This is the happenings before the plan. Enjoy... kung malelameman kayo. Sorry po.
💠💠💠💠💠
Jerome's P.O.V.
"Ah Jerome... di ba free ka ngayong araw?" napangiti naman ako nang itanong sa akin yan ni Janine.
"Oo. Bakit yayain mo ba akong lumabas? Wag ka mag-alala hindi ko naman tatanggihan ang alok mo." parang nabuhayan ako nang loob. Nagising na ang natutulog kong diwa.
"Ah nako hindi... papabantayan ko sana sayo si Pluto. Kung mamaari libangin mo sya. Kasi may gagawin kaming importante at walang magbabantay sa kanya." para namang pinagbagsakan ng langit at lupa ang mukha ko dahil sa narinig.
"Kaano-ano mo ba yung bata at kailangan mo pang ako ang magbaby sit?" tanong ko.
"He's my adopted son." para akong nabagsakan ng 50 toniladang sama ng loob.
"Kaya ikaw ang pagbabantayin ko kasi kaugali mo sya. At sa tingin ko naman magkakasundo kayo, di ba?" ilang buntong hininga na ba ang napakawalan ko?
"Sige na please... pumayag kana..." juice ko... nagpuppy eyes pa? Matatanggihan ko ba yan?
"Hayyy... sige na nga."
"Yey!!! Salamat JJ." nanigas naman ako ng niyakap nya ako at hinalikan sa pisngi. Hindi ko na namalayan na nakangiti na pala ako.
"Pakasaya kayo, baby hah?" napatingin naman ako sa batang may puting buhok.
He just stares at me, coldly. He just waited her mother to leave before he talked.
"Do you have a feelings for my Mom?" tanong nya. Hindi na ako nakapagsalita kasi nagsalita na ulit sya.
"Because I don't like you." what? Ano bang sinasabi nito?
"Eh ano naman kung may nararamdaman ako para sa nanay mo? Magiging asawa ko din sya, malapit na." pamimilosopo ko.
"Ngayon palang hindi kana magwawaging makuha ang puso ng Mommy ko." nagbabanta ba sya?
"Isang hamon ba yan? Tatanggapin ko." nagsimula na akong maglakad patungo sa pinto.
Walang tao. Si na Tita at Tito nagbabakasyon. Sina Mikey at Nathalie nasa sariling bahay na nila. Wala na din ang barkada kasi may trabaho din.
Dadaan muna ako sa 1st branch para kamustahin kung ano na ang nangyayari.
*ting*
From: Janine
Nga pala mahilig syang kumain.
Lumingon ako sa likuran ko para tingnan kung nasunod sya.
Teka nasan na yun?
"Sino bang hinahanap mo dyan?" nagulat naman ako ng bigla syang magsalita sa tabi ko.
"Kung saan-saan ka pumupunta, ikaw bubuwit ka." kukutusan ko na ito, eh.
"Wag kasing tatanga-tanga." aba kita mo itong batang ito! Qiniqiqil talaga aqu!!
"Sumakay kana nga, baka mabatukan pa kita." pinasakay ko na sya.
"Hindi dyan. Sa passenger's seat ka umupo." hay nako... tingnan mo tong batang ito. Sya na nga pinapapaupo sa unahan sya pa itong padabog kung sumakay.
Bumuntong hininga ako bago sumakay sa kotse.
Malapit lang naman dito yun eh. Lalabas lang kami ng village tapos kanan, tapos kaliwa, tapos may nakita kang parang lumang building yun na yun.
BINABASA MO ANG
My Ugly Twin Sister
Teen FictionKambal. Ano ba ang dapat pagkakakilala nang lahat sa kambal? Magkatulad sa mga ginagawa? Magkakampi sa mga gagawin? Laging nagtutulungan kapag may problema? Sanggang dikit kapag hinaharap ang mga pagsubok? Pero hindi lahat ganun. Kadalasan nawawasak...