That Girl
"Class dismissed."
Mabilis na nagsitayuan ang mga kaklase ko at nagmistulan silang mga bakang nakalabas sa koral.
Paunahan silang makalabas at nagtatawanan. Napailing nalang ako.
Magdadalawang-linggo na ata akong hindi nakakabisita kila Bella. Mamaya isipin niyang kinalimutan ko na sila ni Tita Mileya.
Hindi pumasok si Drake at Sandro ngayon. Ewan ko sa dalawang 'yun. Tinotopak na naman ata.
Asan naba si Prim at Meg?
Nilibot ko ang paningin ko at nakita kong wala na sila dito. Tss.
Nagsimula na akong maglakad palabas ng classroom. Tinahak ko ang mahabang pasilyo ng eskwelahan.
Maya-maya pa ay lumitaw sa harap ko si Freya. Nasasanay na ata akong maging matibay gaya ni Tori.
Tinignan ko siya at ngumiti siya saakin.
"Sorry, Tori." sabi niya.
Nilagpasan ko siya at nagsimulang maglakad ulit.
"Kamukha mo kasi yung kaibigan ko sa dati kong eskwelahan." rinig kong sabi niya mula sa likuran ko.
Huminto ako sa paglalakad pero nanatili akong nakatalikod sakanya.
Nakaramdam ako ng galit. Wala naba siyang ibang alam gawin kundi ang magsinungaling?
"Kaibigan? Iba na ata ang depinisyon mo sa salitang kaibigan, Alonzo." sabi ko sakanya habang nakatalikod parin at iniwan ko na siya doon.
**
"San kaba galing, Tori? Hinahanap ka kaya namin ni Meg!" rinig kong pagmamaktol ni Prim nang makita niya ako.
"Hinanap ko rin kayo sa classroom."
Tinignan niya ako habang nakapout, "Eh? Baka naiwan ka namin?"
Sinamaan ko siya ng tingin kaya nagpeace sign siya.
Magrereklamo siya sakin tapos siya naman 'tong nang-iiwan.
"May pupuntahan ka ba?" tanong ko sakanya
"Wala na eh. Pinapauwi na kasi ako ni Mommy." sabi niya.
"Sige. Say hi to Tita Marj for me." sabi ko sakanya.
Nag-thumbs up naman siya sakin at nagsimula nang tumalon palayo saakin.
Palihim akong natawa. Kahit kelan talaga ang hyper ni Prim.
**
"Na-miss kita!" bungad ko pagkabukas na pagkabukas ni Bella ng pintuan ng bahay nila ni Tita Mileya.
"Oa ha." natatawang sabi niya habang naglalakad kami papunta sa salas nila.
"Sa Estates High nag-aaral si Freya." sabi ko sakanya habang nilalapag niya yung juice sa harapan ko.
"Ano?! Binubully ka ba niya ulit? Sabihin mo lang! Isusumbong ko yun kay Mr. Fuentabella!" nagpipigil-galit niyang sabi.
Natawa naman ako sakanya. Tinaas niya kasi yung sleeves ng t-shirt niya na para bang makikipagsuntukan.
Naalala ko tuloy nung sinapak niya si Freya dahil binuhusan ako ni Freya ng harina noong second year high school kami.
Pero sising-sisi ako nun dahil pinagtulungan kaming masabunutan noon.
"Ipinagpipilitan niyang ako si Cass. Syempre todo deny naman ako. Pero sa tingin ko ay napapaniwala ko na siyang ako si Tori Fuentabella." sabi ko sakanya.
Wala naman siyang ibang ginawa kundi purihin ang paga-acting ko kaya nagtatawanan nalang kaming dalawa.
"Namiss talaga kita! Miss ko na kayo ni Tita." sabi ko at niyakap siya.
Tumawa naman siya agad. "Oa mo talaga. Parang kagabi lang dumalaw ka dito eh noh."
Napatigil ako sa pagsasalita. Dumalaw? Ako? Kagabi? Imposible. Sila Drake ang kasama ko kagabi dahil kasabay ko silang kumain sa labas.
"Ha?" nagtatakhang tanong ko.
"Nakalimutan mo agad? Hahaha. Shunga. Dinalhan mo pa nga kami ni Tita ng cake at ice cream kahapon. Tignan mo pa sa ref." sabi niya at akmang tatayo na siya para ipakita saakin pero hinawakan ko siya sa braso.
"Sigurado kaba talaga?" tanong ko sakanya.
"Oo naman! Suot mo pa nga yung favorite mong damit at necklace na regalo sayo nung birthday at graduation natin eh." sabi niya kaya nanlaki ang mata ko.
I-imposible. Agad akong tumayo kaya weird siyang tumingin saakin.
"Ayos ka lang?" tanong ni Bella habang tinatapik-tapik ang mukha ko.
"Sht. Gabi na pala. Baka hinahanap na ako nila Mommy. Una na ako, Bella ha. Ingat kayo lagi." sabi ko at naglakad na palabas ng bahay nila.
Pagkarating ko sa kotse ay sinabi kong bilisan ni Mang Juan ang pagd-drive kaya naman ay wala pang sampung minuto ay nasa kwarto na ako.
Dire-diretso akong pumasok sa walk-in-closet at tinignan ang paper bag na hinatid noon ni Bella. Nakita kong nandoon yung damit at necklace ko.
Sunod kong binuksan ang maliit na drawer sa closet at nakita kong wala na itong laman. Nanlaki ang mata ko.
It's her. That girl who came here last night and that girl who went to visit Bella was Tori Fuentabella.
--to be continued--
BINABASA MO ANG
Wanted: Tori Fuentabella
Teen Fiction[COMPLETED] Hindi ako ang Tori'ng hinahanap nila, okay? Hindi ako si Tori Fuentabella! PS: This story is inspired by the movie series "Who Are You: School 2015". I don't have any intentions in plagiarising the movie. This story is purely fictional...