Chapter 36

4.9K 72 0
                                    

Moved On

"Pasok kana. Kita nalang tayo bukas, hmm?" nakangiting sabi niya kaya ngumiti rin ako pabalik.

"Ikaw ah. Ngumingiti-ngiti kana rin. Hahahaha. Inlove kana siguro saakin, ano?" pang-iinis niya sakin kaya sinimangutan ko siya.

Yes, Sandro. I've fallen. Not for Drake, but for you.

"Yes." seryoso kong sabi at ang mapang-asar niyang ekspresyon kanina ay biglang naging tense.

"Huy, okay ka lang?" tatawa-tawa kong sabi dahil bigla siyang napahawak sa magkabilang pisngi niya.

"Pasok na! Isa!" pasigaw niyang sabi kaya mas lalo akong tumawa.

Ohmygod. Don't tell me kinikilig siya? Hahahahaha. Kinikilig rin pala ang mga lalake? 😂

"Dyan kana nga." inis niyang sabi habang namumula parin at dali-daling sumakay sa kotse niya.

Pinauwi ko na kasi si Mang Juan dahil sinabi kong ihahatid naman ako ni Sandro.

Pinaandar niya na ang kotse niya kaya kumaway na ako habang tumatawa. Alam ko namang nakikita niya ako sa side mirror.

Umiling nalang ako at nagsimula nang maglakad papasok ng bahay.

"Oh." napahawak ako sa bibig ko dahil bumulaga saakin si Drake.

Anong ginagawa nito rito? 11 PM na rin oh. It's so late.

Nagpakawala ako ng ngiti at kumaway tapos umiwas na ako para makapunta na sa kwarto at makapagpahinga.

"Toni, saan ka galing?"

Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses niya mula sa likuran. Nilingon ko siya at nasilayan ko na naman ang matangos niyang ilong at mapupula niyang labi.

"Ah. Galing ako sa gig nila Sandro."

Hindi ko alam kung bakit parang nawala na bigla yung epekto niya saakin. I can't believe it. In just two or three weeks, I think I have moved on. Siguro nagising na rin ako sa katotohanan na si Drake ay para kay Tori. At ako? I guess I'm for Sandro.

Hindi na siya sumagot kaya naman ay tumalikod na ako para pumunta sa kwarto.

"Bakit andito si Drake?" bungad ko kay Tori na kasalukuyang umiinom ng tubig.

Tinignan niya lang ako ng seryoso at maya-maya pa ay yumakap na siya saakin.

"Huh? I thought he already went home?" tanong niya saakin.

"Kakakita ko lang sakanya sa may pintuan? Did you fought?" weird kong tanong sakanya.

Tinignan niya naman ako ng taimtim at umiling na, "Let's sleep na." sabi niya at tumalon na sa kama.

Napatingin ako kay Tori habang nakapikit. So weird. Nag-away ba sila?

**

"Ayiiiiiiii."

Napatakip ako ng tenga pagkarating namin ni Tori sa classroom.

"Oh." abot ni Sandro ng isang puting rosas habang umiiwas ng tingin.

Natawa naman ako at pinisil ang pisngi niyang kanina pa namumula.

Narinig ko naman ang pagtawa ni Tori mula sa likuran ko.

"Oh." napatingin naman ako kay Drake habang nag-aabot kay Tori ng isang box ng ferrero tapos nakaiwas din ng tingin.

Kinuha 'yon ni Tori at naglakad na papunta sa upuan niya.

Huh? Yun na yun? Nag-away siguro talaga sila.

"Ako yung nasa harap mo tapos sa iba ka tumitingin."

Sinamaan ko ng tingin si Sandro habang nagpapacute at nag-iinarte na naman sa harap ko.

"Magsialis nga kayo dyan!"

Napatingin ako kay Meg habang masamang palipat-lipat ng tingin saamin nila Tori. Agad namang binalot ng tawanan ang classroom namin.

Andami naman kasing nanliligaw sakanya, e ni isa wala naman siyang sinasagot.

**
Kasalukuyan akong naglalakad kasama sila Tori, Prim at Meg palabas ng school nang may magbigay saaking schoolmate namin ng pulang rosas.

"Ha? Hala wag. Baka magalit si Sandro." tanggi ko doon sa lalake pero binigay niya lang saakin yung rosas habang nakangiti.

"Hala. Ikaw, Toni ha." natatawang sabi ni Prim at nagtawanan na sila ni Meg.

Napatingin naman ako sa kakambal kong ngisi nang ngisi habang diretso lang ang tingin.

Maya-maya pa ay may sunod-sunod nang mga lalakeng nagbigayan na naman ng rosas.

Panay ang tanggi ko pero wala silang ginawa kundi tapunan ako ng rosas kaya kinuha ko nalang.

Maya-maya pa ay nakarinig ako ng isang pamilyar na boses mula sa PA (public address) ng buong school.

"VICTONIA RANA FUENTABELLA."

Nanlaki ang mata ko nang sabihin ni Sandro ang buong pangalan ko. Napatigil ako sa paglalakad at pansin ko namang nilayuan ako ng mga kasama ko.

Napatingin ako sa paligid ko at nakita kong ako lang ang nasa gitna ng grounds. Ang ibang mga estudyante ay nanonood na para bang kasali ako sa isang pelikula.

"Kung bibilangin mo ang mga rosas na 'yan, isigaw mo kung ilan yan."

Napatingin naman ako sa mga rosas na hawak ko at binilang ito nang tahimik.

"28?" pasigaw kong sabi.

Maya-maya pa ay nakita ko na ang lalakeng naka-uniporme habang may hawak na gitara at isang rosas na nasa bibig niya.

Napahawak ako sa mukha ko dahil namumula na naman ako.

Pansin ko ang tilian sa paligid at ang pag-abot niya saakin ng isang rosas.

"29 roses. Today is May 29. Today, I personally ask you out, infront of these people. Today, I want to ask you this question. Can you be mine, Victonia?"

Isang nakakabinging sigawan ang narinig ko kaya natawa na lang rin ako. Tinignan ko siya ng seryoso at unti-unting ngumiti.

"Yes."

Pagkasabing-pagkasabi ko ng mga katagang 'yon ay naramdaman ko ang malakas na tibok ng puso ko at ang mainit niyang yakap. Kasabay rin nito ang pagbuhos ng malakas na ulan at ang nakakabinging sigawan ng mga tao sa paligid ko.

--to be continued--

Wanted: Tori FuentabellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon