Chapter 43

4.4K 65 0
                                    

Where are you?

Kanina ko pa pinagmamasdan ang lalakeng halos mamatay-matay na sa kakatawa. Ganun na ba talaga kahiya-hiya ang imaginations ko?

"M-masyado ka namang---HAHAHAHAHA! Masyado ka namang selosa, Cassybabes." wika nito at nagsimula na namang tumawa.

Tinaasan ko siya ng kilay at pansin ko namang napansin niya 'yon kaya tumigil rin siya. Ugh. If I know nagpipigil lang siya ng tawa. Nakakainis.

"Oo nga pala. Saan si Tori?" biglaang tanong ko.

Kanina kasi ay hindi ko manlang siya nakita dito sa loob ng hospital room. Hindi ko rin nakita ang reaksyon niya noong nagpunta ako ng classroom bago ako mawalan ng malay.

Ang kaninang nagpipigil ng tawang si Sandro ay biglang nagseryoso at tumayo nang tuwid sa harapan ko.

"Pahinga kana muna." pilit na ngiti ang pinakawalan niya at tinalikuran ako.

Bago pa siya makaalis ay agad kong hinila ang kamay niya kaya napatigil siya.

"Sandro, asan siya?" mahinang sambit ko.

Galit ba siya saakin? Nag-alala kaya siya nung nawalan ako ng malay? Binisita niya kaya ako noong tulog ako? Okay lang kaya siya ngayon? Asan siya? Anong ginagawa niya? Andami kong gustong tanungin pero wala naman si Tori dito.

Bumuntong hininga siya at muling umupo sa gilid ng kama, "Cass, she's missing."

Nanlaki ang mga mata ko at bahagyang pinalo ang balikat ni Sandro.

"Wag ka namang mag-joke ng ganyan." inis kong sabi pero umiling lang siya.

"Nang dalhin ka namin dito sa ospital ay bigla nalang siyang nawala nang parang bula. Maging sila Tita ay naghahanap at nag-aalala kay Tori. Miski si Drake." paliwanag niya.

Inangat ko ang tingin ko, "Si Drake? Kamusta sila ni Tori?" tanong ko.

"Nag-away sila ni Tori nung araw bago ka hindi nagpakita saamin ng ilang linggo. Uminom siya ng ibang klase ng alak and there. Gusto nga niyang magsorry sa'yo." he stated as he let out a heavy sigh.

Natahimik ako. Sinasabi ko na nga bang may mali sakanya noong hinila niya ako sa CR eh. Tss. Pero ang inaaalala ko ngayon ay si Tori.

Nasaan kana naman, Tori? Ano na naman bang balak mo?

Naiiyak akong pumikit dahil hindi ko alam kung anong nangyayari sa kapatid ko. Bakit ba kasi napakagaling niyang magtago? Napakagaling niyang magtago ng nararamdaman niya.

**

"Good evening, Ma'am."

Nginitian ko ang mga bumabating mga katulong namin. Kinuha nila ang ibang mga bags na dala namin at tumingin ako kila Mommy at Daddy.

"You need to rest well, Toni. Masama sa'yo ang mapagod lalo na't dapat andun ka parin sa hospital at nagpapagaling." nag-aalalang sabi ni Daddy.

Pinilit ko kasi yung doctor na palabasin na ako sa ospital. Pakiramdam ko kasi ay mas lalala ang pakiramdam ko sa walang kabuhay-buhay at kakulay-kulay na room na yon.

Niyakap ko sila Daddy at Mommy. Nagpapasalamat ako sakanila. Ni minsan hindi ko naramdaman na hindi nila ako tunay na anak--kami ni Tori.

"Sorry po. Lagi nalang po namin kayong binibigyan ng sakit ng ulo." naiiyak kong sabi.

Naramdaman ko naman ang pag-iling ni Mommy at ang paghalik ni Daddy sa ulo ko.

Pagkatapos noon ay pinaakyat na nila ako sa kwarto ko--pero sa kwarto ako ni Tori dumiretso.

Nagmukhang bagong-gawang kwarto ang kwarto niya. Tahimik. Walang katao-tao. Sobrang linis. At higit sa lahat, walang kabuhay-buhay.

Humiga ako sa kama niya at agad naman akong nakaramdam ng antok dahil namiss ko ang kamang ito. Ang kamang tinutulugan ko noong mga panahong nagpapanggap pa lang ako bilang siya.

Naalimpungatan ako sa kaluskos na narinig ko mula sa parteng refrigerator dito sa loob ng kwarto.

Agad akong tumayo at hinayaang nakapatay ang ilaw. Bago pa man ako makalapit ay isang pigura ng babae ang naglakad sa harap ko habang may dalang isang plastik.

Napailing ako nang makita ko ang tatak ng tsokolateng nasa loob ng plastik.

"Ferrero." mahinang sambit ko at napansin ko ang pagtigil niya sa paglalakad.

Naglakad ako para hawakan ang balikat niya pero bigla siyang humarap. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko. An evil smile formed on her lips.

Sa isang iglap lang ay biglang nawala ang babae sa harapan ko.

Napatingin ako sa bintana. I-it's not my twin. She's not Tori.

--to be continued--

Wanted: Tori FuentabellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon