Janine's P.O.V.
Kakatapos lang namin kumain at dumeretsyo na ako sa kwarto ko para magpalit ulit.
Lalabas kasi ako para pumuntang petshop. Kukunin ko si Harry. Igagala ko sya ngayon. Matagal na rin kasi kaming hindi nakakapaggala. Miss ko na yung aso kong yun.
Lumabas ako nang bahay. Malapit lang naman ang petshop. Nasa village ding ito kaya nilalakad ko lang.
Napatingin ako sa labas ng bahay ng kapitbahay naming bagong lipat. Sino kaya ang lumipat dito?? Antagal na nang may huling lumipat dito.
Umalis na ko sa pagkakatayo ko at nagpatuloy sa paglalakad.
Mikey's P.O.V.
Parang may nasa labas?? Feeling ko lang. Kaya nacurious ako, so lumabas ako.
Wala namang tao nilibot ko ang tingin ko. At ang nakita ko lang ay babae na naglalakad palayo.
Weird feeling??
Janine's P.O.V.
Masyado na akong malayo sa bahay. May naramdaman akong nakatingin sa akin kaya lumingon ako.
Wala akong nakita kundi ang taong papasok sa gate nang bago naming kapitbahay. Hindi malinaw ang pangin ko, hindi ko pala nadala yung salamin ko.
Tsk. Nakakatamad bumalik. Kaya nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Mapit na naman ako sa petshop. Isang liko pa kanan lang nandun na ko.
Kakapasok ko palang sa petshop nang biglang tumahol si Harry. Paikot-ikot sa kinatatayuan nya animoy hindi mapakali. Miss ko na sya.
Naglakad ako papunta sa kanya. At lumuhod. Para yakapin sya. Malaking aso si Harry. Isa syang Siberian Husky. Cool no??
"Miss mo na ba ako??" pagkausap ko sa kanya. Dinilaan nya lang ako sa mukha. Tapos kumahol lang ulit sya.
"Mukhang miss na miss kana nya ah??" sabi nang isang pamilyar na boses. Kaya't tumayo ako para kausapin yun.
"Dr. Hanz. Long time no see ah. Gwapo ka parin." sabi ko nang pabiro.
"Long time no see rin. Ikaw naman luka parin." sabi nya sakin nang nakangiti. Gwapo nang doctor na to?? Oo tama iniisip nyo. Ang may-ari nang petshop na to ay veterinarian. Kaya makakasigurado ka na healthy ang mga hayop dito.
"Alam nyo Doc hindi ako nambobola. Totoo. Bakit kasi ayaw mo pang mag-asawa??" sabi ko sa kanya.
"Ilang beses ko ba sasabihin sayo na. Dadating din tayo dyan. Pero hindi pa eto yung tamang panahon. At tyaka may-iniitay pa ako." sabi nya. Asus!?!
"Sige na Doc. Kukuhain ko na si Harry. Sa bahay muna sya. Kasi simula na nang Christmas break namin." sabi ko sa kanya at kinalas na ang taling nakakabit kay Harry.
"Salamat po!!" sabi ko at kumakaway habang palabas kasama si Harry.
Kumaway nalang si Doc sakin at ngumiti.
Doctor Hanz P.O.V.
Bakit?? Bakit ba ang manhid mo Janine Villapara??
"Alam nyo Doc hindi ako nambobola. Totoo. Bakit kasi ayaw mo pang mag-asawa??" sabi nya sakin.
"Ilang beses ko ba sasabihin sayo na. Dadating din tayo dyan. Pero hindi pa eto yung tamang panahon. At tyaka may-iniitay pa ako." sabi ko sa kanya. Iniintay pa kasi kita. Hinihintay ko pa kasi yung panahon na pwede na.
![](https://img.wattpad.com/cover/65851026-288-k441753.jpg)
BINABASA MO ANG
My Ugly Twin Sister
Novela JuvenilKambal. Ano ba ang dapat pagkakakilala nang lahat sa kambal? Magkatulad sa mga ginagawa? Magkakampi sa mga gagawin? Laging nagtutulungan kapag may problema? Sanggang dikit kapag hinaharap ang mga pagsubok? Pero hindi lahat ganun. Kadalasan nawawasak...