Hi, sis.
"What the? Seryoso ka?" tanong ko kay Sandro.
Ngumiti naman siya nang abot-tenga. Pagkatapos nun ay tinataas-baba niya ang kilay niya habang nakatingin saakin ng nakakaloko. "What if?"
Inirapan ko siya dahil pansin kong nant-trip na naman siya. Lalabas na nga lang ako.
Napatingin ako sa orasan. Dapat kanina pa nagstart ang klase ah?
"Hindi ba pupunta si Ma'am Yu?" tanong ko sa class president namin.
"Hindi ko siya nakita sa faculty. Baka wala na tayong pasok sakanya ngayon." rinig kong sagot niya.
Tumango ako at hinila si Meg at Prim palabas ng classroom.
"Kain tayo." yaya ko sakanila kaya naman ay sobra silang natuwa dahil minsan lang daw ako magyaya.
Nasa pagitan nila akong dalawa pero kung makapagchismisan sila parang invisible ako. Ugh. Mga babaeng 'to.
"Mabait kaya si transfer student." biglang sabi ni Meg kaya napatingin ako sakanya.
"Hindi kaya. Di ko siya feel noh." sumbat naman ni Prim.
Napailing nalang ako. Hindi ko papakialaman si Freya basta't wag niya lang akong papakialaman. Sinusubukan ko lahat para hindi ko madungisan ang hiniram kong pangalan ni Tori Fuentabella.
Nag-order na kaming tatlo at sinabi ko na sakanila na ako na ang magbabayad. Umorder lang ako ng fries at isang fruit soda. Si Meg naman ay umiinom ng iced coffee samantalang si Prim naman ay umorder ng ice cream, spaghetti, maja blanca, graham, at iced tea.
"Sinagad ko na! Alam ko namang once in a blue moon ka lang magyaya!" sabi niya habang pinanliliitan ako ng mata.
Natawa ako ng mahina. Ang daldal niya.
"Picture kaya tayo?" yaya ni Meg.
"Sige! Uy, Tori. Alam mo ba noon? Lagi tayong nagpipicture. Kasi sabi mo bawat moment dapat tine-treasure." nakangiting sabi ni Prim.
Napahinto ako. Bawat moment dapat tine-treasure. Napailing nalang ako. Tori Fuentabella is really mysterious.
"Pwede maki-table?"
Umangat ang tingin naming tatlo kay Freya na nasa harapan namin ngayon habang nakangiti. Tinignan ko lang siya at hindi nag-iwas ng tingin.
"Oo naman. Dito ka!" nakangiting sang-ayon ni Meg habang tinuturo ang bakanteng upuan sa tabi ko.
"Ah? Okay lang kaya kay Tori?" pagpaparinig niya.
Napairap ako. Napansin ko namang tinignan ako ni Prim at Meg.
Napako ang tingin ko kay Prim na pinanlalakihan ako ng mata. Yung mga tingin bang wag-mong-paupuin-look.
Sunod ko namang tinignan si Meg habang nakatingin sakin gamit ang pwede-ba-look niya.
Tinignan ko si Freya. Unti-unti akong nagpakawala ng ngiting alam kong katulad na katulad ng ngiti ng tunay na Tori Fuentabella.
"Oo naman. Tutal aalis na rin naman ako." sabi ko at tinanguan silang tatlo.
Naglakad ako paalis at nagdire-diretso ako sa comfort room.
Pumasok ako sa isang cubicle para matahimik ang magulong buhay ko.
Nanatili ako doon nang mga limang minuto. Nakarinig ako ng pagbukas ng pintuan sa katabi kong cubicle.
Maya-maya ay napagdesisyonan ko na ring lumabas.
Pagkalabas na pagkalabas ko ng cubicle ay nagulat ako dahil nakita ko ang isang babaeng kamukhang-kamukha ko na nag-aayos habang unti-unting sinusuot ang hood ng jacket niya.
"T-tori Fuentabella?" nanlalaking mata kong sabi.
Nakita ko ang pagkagulat sa mata niya pero nang makita niya ako ay ngumiti siya gaya ng ngiti niya noong tumalon siya sa veranda at nagulat ako ng hilain niya ako palabas ng comfort room.
Habang naglalakad kami sa hallway ay palinga-linga ako dahil baka may makakita saamin.
"Tori. Kanina pa kita hinahanap!"
Nagmistulang nagkakarerang kabayo ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang boses ni Prim sa likuran namin.
Binitawan ako agad ng tunay na Tori at nagdire-diretso na siya ng lakad.
Natulala ako dahil sa nangyari. Sunod kong narinig ang yapak ni Prim papunta sa harapan ko.
"Okay ka lang ba? Sino yung kasama mo?" tanong niya saakin.
Ginawa ko lahat ng makakaya ko para hindi magpakita ng anumang emosyon.
"Kasama?" tanong ko.
Tumango siya, "Yung nakajacket?"
"Ewan ko? Nakasabay ko lang ata sa pagliko dito sa hallway." sabi ko at mukhang napaniwala ko nman siya dahil natutuwang hinila niya ulit ako pabalik ng classroom namin.
Natapos ang klase ko na medyo lutang ako. Nagpaalam agad si Prim dahil sinusundo na siya. Si Meg naman ay may practice dahil kasali siya sa cheering squad.
Habang naglalakad ako papuntang parking lot ay naglabasan na naman ang mga tanong na kanina pa lumalabas sa kokote ko.
Anong ginagawa ng totoong Tori dito? Bakit ba napakamisteryosa niya? San niya ako dadalhin kung di dumating si Prim? Bakit balot na balot siya? Bakit niya ako nginitian? Hindi ba dapat magalit siya dahil hindi pa ako nakakaexplain sakanya kung bakit nagpapanggap ako bilang siya?
Natanggal lahat ng iniisip ko nang makaramdam ako ng kamay sa balikat ko.
"Hi, sis." nakangiting sabi niya at hinila ako papasok sa isang sasakyan.
--to be continued--
BINABASA MO ANG
Wanted: Tori Fuentabella
Fiksi Remaja[COMPLETED] Hindi ako ang Tori'ng hinahanap nila, okay? Hindi ako si Tori Fuentabella! PS: This story is inspired by the movie series "Who Are You: School 2015". I don't have any intentions in plagiarising the movie. This story is purely fictional...