Chapter 47

4.4K 65 0
                                    

Revelations

"What the hell?" hiyaw ni Reena nang palibutan namin siya.

Maya-maya pa ay nakita ko na kung paano hinigit ni Meg ang braso ni Reena. Kitang-kita ko ang galit sa mga mata ni Meg. Oo, hindi na ako nagulat dahil alam kong may pagkamaldita talaga siya.

"May kinalaman kaba sa pagkawala ni Tori? Hindi ko ugaling manakit ng bata pero tangina mapapatulan kita nang wala sa oras!" galit nitong utas at napansin kong inilayo siya ni Sandro mula kay Reena.

"Bakit? Sinong nagsabi? Ikaw ba? Isa ka rin eh!" sigaw ni Reena at ibinaling ang tingin niya saakin.

Kung dati ay masama siya tumingin, ngayon naman ay mas masama pa ito kaya medyo naalibadbaran ako.

"Ikaw din yun hindi ba? Ikaw yung pumasok sa kwarto ni Tori? Your damn smile proves everything!" sigaw ko at nagsimula na naman akong kabahan.

Sunod kong nakita ang muli niyang pagngisi at tumingin saaming lahat. Napansin kong tumindig ang balahibo ko.

"Fine! Fine! Eh ano naman ngayon kung may kinalaman ako? Maganda na yun hindi ba? Wala nang epal. Pero mali eh. May isa pa palang epal dito." madiing sabi niya at sinulyapan ako ng tingin.

Maya-maya pa ay nakita ko na si Drake sa harapan ni Reena habang galit na nakatingin dito.

"Reena, after all these years ginawa ko lahat para hindi ka saktan lalo na 'twing nakikita kong lagi mong kinakausap nang patago ang girlfriend ko. Alam kong may ginagawa ka para masaktan siya by words. But this is too much. Fck. I could hurt you right now." nanggagalaiting sabi ni Drake habang nakahawak sa pulsuhan ni Reena.

Ganito ba sila mag-away na magkapatid? Pero sabi ni Drake hindi niya pinatulan o sinaktan si Ree. Ibig sabihin ba, kaya niyang manakit kahit na kapatid na niya para lang sa kapatid ko?

Napansin kong nanlambot ang ekspresyon ng mukha ni Reena.

"Bakit Drake? Kaya mo akong saktan para sa Tori'ng yon? Siya na naman? Alam mo ba kung gaano kasakit para saakin yan?" naluluha pero galit na sabi ni Reena.

Nanatili kaming tahimik dahil alam naming away-kapatid na itong nasasaksihan namin. Hindi ko parin maitago ang paninibago ko dahil hindi niya tinawag na 'kuya' si Drake.

"I was there kapag nag-aaway kayo. I was there kapag umiiyak ka dahil sa away niyo. I was there when you hugged her! I was there when you kissed her. I was there when she's ignoring you. I was there even before you've met her! Drake, I keep on thinking, what if ako yung nasa posisyon niya? What if ako ang girlfriend mo? Edi sana hindi nangyayari 'to! E di sana masaya tayo ngayon!" sigaw ni Reena na naging dahilan ng panlalaki ng mata ko.

What the? Napatingin ako sa mga kasama ko. Bakas rin sa mga mukha nila ang pagkabigla. Don't tell me-- may gusto si Reena sa mismong kuya niya?

"Reena! You and I both know that we don't fit. Ilang beses ko nang sinabi sayo! You're my sister for goddamn's sake!" frustrated na sabi ni Drake at bahagyang napasabunot sa buhok niya.

Nanatili parin kaming tahimik dahil sa rebelasyong nakikita namin. May gusto si Reena kay Drake? Kaya ba sobra nalang ang galit niya kay Tori?

"And we also both know that I'm not your biological sister! Hindi tayo magkapatid! Alam nating dalawa na ampon lang ako! So what's the goddamn problem?" pabulong na sabi ni Reena at napansin kong marahas niyang pinunasan ang luha niya.

Napahawak ako sa braso ni Sandro dahil sa naririnig ko. So you mean-- hindi totoong Montenegro si Reena?

"The problem is, hindi ikaw ang mahal ko. It was Tori in the beginning, it was Tori until now, and it will always gonna be Tori until my last breath." sabi ni Drake.

Napansin ko naman ang pagyuko ni Reena at ang pagkuyom ng kamao niya.

"Siguro naman alam niyo na ang rason kung bakit galit na galit ako sa babaeng hinahanap niyo. Pero tandaan niyo 'to, I will never let you find her. I swear to God." bigkas niya at tumalikod na saamin.

So siya ang may alam kung nasaan ang kakambal ko? Hahayaan niya bang maging kriminal siya para lang sa lintek na pagmamahal na yan?! Pinikit ko ang mata ko para pigilan ang sarili kong sugurin siya. Pero I guess I am really Tori's twin because I also had a bad temper.

Inis kong sinundan si Reena at bahagyang hinigit ang buhok niya. Narinig ko ang hiyaw niya at ang paglapit ng mga kasama ko saakin pero hindi ko parin binitawan ang pagkakasabunot ko sa buhok niya.

Inis ko siyang kinaladkad pero nagulat ako nang may dumapong matalim na bagay sa braso ko. Nabitawan ko ang buhok ni Reena at sunod kong nakita ang pagtakbo niya palayo.

Napatingin ako sa kamay kong kasalukuyang dumudugo. Humahapdi na dala na rin siguro ng pagkakahiwa ng blade. Inis ko itong ibinaba. Damn it.

Maya-maya pa ay naramdaman ko nalang ang paghawak ni Sandro sa kamay ko at diniretso niya ako sa clinic.

--to be continued--

Wanted: Tori FuentabellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon