Chapter 10

5.8K 88 0
                                    

Shadow in My Room

Isang linggo na ang nakakalipas nang mangyari 'yung halik-- shit laswa. I mean yung pagkiss ni Drake sa pisngi ko.

Tungkol sa tinutukoy niya na hindi pagkakaunawaan nila ni Tori, hindi ko na siya kinulit dahil sa tingin ko ay sensitive pa siya masyado doon.

Pinulupot ko ang bathrobe sa katawan ko at nagpunta na sa kwarto.

Napatingin ako sa kwarto. Sino bang nag-off ng ilaw dito. Naglakad ako malapit sa bintana dahil nandoon ang switch. Bago ko pa mapindot ang switch ay agad akong nakarinig ng pagsara ng pintuan sa walk-in-closet ni Tori.

Nanlaki ang mata ko nang may tumakbong pigura ng babae sa harapan ko. Sa sobrang dilim ng kwarto ay hindi niya siguro ako nakita. Maya-maya pa ay nakita ko siyang tumalon sa veranda ng kwarto.

Mas nanlaki ang mata ko nang masilayan ko ang ngiti niya. Nakita niya ako?

P-paanong... Paano siya nakapasok dito?

*creeek*

Napamura ako ng biglang tumunog ang cellphone ko.

Ugh. Sorry kayo pero ganyan talaga ang ringtone ng phone ko. 😂

Drake Calling...

"Hello?" pinilit kong ayusin ang nanginginig kong boses.

["Sama ka? Kasama ko sila Kuya Luke."] rinig kong sabi niya sa kabilang linya.

"Saan ba?" tanong ko.

["Sisig kami."]

Pinigilan kong lumagapak sa tawa.

"Kelan pa kayo naging sisig?" tanong ko at narinig ko ang malakas na tawanan nila Kuya Luke sa kabilang linya.

["Hahahahaha. Ang sungit talaga. We'll fetch you there."] sabi niya at ini-end ang tawag.

**
"So you mean... Tumalon siya sa bintana?" tanong ni Prim habang kumakain kami.

Tumango ako sakanya. Sakanya ko lang kinwento dahil alam ko namang tatakutin lang ako ng mga lalakeng kasama namin.

"Anong plan mo?" tanong niya saakin.

Umiling nalang ako at pinagpatuloy ang kinakain ko.

Imposible talaga. Nasa second floor ang kwarto ko-- I mean ni Tori.

Hindi kaya mabalian yung babaeng 'yun? Tsaka anong ginagawa niya sa kwarto ni Tori? Sabihin ko kaya kay mommy?

Kaso baka mag-alala pa siya. Ayoko namang magbigay ng stress at problema sakanila. Hay.

"Ang lalim naman." biglang bulong ni Duke saakin.

"Oo nga. Malalim talaga yung pool sa school kasi napapansin ko yung sa twing lumalangoy ako--" napatigil ako sa pagsasalita nang marealize kong pool sa Roxas High ang sinasabi ko.

"Ha? Anong pool?" nagtatakang tanong niya

"Yung pool sa bahay." sabi ko nalang.

Nagtawanan naman sila kaya napatingin ako nang matalim sakanila.

"Nagka-amnesia ka nga talaga. Hahahaha." tawang-tawa si Kuya Luke habang nakikipag-apir kay Duke na tawa rin ng tawa.

"Anong nakakatawa?" baling ko kay Prim.

Nagpipigil din siya ng tawa kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Kasi ano. Hahaha. Never ka pa naman kasing lumangoy sa pool dahil takot ka magswimming." sabi niya at nagsimula na naman silang tumawa.

Napahinto ako. Hindi nags-swimming si Tori? Seryoso ba 'yun?

Nakaramdam ako ng panlulumo. Swimming is my passion. May balak pa man din akong sumali sa swimming team ng Estates High.

**
Kinaumagahan, mabilis akong nagpaalam kila Mommy at Daddy para pumasok na sa school.

Nang sumakay ako sa sasakyan ay napansin ni Mang Juan na balisa ako.

"Ma'am okay lang ba kayo?" tanong nito

Tinignan ko siya at inayos ko ang sarili ko. Tumango ako sakanya pagkatapos.

Hindi ko lang talaga maintindihan. Kanina nagpunta ako sa veranda ng kwarto ni Tori.

Sa baba nun ay purong semento na at ang mataas na wall nalang ang naghahati sa bahay at sa kalsada.

Hindi ba nabalian yung babaeng tumalon kagabi? Napailing ako. Kung nakalabas siya dahil umakyat siya sa pader, paano siya nakapasok lalo na't may guard naman sa gate?

--to be continued--

Wanted: Tori FuentabellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon