Chapter 24

5.1K 66 3
                                    

Practice

"Aaaaaaah!" naiiyak kong sigaw at tinakpan ng unan ang ulo ko.

Narinig ko naman ang tawa ng kakambal ko. Nang silipin ko siya mula sa unan ay tumatawa nga siya ng malakas pero hindi mo masyadong mabasa ang reaksyon niya. Kakaiba talaga.

"Kelan ka ba kasi babalik? Switch muna tayo! Please? Ikaw na mag-pageant." nakangusong sabi ko.

Kahit pa ngumuso nguso at tumambling ako sa harap ng kakambal ko ay ayos lang dahil hindi ko na kailangang magpanggap sa harapan niya. Kumbaga, siya ang freedom ko.

"No. Babalik siguro ako kapag... tapos na ang pageant." sabi niya at humalakhak na naman. Bahagya ko siyang pinalo sa balikat kaya nagpigil na siya ng tawa.

"Pero joke lang." bawi niya sa pagsabi niyang babalik siya after ng pageant.

Nagcross-arms ako habang nakatingin sakanya. Kumakain na naman siya ng ferrero. Jusko. Paborito niya siguro.

"Anong gagawin ko? Masasagot ko kaya ang tanong? Wala akong confidence, Tori! Anong talent ko? Alangan mag-dive ako sa stage?" kinakabahang tanong ko sakanya at kumuha rin ng isang ferrero at sinubo ito ng buo.

Bigla siyang tumayo at nilagay ang isa pang hawak niyang buong toblerone at tinutok sa bibig niya na para bang microphone yun.

"Hi. I'm Tori. Bye." sabi niya at sabay na kaming tumawa.

Napailing nalang ako. May ganitong side pala 'to.

"Basta isipin mong kaya mo. You can do it! Manonood ako ha?" sabi niya at sinubo ang huling piraso ng ferrero.

"Manonood ka? Osige ba! Basta mag-ingat ka ha?" nakangiting sabi ko kaya tumango naman siya.

Nakwento ko sakanya lahat ng nangyari bago ko nalaman na napili ako bilang candidate ng Estates. Imbes na maexcite siya para sa sarili niya ay mas naexcite pa siya para sakin. Pero syempre hindi naiwasan ang pagkainis niya kay Freya.

"Pag ako bumalik, I'm going to pull every hair in her small head." naalala kong sabi niya nang makwento ko ang pinaggagagawa ni Freya.

"It's already 10 in the evening. I should go, Cass. Baka mapuyat ka. You need to have a beauty rest lalo na't magiging beauty queen kana." sabi niya habang nakatingin sa wrist watch niya at pagkatapos nun ay nagpakawala siya ng nakakalokong ngiti.

Inis ko siyang tinignan at tinaboy-taboy siya hanggang sa veranda. "Alis na. Nang-iinis kana naman eh." nakanguso kong sabi.

"Hahahaha. Wow ha. Pinapaalis mo ako sa kwarto ko." pag-iinarte niya kaya tumawa nalang din ako.

Umakyat siya sa may grills at unti-unting lumingon saakin.

"Wait! Pano ka pala nakakababa dyan?" tanong ko.

Sa 'twing tumatalon kasi siya ay di ko sinisilip sa baba dahil natatakot ako sa matataas.

"Watch." natatawang sabi niya at tumalon siya patalikod.

Napahiyaw ako at agad ko ring tinakpan ang bibig ko dahil baka may makarinig.

Pinikit ko ang dalawang mata ko at nang dumungaw ako sa baba ay nagulat ako nang patalon-talon siya sa parang kama na leather mula sa baba. Hindi naman sa kama talaga. Yung parang bilog na pag tumalon ka doon e parang magba-bounce ka. Ganun. Pero maliit lang yung sakanya. Pang-isang tao lang ata.

What the hell? Akala ko naman sa semento siya lumalanding! Bumaba siya mula doon at kumaway saakin. Pagkatapos nun ay finold niya yung bouncy chuchu at nilagay sa bag niyang maliit. Pagkatapos ay inakyat na niya yung bakod.

Napailing ako nang wala sa oras. Pwede na siyang maging myembro ng akyat-bahay gang.

**

"Smile! Faster. Smile! Bigger smile, Tori!"

Napairap ako sa instructor na 'to. Babae siya. Jusko. Kanina pa 'to ah. Ngumingiti na nga ako eh.

Ngumiti ako ng isa pang beses at siniguro kong gaya ko ang ngiti ni Tori.

"Woah! You got it. Very good. How can you not show your emotion? That will be your asset. Now walk! Walk. I-feel mo lang na you own the world!" sigaw niya mula sa ibaba ng stage habang pumapalakpak.

Naglakad ako at nagulat ako nang umakyat siya sa stage katabi ko.

"Ano yan? Hindi ka lalaban sa isang gang war. Bakit ang siga mong maglakad?" namula ako sa sinabi niya.

Siga ba? Ugh. Pinanood ko siyang maglakad at na-amaze ako sa paglalakad niya.

"Breast out. Smile. Walk with confidence." pagi-instruct niya saakin.

Ginawa ko ang best ko para gawin ang sinasabi niya.

"Very good! We'll just retouch it later." nakangiting sabi niya habang naglalakad palapit saakin.

Napabuntong-hininga ako nang makalapit siya sakin.

"Look, Miss Pamela. I'm not really into pageants and such." page-explain ko sakanya.

"Mygod? Are you serious? With that kind of beauty? Don't worry! Ako ang bahala sayo. Now walk. Walk again." excited niyang sabi at bumaba ulit ng stage at pinanood ako.

Jusko. Ano bang ginawa ko para kailangan akong parusahan ng ganito? Jusme. Kakayanin ko ba ang pageant na 'to? Napalunok ako at nagsimulang maglakad ulit gaya ng ininstruct sakin ni Miss Pam.

Practice na nga lang, nakakamatay na. Pano pa kaya pag mismong pageant na?

--to be continued--

Wanted: Tori FuentabellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon