Shanshawnee's P.O.V.
Ibinigay nya sa akin ang cellphone nya. Unregistered number nga ang tumawag sa kanya.
"Shan! Where are you going?" hinabol pala ako ni Jeff.
"I have a job." sumakay na ako sa Ducati. Hindi naman ito akin, pinapagamit lang.
"What? Wait! We are not yet done?" napatigil naman ako sa pag-aayos ng helmet ko.
"I don't care about that anymore. I have my job to do." isinuot ko na ang helmet.
"F*ck mukhang magkukulong na naman ako sa cr." bulong nya at hindi ko namalayang nakangiti na pala ako.
Pinaandar ko na ang motor at tinahak ang daan patungo sa headquarters.
"Cury. Itrace mo daw itong number sabi ni commander." ibinigay ko ang cellphone ni Boss kay Mercury na abala ngayon sa computer nya. At kamalayan ko ba sa ginagawa nya.
"O right! New job na naman?" nakangiting tanong nya at tumango lang ako.
"Ano ba ang nangyari?" tanong nito at ako naman bored na humiga sa kama ng kwarto nya.
"Pinagbantaan nya si Commander na sasaktan sya kapag hindi sya napasakanya." walang gana kong sagot. Feeling ko kasi nabitin din ako. Pero mas mahalaga ang trabaho ko. Saka na yun. Next time na lang.
"Galing sa isang building dito sa Manila yung number. Kaso nadisabled na agad." ang dami talagang bobo sa mundo. Magbabanta ka na ngalang yung may ibidensya ka pa.
Siguradong nagpakabit din sya ng mga CCTV sa bahay na yun, may napapansin akong maliliit na kumikislap sa iba't ibang sulok ng bahay. Marami din syang tauhan sa loob ng mansyon at talagang planado dahil itinaon pa sa pagbabalik ni Janine.
"C.E.O. Laurence DiCaprio.
33 years of age.
D.C. Incorporated, ang dating pangalan ng kompanya ay W.M.A. corp.
Widowed man, namatay ang asawa nya sa hindi malamang dahilan, naging tahimik lang sya tungkol dito.
Nababalitaan na may underground business daw sya katulad ng drug business, human trafficking, at kung anu-ano pang mga dirty secrets.
10 cases na ang napanalo nya sa kaso nang drug trafficking, dahil narin sa kakulangan ng ibidensya at tistigo....
Walang hiya pala ang taong ito!?" mukhang may ibubunyag na naman kami. You get in to her nerve, huh? Ngayon tapos kana.
"Mukhang malaki-laking isda ang ma bibingwit natin." andito na pala sila.
"Ano to? Bakit hindi kami nainform na may bago tayong misyon?" isa-isa na silang pumasok. Yung mga babae lang.
"Nasan si Pluto?" tanong ko umupo na ako pero pabagot parin.
"Tulog na. Napagod sa pakikipaglaro sa mga bago nyang kaibigan kanina." si Saturn naman ang humilata.
"Buti hindi nya pinaglaruan." makahulugang sabi ko.
"Yun nga yung ginawa nya. Pinaglaruan nya yung mga kaibigan nya. Itinali nya sa spinning wheel tapos pinagbabato nya ng kunai." bored na sagot ni Jupiter. Napabuntong hining lang ako. Ibang klase talaga ang batang yun.
"Mars samahan mo ko. Kukuha tayo ng makakain." yaya ni Venus kay Mars.
"Dadalhin ko si Pluto kay commander. Dun muna sya. Hindi natin sya pwedeng isama sa misyon." sambit ko bago sila makalabas ng kwarto.
Wala ng nagsalita o nagsecond emotion pa sa sinabi ko.
"Guys may mga problema ba kayo? At parang ang tamlay-tamlay nyo." tanong ni Earth habang hinihimas ang baby Tiger nya. Shocks? Nanganak na naman yung tiger nya. Tapos ibebenta na naman sa iba. Para-paraan talaga to.
BINABASA MO ANG
My Ugly Twin Sister
Teen FictionKambal. Ano ba ang dapat pagkakakilala nang lahat sa kambal? Magkatulad sa mga ginagawa? Magkakampi sa mga gagawin? Laging nagtutulungan kapag may problema? Sanggang dikit kapag hinaharap ang mga pagsubok? Pero hindi lahat ganun. Kadalasan nawawasak...
