Revelation
"Ano?!"
Napatakip siya ng tenga dahil sa pagsigaw ko. Sino ba naman kasing hindi magugulat?! At bakit nakalimutan niyang sabihin saakin? My goodness, twin.
"Chill, sis. Sorry. Di ko sinasadyang makalimutan." sabi niya at sumubo ulit ng ferrero rocher sa bibig niya.
How can she stay so calm?
"Pano yun nangyari? Please sabihin mo naman sakin, Tori. Anong nangyari nung nasunog ang bahay?" tanong ko at halos mangiyak-ngiyak na ako.
Nasaan ang totoong mga magulang namin? Bakit kami nagkahiwalay ni Tori? Bakit... Bakit hindi nila ako hinanap?
Ibinaba niya ang hawak niyang tray ng ferrero at tinignan ako nang seryoso.
"Kinaumagahan pagkatapos ng sunog, nagising ako sa ospital. Mag-isa lang ako nun sa isang private room nang biglang pumasok si Mommy Veronica. Tinanong ko siya noon kung anong ginagawa niya sa kwartong pinags-stayan ko at sinabi niyang siya muna ang magbabantay saakin. Panay ang punas niya sa luha niya noon habang tinitignan ako. Tinanong ko siya kung nasaan kayo nina Mommy at Daddy. Halos mawalan ako ng hininga sa sobrang pag-iyak dahil sinabi niyang ako lang ang naligtas saating tatlo." paliwanang niya.
Pansin kong nanatiling walang kaemo-emosyon ang mukha niya pero nangingilid ang luha sa mga mata niya.
"Tinanong ko kung sino siya at sinabi niyang asawa siya ng kapatid ni Papa. Sila daw ni Daddy Alex ang kukupkop saakin. Nagulat pa ako nun dahil hindi ko sila kilala. Only then na nalaman kong nagtanan pala sila Papa at Mama noon at sa Benguet nanirahan habang ang ibang kapamilya nila ay nandito sa Manila. Ang bahay natin sa Benguet ang nasunog noon at naibalita rin kina Daddy Alex ang nangyari kaya agad silang pumunta sa Baguio." pagpapatuloy niya.
Nagtanan ang totoo naming mga magulang? Bakit? Hindi ba kami tanggap ng mga magulang nila?
"N-naiwan ba sa loob ng bahay ang mga magulang natin?" tanong ko sakanya.
Umiling siya, "Ayon sa sinabi saakin ni Mommy noon ay kayo daw ni Papa ang naiwan sa loob ng bahay samantalang kami ni Mama ang tanging narescue at pinunta sa ospital. Pero... dead on arrival si Mama." sabi niya at doon na siya tuluyang umiyak.
Napaiyak nalang din ako at niyakap ang kakambal ko. Bakit ba nagmistulang trahedya ang buhay namin?
"Ang sakit sakit, Cass. Ang sakit kasi tatlo kayong nawala saakin nung araw na yun. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng lakas para mabuhay at ipagpatuloy ang mga pangarap ko sa buhay. Ang sakit, Toni." sabi niya.
Napaangat ako ng tingin. Toni? Yun ba ang pangalan ko? Ang totoong pangalan ko?
"Toni? 'Yun ba ang pangalan ko?" tanong ko sakanya.
Pinunasan niya ang luha niya at tumango saakin, "Victonia Rana Fuentabella."
(A/N: Victonia is pronounced as "Vik-to-ni-ya")
"Ang sama ng loob ko, Tori. Bakit... Bakit ikaw lang ang nakakaalala ng lahat? Bakit ngayon lang kita nakilala? Bakit hinayaan mong makalimutan kita? Bakit mo sinarili ang problema mo? Bakit?" tanging nasabi ko at napahagulgol ako ng iyak.
Narinig ko ang mahihinang hikbi niya.
"I'm sorry. Hinanap ka namin ni Mommy noon. Hinanap ka namin, Cass. Ilang taon ka naming hinanap pero wala ka. Then I started feeling nothing. Napansin kong wala nang emosyong nagpapakita sa mukha ko kahit masaya o malungkot ako. Then we went to US para dun ako mag-aral ng grade school at para na rin malimutan ko kahit papaano ang mapait kong alaala sa Pinas. Then we went back here after 7 years dahil gusto kong mag-aral dito ng high school. Inakala naming lahat na wala ka na. Kinalimutan ka nila pero nanatili kang buhay sa isipan ko. Isang araw habang namamasyal ako noon ay napadaan ako sa fast food chain and then I saw a girl who looks exactly like me. And that girl was you." sabi niya at ngumiti ng kaunti.
Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. So hindi niya ako kinalimutan?
"Sinundan na kita simula pa noon. Walang alam sila Mommy at Daddy dahil hindi ko sinabi sakanila. Ayoko kasing mag-alala na naman sila saakin kaya binantayan kita. Sa 'twing may pupuntahan akong lugar ay binibilhan kita ng mga gamit gaya ng binibili ko para sa sarili ko at ipinapadala sayo tuwing birthday mo. Galit na galit ako sa 'twing makikita kong sinasaktan ka ng tatay mo. I was guilty. At mas lalong lumaki ang galit ko nang makita ko ang pinaggagawa nila sa school mo. Pagkatapos naming mag-away ni Drake nung gabing yon ay nagtago ako sa hotel na tinuluyan mo noong pinalabas sa tv ang paghahanap saakin. Magkatabi lang ang hotel room natin noon. Bago ipalabas ang news na yun ay sinabi kong nagswitch si Cassandra Delos Reyes ng room with Victoria Fuentabella. Kaya sobrang saya ko nang makita ka ng isang staff dahil sumakto sa plano ko ang lahat. Gusto kong maranasan mo ang pagiging isang Fuentabella. Ginawa ko yun dahil para kahit papaano ay maramdaman mong Fuentabella ka parin." nakangiting sabi niya.
Niyakap ko siya ng mahigpit. Niyakap niya rin ako pabalik. Fuentabella parin kaming dalawa? Napaisip ako. Sa kabila ng pakikipagtanan ng mga magulang namin ay nagdamayan parin ang pamilya nila hanggang sa huli.
Natigil ang pagdadrama namin nang may kumatok sa pintuan.
"Tori? Daddy's home."
Napatingin ako kay Tori. Nginitian ko siya at ngumiti siya pabalik. Our Daddy Alex is our real father's brother.
--to be continued--
BINABASA MO ANG
Wanted: Tori Fuentabella
Teen Fiction[COMPLETED] Hindi ako ang Tori'ng hinahanap nila, okay? Hindi ako si Tori Fuentabella! PS: This story is inspired by the movie series "Who Are You: School 2015". I don't have any intentions in plagiarising the movie. This story is purely fictional...