Chapter 49

4.7K 76 0
                                    

Not one of them.

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at agad ko namang naramdaman ang pagkirot ng balikat ko.

Inilibot ko ang tingin ko sa isang hindi pamilyar na kwarto at agad kong napansin ang tatlong babaeng nakahilata dito sa loob.

"T-tori? Prim! Megan!" sigaw ko at napansin ko naman ang paggalaw ng katawan ni Meg.

Bakit pati si Prim nakahiga doon? Hindi ba't kasabwat siya rito?

"Gising na yung dalawa, Ree."

Napatingin ako sa isang babaeng pinanggalingan ng boses. C-candice? Bakit magkasama si Reena at ang class president namin?

T-teka. Magkasabwat sila? What the hell? Ang amo ng itsura ni Candice, paano na 'to nagawa?

"Magkasabwat kayo?" galit kong utas at pinasadahan sila ng masamang tingin.

Narinig ko naman ang nakakarinding tawa ni Candice. Hindi ako makapaniwalang kaya niyang gawin 'to. Mas maniniwala pa ako kapag si Freya ang andito eh.

Maya-maya pa ay nakita ko nang lumapit si Reena saakin.

"I didn't know na sinundan mo ako. But Candice is indeed very intelligent." galit na bigkas niya.

Sunod ko namang nakita si Candice sa harapan ko. Laking gulat ko nang isang sampal ang ibinigay niya saakin.

"Ano bang kasalanan ko sa'yo, Candice?" singhap ko at nanatili akong seryoso.

"Woah! Parang ikaw ang kakambal mo kapag seryoso ka." natatawang sabi nito at hinigit ang buhok ko.

Pinigilan kong sumigaw kahit pakiramdam ko ay mapupunit na ang anit ko sa ulo.

"Alam mo? Lahat kayo may atraso saakin eh. Si Tori, kaagaw ko sa atensyon ng mga teachers. Si Meg, kaagaw ko sa atensyon ng mga kaklase nating babae. Si Prim? Kaagaw ko siya sa mga taong gusto kong maging kaibigan. Alam mo yun? Bobo naman si Prim ah? Pero bakit nilalapitan niyo siya? And ikaw! Simula nang dumating ka sa Estates, naging kaagaw kita kay Sandro!" sigaw niya at sinampal ako ng dalawang beses.

Ramdam ko ang dugo sa labi ko dahil sa bigat ng kamay niya. Imbes na umiyak ay natatawa ko siyang tinignan.

"I expected so much from you. I think you don't deserve to be the class pres. You know why? That's because ang kitid ng utak mo!" sigaw ko habang sinasamaan siya ng titig.

Ang kitid ng utak niya. Hindi ba siya marunong mag-isip? Masyado ba siyang nilamon ng insecurities niya?

"Magkapatid talaga kayo ng Tori'ng yan! Pareho kayong matalas ang tabas ng dila." galit niyang sabi at sunod kong naramdaman ang mabibigat niyang sipa sa katawan ko.

Hindi ko ininda ang sipa niya at mas lalo ko pa siyang sinabihan ng mga salitang alam kong mas makakapagpagalit sakanya.

"Tandaan mo 'to. Si Tori, mukhang mas matalino pa sayo kaya deserve niya ang atensyon ng mga teachers. Si Meg naman, di hamak na mas magaling makisama kaya gustong-gusto siya ng mga tao. Si Prim? Sabihin na nating hindi siya kasing-talino mo. Pero mas busilak naman ang puso niya. And me? Oh come on. Kelan pa naging sayo ang boyfriend ko?" bigkas ko at pinakuan siya ng masamang ngiti.

Pagkasabing-pagkasabi ko 'non ay agad namang bumalik si Reena sa kinalalagyan namin.

"Pagtabi-tabihin na natin sila." bigkas niya at sunod kong naramdaman ang malakas na pagtulak ni Candice saakin dahilan para sumubsob ako sa semento.

Mabuti nalang at hindi mukha ko ang nasubsob. Napatingin ako sa braso ko at nakita ko ang mga gasgas at pasa doon gawa na rin ng paninipa at panunulak ni Candice.

Pagkarating na pagkarating ko sa pwesto nila Tori ay agad kong tinapik ang mga katawan nila. Nakauniform pa sila.

Nang tignan ko muli ang kinatatayuan nila Reena ay agad kong napansin na naglakad sila palabas. Wow. Di ba nila alam na kaya naming tumalon pababa?

Napansin kong andami rin nilang gasgas, sugat at pasa. Napansin kong andaming pasa ni Megan sa mukha. Ganun na ba kainsecure 'tong mga 'to sa ganda niya?

"Tori." naiiyak kong bigkas at niyakap ko ang kapatid ko.

"Why? Bakit ka pa nagpakita sakanila?" bakas sa boses niya ang lungkot at pag-aalala.

"It's because of me. I-i'm sorry." paiyak na sabi ni Prim kaya niyakap ko rin siya.

Napansin ko ang hindi makapaniwalang tingin ni Tori kay Prim kaya agad na akong nagpaliwanag.

"Maging ako hindi ko alam kung bakit nagawa ni Prim 'yon. But I know one thing. Prim's not one of them so don't be angry." paliwanag ko.

Sunod ko namang hinawakan ang braso ni Meg. Napatingin siya saakin at umiyak na siya.

"Mamamatay pa ata akong hindi nagco-confess kay Duke." iyak niya.

Imbes na maawa ay muntikan na akong matawa. Ugh. Ang babaeng 'to.

"Tumatawa ka pa. Andami mo na ngang sugat." iritang sabi ni Tori kaya nagpeace sign ako.

Ewan ko ba kung bakit. Pero ramdam ko ang pag-aalala nila. Kailangan makatakas kami.

Napatingin ako sa aming apat at pansin kong wala ni isang tali ang nakapulipot saamin. Talaga bang malalakas sila Candice at Reena?

"Let's go. Takas tayo." bigkas ko at nagsimula nang tumayo.

"No, we can't." napatingin ako kay Prim dahil sa sinabi niya.

"Huh?" tanong ko.

Maya-maya pa ay tinaas niya nang bahagya ang palda niya para makita ko ang nasa may legs niya. Napatakip ako nang makita kong may kaunting saksak doon.

Napatingin ako kay Tori at nang itaas ko ang skirt niya ay nakita ko namang sobrang namamaga ito. Ganun din ang kay Meg.

Napatakip ako ng mukha para pigilan ang pag-iyak ko. I can't believe this! Masyado silang brutal.

"Damn. Mukha kayong mga basang sisiw. I'm not used to this."

Napatingin ako sa babaeng nasa may dulo ng kwarto. Nakatight leggings siya at black na damit. Mukha siyang si catwoman. -_-

"Wait. Anong ginagawa mo dito? Isa ka rin ba sa kanila?" inis kong sabi at pinasadahan ng tingin.

Nakita ko naman ang pag-irap niya saakin, "Wow ha. Oo, sabihin na nating may away tayo Cass pero duh. Hindi naman ako aabot sa ganitong kabrutalan." inis niyang sabi at lumapit saamin.

Hindi ko inexpect na mukhang siya pa talaga ang magliligtas saamin.

Umupo siya sa harap namin at pansin kong maging sina Meg at Prim ay di makapaniwala. Si Tori naman ay nakapikit. Nagsimula na akong mag-alala.

Nagsimula nang manermon si Freya sa harap namin. Kesyo daw dapat siya lang ang nambubully. Kesyo daw ang bait niya kumpara sa dalawa. At isa pa. Nabanggit niyang mabuti nalang daw at masyado siyang maganda at matalino para lagi akong sundan sa kahit saan man ako pumunta.

Damn. Nagmukha siyang stalker.

Maya-maya pa ay nakarinig ako ng mga footstep mula sa labas ng kwarto kaya agad ko siyang pinatigil sa kakasermon saamin.

"Freya. Magtago ka. Dalian mo. And if you can, send Sandro and Drake a message." pabulong kong sabi at napansin ko namang tumayo na siya.

"Magtatago nalang ako. I've texted them already." sabi niya at kinindatan ako bago nagtago sa likod ng isang malaking drum.

--to be continued--

Wanted: Tori FuentabellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon