati ang lahat ng tao sa eskwelahang pinapasukan mo." seryosong sabi ni Sandro.
Napaawang ang bibig ko. Nakakatakot siya. Sinulyapan ko si Freya sa harap ko. Nakayuko siya at hindi siya makapaniwala.
Naramdaman ko ang paghila saakin ni Sandro palayo sakanya. Nang makalayo na kami ay agad niya akong tinignan ng seryoso.
"Tell me, Tori. Anong nangyayari sa'yo?"
--to be continued--
A/N: Megan Madrigal's picture on the media viewer.
BINABASA MO ANG
Wanted: Tori Fuentabella
Teen Fiction[COMPLETED] Hindi ako ang Tori'ng hinahanap nila, okay? Hindi ako si Tori Fuentabella! PS: This story is inspired by the movie series "Who Are You: School 2015". I don't have any intentions in plagiarising the movie. This story is purely fictional...