Don't.
Pangiti-ngiti akong naglalakad palabas ng classroom at tinahak ang daan papuntang cr. Ewan ko ba. Kanina pa ako masaya eh. Siguro dala na rin ng laging pagpapakilig ng boyfriend ko saakin.
I smiled upon the thought that Sandro's already my boyfriend. Pagkapasok ko ng cr ay biglang may humila saakin at sinandal ako sa pader.
"Drake?!" hindi makapaniwalang sabi ko.
Tinignan niya ako nang seryoso at napansin kong parang may kakaiba sa mga mata niya. Puno ng hinanakit at... galit?
"Cass." bigkas niya at nilapit ang mukha niya saakin.
Marahas ko siyang tinulak at inis siyang tinignan.
"Ano bang trip mo?" pasigaw kong sabi.
Nag-iinit ang dugo ko sakanya at ewan ko kung bakit.
"Please be mine, again."
Napatigil ako sa sinabi niya. Napatingin ako sa mukha niya at napansin kong malalalim na ang eyebags niya.
"I was never yours, Drake. Anong trip 'to?" pansin kong medyo tumaas na rin ang tono ng boses ko dahil sa sobrang inis.
Nanlaki ang mata ko nang yakapin niya ako ng mahigpit. Nagpumiglas ako pero napahinto ako nang may maramdaman akong likidong bumabasa sa uniporme ko.
"Drake?" mahinang tawag ko sakanya.
"I love you, Cass. Can't you love me back?"
Pagkasabing-pagkasabi niya 'nun ay agad kong pinadapo ang palad ko sa kamay niya. How dare he say that?
"Don't ever think of cheating on my sister! I'm going to rip your throat, Drake. I swear!" inis kong sabi at tuluyan nang lumabas ng cr.
Nanginginig akong pumasok sa classroom at agad ko namang napansin ang pagkaway saakin ni Tori.
Pinilit kong ngumiti sakanya at dumiretso sa upuan ko. Inub-ob ko ang mukha ko sa mesa at ipinikit saglit ang mga mata ko.
"Cassybabes, okay ka lang?"
Inangat ko ang tingin ko at agad ko namang nasilayan ang nag-aalalang mukha ng boyfriend ko.
"Hmm. Medyo sumakit lang ulo ko." nakangiting sagot ko sakanya.
Pansin ko namang lumingon siya sa paligid at agad ko namang napansin na ang gugulo at ang iingay na naman ng mga kaklase namin.
"Gusto mo bang lumabas? Baka masyado ka lang naiingayan?" tanong niya.
Tumikhim ako, "Baka nga." sagot ko.
Inabot niya ang kamay niya at tinanggap ko naman 'yon. Sabay kaming naglakad palabas ng classroom.
"Cutting na muna tayo." sabi niya kaya tinignan ko siya nang masama.
"Baliw kaba? Mamaya mas makaapekto pa yan sa absences at tardies mo." nag-aalalang sabi ko.
Umiling-iling siya at binalewala ang sinabi ko. Napailing nalang ako. Kahit kelan talaga, pasaway.
Habang naglalakad kami ay di ko maiwasang isipin ulit ang mga sinabi ni Drake kanina. Why can't I love him back daw. It's because I love Sandro. Si Sandro na ang mahal ko.
I was meant for Sandro and Drake was meant for Tori. Period.
"Oh, pre? Saan ka galing?"
Nabaling ang tingin ko sa lalakeng nasa harapan namin.
"Wala kang pakialam."
Nanlaki ang mata ko sa sinagot ni Drake kay Sandro. Pansin kong tinanggal ni Sandro ang hawak sa akin pero agad kong hinawakan ang braso niya.
"Don't. Just let him. Wag mo nang patulan." bulong ko at pansin ko namang kumalma siya.
Nagsimula na kaming maglakad palayo ni Sandro nang magsalita ulit si Drake.
"Cassandra. Yung sinabi ko kanina. I mean it. I really mean it." mahinang sabi niya at pansin ko naman ang pagtingin saakin ni Sandro.
Agad akong nakaramdam ng inis. What the hell is wrong with Drake?
Nang makalayo si Drake ay agad naman akong hinarap ni Sandro.
"Anong ginawa niya sa'yo? Tell me, Cass. Damn it!"
Napatigil ako dahil pansin kong naging tensyonado siya. Idagdag mo pa ang pagmumura niya.
Yumuko ako at unti-unti siyang niyakap.
"He told me that he love me. B-but don't worry. Ikaw lang ang mahal ko." sabi ko at bahagyang hinawakan ang kamay niya.
Pagkasabing-pagkasabi ko 'non ay agad siyang kumalas sa pagkakayakap at nagsimulang tahakin ang daan na nilakaran ni Drake kanina.
Tumakbo ako at sinundan siya. Hindi ko siya naaabutan dahil sobrang laki ng mga hakbang niya.
Pagkarating ko sa classroom ay agad kong nakita ang nakahandusay na si Drake, ang galit na galit na si Sandro at ang nakatayong si Tori habang linalapitan si Drake.
"What's going on?" biglang tanong ni Tori.
Agad akong humawak sa braso ni Sandro at napapikit dahil galit na galit siya.
"Why don't you ask your boyfriend?"
Napansin ko ang pagtayo ni Drake at unti-unting lumapit saamin ni Sandro.
"What? Ano bang kinagagalit mo?" biglang sabi nito habang matalim na tumingin kay Sandro.
"Ikaw. Ikaw ang ikinagagalit mo. Why? Is Tori not enough for you?!" galit nitong sabi.
Pansin ko naman ang pagtutulak nila Meg at Prim sa mga kaklase ko palabas. Tinulak lang nila ito nang tinulak hanggang kaming anim nalang ang natira sa loob.
"What do you mean, Sandro?" mahinang sambit ng kambal ko habang diretsong nakatingin kay Sandro.
"May balak pa atang sulutin niyang boyfriend mo ang kapatid mo saakin. The fuck, Tori. Tell me, what is wrong!" sigaw ni Sandro.
Unti-unting lumingon saakin si Tori at agad ko namang napansin ang pagngilid ng luha ko.
"Drake. Did you fall for Cass?" diretsong sabi ni Tori kay Drake.
"Tori hindi baka naman---"
"Yes, Tori."
Naputol ang pagsasalita ko nang sumagot si Drake. Isang malakas na suntok ang nagpatumba kay Drake.
"Bakit ba galit na galit ka? Oo, tanggap ko naman kung hindi ako mahal ni Cassandra. Alam mong ikaw ang mahal niya, Sandro. Pero anong ikinagagalit mo? Dahil ba sa tingin mo ay niloloko ko si Tori? Bakit? Wag mong sabihing may nararamdaman ka parin sakanya?"
Katahimikan ang namayani sa buong silid. Unti-unting tumulo ang mga luha ko. P-panakip butas? Bakit pakiramdam ko ay naging panakip butas lang ako kay Sandro?
Tinignan ko ang mga kasama ko sa loob. Nakayuko si Prim. Si Meg naman ay nakahawak sa bibig niya. Magkatinginan si Drake at Tori samantalang nakatingin naman si Sandro sa akin.
"Cass."
Tinaas ko ang dalawang palad ko para ipahiwatig na ayokong makinig sa kahit na ano. Tumalikod ako sa kanila at kasabay 'non ay ang pagtulo ng luhang kanina ko pa pinipigilan.
--to be continued--
BINABASA MO ANG
Wanted: Tori Fuentabella
Fiksi Remaja[COMPLETED] Hindi ako ang Tori'ng hinahanap nila, okay? Hindi ako si Tori Fuentabella! PS: This story is inspired by the movie series "Who Are You: School 2015". I don't have any intentions in plagiarising the movie. This story is purely fictional...