Janine's P.O.V.
Nagulat kami lahat nang naglabas ng baril si Tito Vincent. At itinutok kay Daddy.
Tumakbo si Nathalie para salagin ang bala na tatama sana kay Daddy. Ngayon nakahandusay si Nathalie ngayon sa sahig at duguan. Nagulat din si Tito Vincent sa ginawa ni Alie kaya. Nanginginig itong lumuhod sa sahig at bumubulong ng 'Sorry. Sorry hindi ko sinasadya.' Tsk.
Agad-agad namang dumating ang mga pulis nang tawagan namin sila nung naglabas sya nang baril. Kahit christmas ngayon may nagtatrabaho parin na mga pulis.
Agad syang dinakip nang mga pulis at hindi na pumalag. Dumating din naman ang mga medic na mag-aasist kay Alie papuntang ospital.
Naiwan naman ako dito at si Ethan para maglinis nang bahay.
Hhayy!!? Hindi ko inaasahang mangyayari to. Ang take note! Pasko pa! Kung sa inyo kaya mangyari yun anong mararamdaman mo??
Ang tahimik ngayon. Nakakabingi!! Ngayon ko lang napansin na hindi pala kami nag-iimikan ni Ethan dahil sa mga nanyari.
"Ethan?" tawag ko sa pangalan nya at tumingin lang sya sakin ng blanko.
"Ang lamig naman." pagpaparinig ko sa kanya. Tinaasan nya lang ako nang kilay na nagpapahiwatig nang 'what do you mean?'
"Hay na ko Ethan. Alam kong mahirap tanggapin ang mga nangyayari pero hindi ibig savihin nun ay hindi mo na ako papansinin. Hindi mo na ako kakausapin." sabi ko at humilata sa sofa.
Bumuntong hininga sya. At umupo sa ulunan ko.
"Yeah you right. Hindi ko rin inaasahan na mangyayari ito sa atin. At lalong hindi ko inaasahang kapatid ko pala ang babaeng minahal ko simula palang.*buntong hininga* Pero kahit ganun matutunan din naman nating magpatawad at tanggapin ang mga nangyari na parang wala lang." napakahaba nang kanyang sinabi at ang drama.
Pero nagkatinginan kami at ngumiti. "Kuya."-ako "Lil sis."-sya. At nagtawanan lang kami. Ang kulit!!!!
"Tao po!!! Janine???" uy. May tumatawag sakin sa disoras ng gabi??
"Sino yun?" tanong sakin ni Ethan ay nagkibit-balikat lang ako.
Tumayo at at ganun din si Ethan para tingnan kung sino ang tumatawag sakin.
"Oh Mikey??! Ikaw pala yan!!? Halika tuloy kayo?? Sorry kung madumi pa yung bahay namin. Pinagholliday break kasi ni Daďdy yung mga katulong namin." pagpapatuloy ko sa kanila sa loob. Hindi pa kasi namin nalilinis ang dugo sa dinning area kaya sa sala nalang sila.
"Ah. Janine??! Naparito kami para malaman kung ano yung nangyari kanina. May narinig kasi kaming putok ng baril dito." tanong ni Jerome.
"Ah yun ba?" pilit akong ngumiti sa kanila. At tumingin kay Ethan na ngayon ay nasa tabi ko.
"Nabaril kasi si Nathalie." si Ethan na ang nagsabi.
"ANO!!!???" gulat na reaksyon ng dalwa.
"Pano nangyari yun??" tanong ni Jerome.
"Mahabang kwento eh. At tyaka personal na rin." ako na yan. Dahil ayoko magkwento nang private life.
"We understand. Pero, sana maging okay na sya." Pagdadasal nya.
"Hindi naman siguro halatang concern ka no?" tanong ko kay Jerome kasi kanina pa na sya lang ang nagsasalita.
"Aba syempre?? Mamahalin ko pa yun. At mamahalin nya pa ako. At isa papakasalan ko pa yun." toh naman ang OA wala namang kinalaman ang pinagsasabi nya sa topic eh. Tsk.
"Hindi pa ba kayo magpapahinga??" tanong ni Mikey.
"Hindi pa. Maglilinis pa kami."
"Gusto mo ba nang tulong?" alok ni Mikey.
BINABASA MO ANG
My Ugly Twin Sister
Teen FictionKambal. Ano ba ang dapat pagkakakilala nang lahat sa kambal? Magkatulad sa mga ginagawa? Magkakampi sa mga gagawin? Laging nagtutulungan kapag may problema? Sanggang dikit kapag hinaharap ang mga pagsubok? Pero hindi lahat ganun. Kadalasan nawawasak...