Tori Fuentabella's Life
"Kuya, dito po muna." sabi ko sa driver nitong sasakyan ng mga Fuentabella.
Sinabi ko kasi kay Mr. Fuentabella na magpapaalam ako kay Tita Mileya. Pumayag naman siya basta daw ay ipapahatid niya ako at dapat daw ay bumalik ako sakanila.
Wala akong ibang choice kundi umoo dahil nararamdaman kong miss na miss na nila ang anak nila.
"Mag-iingat ka, Cass." nakangiting sabi ni Tita Mileya at niyakap ako nang mahigpit.
Maluha-luha akong tumango sa kanya.
"Mababait naman po ang mga Fuentabella." nakangiti kong sabi
"Napakaswerte mo. Pero sana sabihin mo sakanila ang totoo. Wag kang makakalimot." paalala niya
Inakbayan naman siya ni Bella, "Tita, kanina niya pa po sinasabi na hindi siya si Tori Fuentabella pero hindi siya pinaniniwalaan. Tsaka malay mo, biyaya na yan sakanya."
Yinakap nila ako at nagdesisyon na akong bumalik sa sasakyan.
Habang nasa byahe kami ay biglang pumatak ang ulan. Napatingin ako sa madilim na kalangitan. Napangiti nalang ako. Sa sobrang tagal ng byahe ay nakatulog ako.
**
"Ma'am, andito na po tayo."
Nagising ako sa boses na narinig ko. Nagulat ako nang may magbukas ng pintuan ng sasakyan at sumilip ang nakangiting lalake habang nakalahad ang kamay niya.
Lumabas ako nang hindi tinatanggap ang kamay niya. Narinig ko naman ang malakas niyang tawa.
"For the first time, you rejected my hand!"
Pagkalabas na pagkalabas ko ng sasakyan ay bumungad saakin ang sampung naggagandahan at naggagwapuhang mga nilalang.
Napansin kong lima sakanila ay may edad na gaya ni Mr. Fuentabella. May tatlong babae ngunit napatingin ako sa babaeng nasa gitna habang mangiyak-ngiyak na lumapit saakin.
"Victoria, my daughter!" ipit na boses niyang binigkas.
Sumunod naman ang dalawa pang babaeng nakangiti habang niyakap din ako. Ang lalakeng kasama ni Mr. Fuentabella ay lumapit saakin at niyakap rin ako samantalang nilapitan naman ni Mr. Fuentabella ang babaeng naunang yumakap saakin.
Siya ba ang asawa ni Mr. Fuentabella? Ang ganda-ganda niya.
Sunod naman akong napatingin sa lima pang mga tao sa kabilang parte. Dalawang babae, tatlong lalake. Pansin kong sobrang hyper nung isang babae samantalang nakacrossarms naman yung isa.
"Couz!" masiglang sigaw nung isang babaeng may headband sa ulo ay agad akong sinunggaban.
Yinakap niya ako ng mahigpit na mahigpit.
Napatingin naman ako sa isa pang babae ay tinaasan lang niya ako ng kilay.
Bakit napakasungit nito?
Sunod na lumapit saakin ang tatlong lalake kasali na doon yung nagbukas saakin ng pintuan ng sasakyan.
Yinakap ako nung lalakeng nagbukas ng pintuan ng kotse habang tatawa-tawang ginugulo ang buhok ko.
Sumunod namang yumakap yung isa pa habang nakangiti lang, mas mukha siyang mature sa dalawa.
Sumunod naman yung panghuli, katulad nung naunang lalakeng makulit ay pinag-agawan nila ako.
"Ano ba kayo! Mamaya magalit si Drakey!" saway nung babaeng nakaheadband habang nakapout na nakatingin saaming tatlo.
Napatigil silang lahat sa pag-iingay nang tawagin ako ng isang lalakeng mukhang kararating lang
Napatitig ako sa mukha niya. Ang puti niya, ang tangos ng ilong, ang kapal ng kilay at ang pula ng labi. Ang gwapo naman nito!
"Tori!" sigaw nito at mabilis akong niyakap ng sobrang higpit.
"Where'd you go? I missed you so much." bakas sa boses niya ang pag-aalala.
"H-hello?" awkward kong sabi sakanya.
Napatawa siya ng mahina.
"For the first time, I've heard my girlfriend stutter."
W-what? Girlfriend? How can Tori Fuentabella so lucky?
"Ayos ka lang ba? Bakit kanina ka pa hindi nagsasalita?" mataray na tanong nung babaeng nakacrossarms kanina.
Labing-isang pares ng mga mata ang napansin kong nakatingin saakin. Shit. Anong gagawin ko?
Unti-unti akong pumikit at nagkunwaring mahihimatay. Jusko. Baka pagkatapos nito, pwede na akong maa-wardan ng best actress at all times.
Sunod kong narinig ang mga nag-aalalang boses ng mga tao sa paligid.
--to be continued--
A/N: Drake Montenegro's picture on the media viewer.
BINABASA MO ANG
Wanted: Tori Fuentabella
Teen Fiction[COMPLETED] Hindi ako ang Tori'ng hinahanap nila, okay? Hindi ako si Tori Fuentabella! PS: This story is inspired by the movie series "Who Are You: School 2015". I don't have any intentions in plagiarising the movie. This story is purely fictional...