A\N: Guys if hindi parin naayos yung mga chapter. Tanggalin nyo muna po sa library nyo tapos ibalik nyo po ulit... Yun po yung paraan para maayos yung story... Sorry po😓😓...
¤¤¤¤¤
Mikey's P.O.V.
Kasama ko ngayon si Janine sa kotse dahil pumayag sya na sumama sa akin. Alam kong wala sa isip nya na isa itong date. Pero para sakin isa iyon.
"Saan ba tayo pupunta?" tanong nya kaya naman napatingin ako sa kanya at ibinalik na ang tingin sa daan.
"Sa mall. Di ba mamimili tayo?" tumango-tango lang sya. Ang cute nya talaga!
"Naboboringan ka ba? Gusto mong buksan ko yung radyo para magkaingay naman?" tanong ko at ngumiti lang sya.
"No need. Malapit na rin naman tayo."
After a couple of minutes, nandito na nga kami sa mall. Ipinark ko yung kotse ko sa parking lot sa ilalim nitong mall.
Agad-agad akong lumabas at tumungo sa pintuan ng kotse kung saan lalabas si Janine at binuksan ito. "Iwan mo nalang gamit mo dito. Para wala kang bitbit sa loob. Just bring your phone." I told to her at sinunod nya naman ako. That's my girl!
"Nagugutom ka ba?" tanong ko sa kasama ko.
Tumingin ito sa akin na parang nahihiya.
"Hehe. Konti? Pwede muna ba tayong kumain. Hindi pa kasi ako naglalunch." I chuckled because of what I heard.
"Lets go? Saan mo ba gustong kumain?" tanong ko. Lumingat-lingat sya sa paligid na parang may hinahanap.
"Hehe. Ikaw nalang pumuli. Ikaw naman ang manlilibre." lalo akong napangiti sa sinabi nya. She really driving me crazy.
"O sige sa McDo nalang?" I suggest then she agree.
Hinawakan ko ang kamay nya at nagulat naman sya sa ginawa ko pero hindi sya umangal. I pull her gently while we are walking.
Nangmakarating kami sa McDo ay dumiretsyo ako sa counter at sya naman daw ay maghahanap ng upuan.
"Mikey. Magkwento ka naman ng tungkol sa buhay mo." pagputol nya sa katahimikan habang nakain kami.
"Buhay ko? Ano bang gusto mong malaman?"
"Ahm.Ano nga ba?---Ah! Ayun! Kailan ang birthday mo?"
"Ang birthday ko.... Yung araw na nagkabungguan tayo sa mall na to. December 16, 1999. How about you?" -me
"Ako naman April 12, 2000."
"Malapit na pala. Sana nandito pa ako nun. Inonote ko yan sa calendar ko." -ako
"Aalis ka?" tanong nya sakin at tumango naman ako.
"Oo bago matapos ang week na to. Don't worry I will come back at your birthday just to see you." sagot ko at ngumiti. Ngumiti naman sya ng mapait.
"Sabi ko na nga ba hindi talaga ako makakahanap ng taong hindi mawawala sa buhay ko..." nagdadrama na sya. Pero well I like what she said.
"Janine listen.... I'm just get my papers there because I'm planning to stay here for good." mukha namang nagliwanag ang mukha nya dahil sa narinig.
"Sabi mo yan ha! Walang bawian, babalik ka." masaya naman nyang bigkas. Tumango naman ako at ngumiti.
Ngayon naglalakad kami ni Janine pero hawak-hawak ko parin ang mga kamay nya. Mabuti nga dahil hindi nya ito tinatanggal at umaangal. Nung una akong hawak sa kamay nya nakaramdam akong kuryente na parang bumuhay sa kalamnan at dugo ko. She really getting into my nerves. She gives me shivers that I can't explain.
![](https://img.wattpad.com/cover/65851026-288-k441753.jpg)
BINABASA MO ANG
My Ugly Twin Sister
Teen FictionKambal. Ano ba ang dapat pagkakakilala nang lahat sa kambal? Magkatulad sa mga ginagawa? Magkakampi sa mga gagawin? Laging nagtutulungan kapag may problema? Sanggang dikit kapag hinaharap ang mga pagsubok? Pero hindi lahat ganun. Kadalasan nawawasak...