Ethan's P.O.V.
"Hey! Ethan balita ko pumunta na si Boss sa amerika. Ano naman ang gagawin nya dun?" tanong ni Joshua tapos na shoot. Nagbabasketball kami ngayon. Kasama si Jerome ayos na kami nyan. Wala na akong galit sa lalaking to.
"Yes. She's going to study there." tapos ako naman yung nagshoot kasi ako yung nagrebound kanina.
"Kailan naman sya babalik?" tanong naman ni Cally.
"I don't know? Maybe if grandpa let her?" sagot ko sa tanong nya.
"Ang lungkot naman 'pag wala sya.... Ngayon pala namimis ko na sya..." yeah. Francis is right... We already miss her kahit kanina lang sya umalis.
"Maglalaro pa ba tayo? Nawalan na ako ng gana..." umupo si Jerome sa sahig. Kaya naman isa-isa rin kaming umupo sa sahig na parang natalo sa laro.
"I miss her smile,....... her laugh.... haayyyy...... without her..... I feel like I have a missing piece in my heart." pagdadrama ni Isaac. Napatingin naman kaming lahat sa kanya dahil sa narinig.
"What?" takang tanong nito. Umiling-iling nalang kami habang ibinabaling ang tingin sa iba.
"Guys.... I need your help." sasabihin ko nalang sa kanila kung ano ang pinapagawa ni Daddy Alex sakin.
"What is it?" uy curious sila...
"Pwede bang tulungan nyo akong ilayo si Mikey kay Nathalie hanggang makabalik si Janine?" nagulat naman sila sa sinabi ko.
"Pakiramdam ko kasi may gagawing kahihiya si Janine para lang mapunta sa kanya si Mikey..... At tyaka si Mikey lang yung nakikita kong makakapagpasaya kay Janine." pagpapaliwanag ko.
"Hindi lang naman si Mikey ang pwedeng makapagpasaya sa kanya......" napatingin naman kami kay Jerome.
"Bakit? May gusto ka ba sa kanya?" tanong ko.
"H-hah?! W-wala ah?! Ang gusto ko lang sabihin baka may magpatibok na sa puso nya habang nandun sya sa ibang bansa." Hhhmmm... I smell something fishy here. Parang nakakaramdam ako ng lihim na pagtingin ah.
Pero hindi ko naman sya pipigilan eh.
"Hindi mo naman kailangang itanggi. Maganda sya, matalino at mabait. Lahat ng hahanapin mo sa isang babaeng matino nasa kanya na. Kaya naman hindi ko pipigilan ang mga nararamdaman nyo para sa kany----"
"Talaga!!?" tuwa naman si Jerome. Sabi ba eh???!
"Oo. Pero stick pa rin sa plano. Iniiwasan kasi ni Dad na gumawa ng isang bagay na kahiya-hiya si Nathalie na pwedeng makasira sa imahe nila na pwedeng magamit ng mga kalaban nila sa negosyo." paliwanag ko.
"Game ako dyan... tara sa headquaters namin!!?" masayang yaya sa amin ni Joshua.
"Headquaters!!?" tanong ko.
"Oo tambayan namin nina boss." tambayan kailan pa natututong tumambay si Janine?
Wala na kaming na gawa kung hindi ang sumama. Sumakay kami sa kotse ni Joshua sya lang kasi yung may pinakamalapit na bahay dito sa court.
***
Asan na kami? Nasa tapat kami ng isang...... hindi ko alam kung ano 'to? Abandunadong gusali lang to? Ano namang meron dito? Second floor lang to pero malaki. Pero maraming nakaparadang kotse sa paligid ng gusali.
"Basta pumasok nalang tayo.." sinunod lang namin si Cally at pumasok na. Angnqn haba ng hallway nito at nakakatakot ang atmosphere. Nagpapatay sindi pa ang mga ilaw. Ano ito? Para kaming bibitayin ah??
BINABASA MO ANG
My Ugly Twin Sister
Teen FictionKambal. Ano ba ang dapat pagkakakilala nang lahat sa kambal? Magkatulad sa mga ginagawa? Magkakampi sa mga gagawin? Laging nagtutulungan kapag may problema? Sanggang dikit kapag hinaharap ang mga pagsubok? Pero hindi lahat ganun. Kadalasan nawawasak...