Chapter 12

5.4K 88 0
                                    

What ifs

"So you mean, pumunta si Tori sa bahay nila, and exactly sa kwarto niya nung isang gabi at kinuha yung damit at kwintas na kaparehong-kapareho ng iyo?" pabulong na tanong ni Sandro sakin.

Tumango ako habang umiinom ng tubig. Nilapag ko ang baso sa harap ko at inikot ikot ito.

"Tigil nga. Nahihilo ako." reklamo ni Sandro.

Tinaasan ko siya ng kilay, "Sinabi ko ba kasing panoorin mo?"

Pinitik niya ang ilong ko na naging dahilan ng pagbabangayan namin sa canteen.

"Masakit nga!" inis kong sigaw.

"Sus! Late reaction." pang-iinis niya.

"Anong late reaction ka dyan! Bakit ka ba kasi namimitik?" pagtataray ko.

Ramdam na ramdam ko talagang magkasalubong ang kilay ko ngayon dahil sa pagka-inis at pagkairita.

Tumayo ako at iniwan siya doon. Nakakainis talaga yung Sandro'ng yun! Ugh. Ang galing niyang mang-inis. Annoying!

Maya-maya pa ay nakakita ako ng bench sa tabi ng isang puno kaya doon ako naupo.

Sinipa ko ang bato at nagulat ako ng may isang pares ng paa ang nakatayo sa harapan ko.

Inangat ko ang tingin ko at nakita ko ang mataray na mukha ni Reena, ang nakababatang kapatid ni Drake.

Muntik na akong matawa dahil napansin kong ganito rin ang emosyong pinakita niya noong unang beses ko silang nakita sa bahay pagkatapos akong magpaalam kila Tita Mileya na sa bahay na ako ng mga Fuentabella titira.

Bakit ba ang sungit-sungit ng batang 'to? Isang taon lang naman ang pagitan namin.

"I thought you're my Kuya's girlfriend?" mataray niyang sabi.

Napansin kong fluent siya sa English. Ngayon ko lang narinig ang boses niya.

"Yes. I am."

"Then why are you hanging out with Kuya Sandro? Are you cheating over my brother?" inis niyang sabi.

Sunod kong narinig ang boses ng Kuya niyang papalapit saamin.

"What is it this time, Ree?" tanong niya.

"Your girl is cheating on you." sagot niya at tinignan ako ng masama.

Nanatili akong walang emosyon habang pinapanood sila.

"I am not, Reena." singit ko at nagsimula nang maglakad palayo.

Napabuntong-hininga ako. Hindi ako masyadong pinapansin ni Drake. Kaninang umaga pa siya. Gustuhin ko man siyang kausapin ay hindi ko siya nat-tyempuhan. Kanina sana kaso andun naman si Reena.

"Bakit mo ako iniwan dun?" inis na tanong ng lalakeng nasa likuran ko.

Hinarap ko siya at tinaasan ng kilay. Isa pa 'to. Mang-iinis na nga lang, ngayon pa.

"May sasabihin ako tapos iiwan mo ako." sabi niya at hinila ako papasok sa classroom namin.

Mga nasa lima pa lang ang andito kaya pinili naming umupo sa dulo.

"Nabanggit mong pareho kayo ng damit at necklace 'di ba? At nasabi mo ring may nagpadala lang sayo 'nun." pag-uumpisa niya kaya tumango ako.

"What if she was the one who gave you the clothes and the necklace?"

Napatingin ako sakanya. Posible nga. Pero imposible rin at the same time.

"Bakit niya naman gagawin yun eh hindi naman kami magkakilala?" balik kong tanong sakanya at tinignan ang mga kaklase kong kasalukuyang naglalaro ng kung ano-ano.

"What if ikaw lang ang nag-iisip niyan? What if ikaw lang ang hindi nakakakilala sakanya? What if siya kilala ka niya?" tanong niya kaya tinignan ko siya nang mabuti.

Kakaiba siya mag-isip. Nakakainggit tuloy ang utak nito.

Andami niyang what ifs sa sitwasyon namin ni Tori. Pero isa lang ang nakakasiguro ako. Si Tori lang ang makakasagot ng mga what ifs na yun.

"I need to find her." diretsong sabi ko sakanya.

Tinaasan niya ako ng kilay, "What if hindi mo siya mahanap? Tandaan mo. Mas mahirap hanapin ang nagtatago kaysa sa wala."

"Andami mong alam. Suportahan mo nalang kaya ako, Sandro?" pinagsalubong ko ang kilay ko dahil wala ata siyang 'supporting cells' sa katawan.

"Sinasabi ko lang naman dahil ayokong umasa ka masyado, Cass." sabi niya at kinindatan ako pagkasabing-pagkasabi niya ng totoong pangalan ko.

Magsasalita na sana ako pero biglang pumasok si Drake at nagsalita ang lalake sa tabi ko.

"And what if sabihin ko sayong hindi niya na boyfriend si Drake?"

--to be continued--

Wanted: Tori FuentabellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon