Janine's p.o.v.Nagkwentuhan lang kami nang nagkwentuhan hanggan hapon. Ayos ah. May sense of humor din pa tong lokong si Jerome. Ideal boyfriend tong lalaking to. Crush ko nga to eh. Pero si Ethan mahal ko na yun(^_^).
"Matanong ko lang. Bakit parang big deal sayo yung nakatira kami sa iisang bahay ni Ethan??"tanong ko
"Ah. Kas......sssii...."paputol-putol nyang sabi
"Ano ba yan. Pathrill naman to. Sabihin mo na kasi."
"Kasi ano, kasi ano, kkkaaassii aannoo.."
"Kasi,, ano nga.. Wag mo kong bitinin. Ayoko sa lahat yung pabitin." naiinis na ako
"Kasi nga may gusto ako sa kapatid mo" mabilis nyang pagkasabi.
Sabi na e. Kapatid ko na naman. Ayos lang sanay na ako. Kaso umasa kasi ako. Umasa ako na gusto nya rin ako dahil sa nangyari kahapon. Pero keri lang. Tanggap ko nang walang magkakagusto sakin.
"Kelan pa??" walang ganang tanong ko sa kanya
"Nung time na nakita ko sya sa gubat. Kala ko may diwatang naggagala sa kagubatan. Pero tao pala. Kaya simula nun hindi na sya naalis sa isip ko."
"Ang cheesy mo. Ang sarap mo ipalaman sa tinapay."
"E di ba mahilig ka sa cheese. Pinapapak mo pa nga eh. So gusto mo kong papakin??" pang iinis nyang sabi
"Pano mo nalamang mahilig ako sa cheese??" ano sya manghuhula?? Pphhss..
"One time kasi nahuli kitang kumaakin ng cheesy ham sandwich e. Ang kinain mo lang yung cheese hindi yung ham."
Ganun?? Nakita nya pala ako?? Paano nya ako nakita?? E lagi akong nasa music room. At walang niisang pumupunta dun. Ako lang..
"Ah okey. Pero paano ka nakapunta dun. Wala naman pumupunat dun??" tanong ko
"Naghahanap sana ako ng matatambayan ko yung hindi pinupuntahan ng mga tao para makatulog ako nang walang istorbo. Kaso bigla akong nakarinig ng kumakanta. Tapos nakita kita. Kaya ayun" lah mahilig pala tong magditch ng class.
"Alam mo hindi ka magugustuhan ni Alie kung ganyan ka."
"Sino si Alie??" tanong nya
"Si Nathalie, Alie ang tawag namin si Ethan sa kanya." sabi ko
"Aahh. Okay. Pwede ko ba syang tawaging Alie??" tanong nya
"Hindi pwede. Lahat ang tawag sa kanya. Nathalie or Nath. Naiinis sya pagtinatawag syang Alie ng ibang tao. Kahit si na Mom at Dad, Nathalie ang tawag sa kaya. Kami lang dalwa ang tumatawag sa kanya nun."
"Ganun?? Okay fine." napabuntong hininga nalang sya.
"Teka anong oras na ba??" kinuha ko yung cellphone ko tapos tiningnan ko yung oras.
"Oh men?? 6:00 na?? Kainis naman??" kinuha ko yung bag ko at akmang aalis na.
"Teka!?! San ka pupunta??" tanong nya
"Uuwi na ko. Mapagalitan pa ako. Sabihin panget na nga pabaya pa."
"Hatid na kita??" tumayo na sya.
"Wag na magtataxi nalang ako. Nakakaabala na sayo. Alis na ko??" lumabas na ako ng pinto
"Hahatid na kita. Kasi ako ang dahilan kung bakit ka nandito. Kaya sa ayaw mo't gusto ihahatid kita."hinila nya ako papunta sa garahe ng bahay nya.
Wow. Meron syang motorcycle?? Color black. Mahina kasi ako sa mga sasakyan kaya hindi ko alam ang brand.
Iniabot nya sakin yung helmet na pangbabae.
"Sakay na??" sumakay na ako. Buti nalang nakajogging pants ako. Kasi P.E. class namin ng first subject.
Pinaandar nya na ang makina. Tapos umalis na kami. Ang bilis nyang magpatakbo. Papatayin ba ako nito?? Ganito ba talaga sya magdrive?? Ilang beses na kaya sya nadiskraya dito??
Hay nako. Buti nalang nakayakap ako sa tyan nya..
Nakayakap??
Nakayakap ako??
Nakayakap ako sa??
Nakayakap ako sa tyan??
Nakayakap ako sa tyan nyaaa..??
Nahahawakan ko ang six pack of abs. O my ggggggg... Ang swerte ko nakahawakan ko ang pinagpapantasyahan ng mga babae. Wwhhhaaahhh.. Gusto kong kiligin kaso baka mahalata nya. Parang pandisal ang mga abs nya. Ooommmii..
.......
Hah?? Tumigil na?? Huminto na kami?? Hala siguro nailang sya. Siguro nahalata nya na pinagpapantasyahan ko sya.
"Andito na tayo.. Ayaw mo bang umuwe??" Hah!?! Andito na kami. Hindi ko napansin. Dahil nalibang ako.. Hehehehe ;)
"Ah okay. Salamat ha??" bumaba na ako ng motor.
"Welcome. Sige na pasok kana. O gusto mo kong isama para mag-explain sa kanila kung bakit ka ginabe??" sabi nya
"Hindi na okay lang ako. Hindi naman ako mapapansin ng mga yun. Wala naman silang pakelam sakin kaya okay lang ako."
"Sure ka ha?? Sige alis na ko. Bye??" sumakay na sya ng motor nya at pinaandar ito.
"Ah teka??" pagpigil ko sa kanya.
"Bakit??" tumingin sya sakin.
"Yung helmet mo??" tinanggal ko yung helmet nakasuot sakin.
"Wag na. Sa'yo muna. May next time pa naman." tapos nagwink sya. E di shing. Kilig mats..:P
"Ah sige. Bye. See you tomorrow??" pagpapaalam ko. Tapos umalis na sya.
Pumasok na ako mini gate.
"Mukhang ginabi po kayo ng uwe mam?? Boyfriend nyo po. Pogi nun hah?!? Wag nyo pong pakawalan yun sayang??" sabi ni Mang Loki. Security guard namin sya. Kahit may guard sa village na'to kailangan paring mag-ingat.
"Hindi po manong. Friend ko lang po yun. Andyan na po ba sina Mommy??" tanong ko
"Wala po eh. May out of town bussiness meeting sila eh. Siguro po bukas pa sila makakarating."
"Ah okay po. Pasok na po ako??" sabi ko nalang tapos pumasok na ako.
.............O_O.............
Bakit andito ang mga kabarkada ni Nathalie. O my gosh. Nakatingin ba sila. Kainis naman. Siguro nagtataka sila kung bakit ako nandito.
"Bakit nandito si Janine. Inimvite mo din sya. Kailangan kasama sya sa sekreto mong sasabihin??" sabi ni Charice
"Oo nga?? Baka ipagkalat nya lang yung sekreto mo??" sabi ni Allysa.
Ouch naman. Ang sakit?? Timaan ako dun??
"Guys huminahon lang kayo. Buti nga't andito na si Janine eh para masabi ko na." sabi ni Nathalie tapos lumapit sya sakin at hinila nya ako papunta sa harapan nila.
Sasabihin nya kaya?? Wag sana please!?! Wag sana yung magkakambal kami. Alam kong ikagugulat nila yun. At sasabihing 'wweehhh???'. Please sana wag. Sana wag. Nathalie please wag.
….....?_?........
"Janine is my twin sister." at yun na nga binigkas nya na ang mga salitang pinakakatatago namin.
"Wwweeeehhhhh????" sabay nilang sabi. Sabi na eh.
BINABASA MO ANG
My Ugly Twin Sister
Fiksi RemajaKambal. Ano ba ang dapat pagkakakilala nang lahat sa kambal? Magkatulad sa mga ginagawa? Magkakampi sa mga gagawin? Laging nagtutulungan kapag may problema? Sanggang dikit kapag hinaharap ang mga pagsubok? Pero hindi lahat ganun. Kadalasan nawawasak...