Jerome's P.O.V.
Today's my niece's first birthday day. Aattend ako pero hindi na aabot. Nasa business trip ako sa Laguna. Bibisitahin ko pa ang branch ng restaurant ko dito.
J's secret ang pangalan ng restaurant ko. Ipinangalan ko sa Janine's Secret. Doon nakatayo yung main branch ng resto ko, right?
Hindi lang naman ako ang hindi makakaattend sa binyag ng inaanak ko, ang barkada, ako, at si Janine. May mga business trip din kasi sila. Pero susubukan daw nila humabol, kahit ako, ewan ko lang kay Janine.
Sa mga balita, magazines, at sa mga billboard nalang namin sya nakikita. Lagi syang laman nang mga yun.
"Sir. Ready na po ang sasakyan. At yun pong pinapabili nyong gifts dadaanan nalang po." lalaki yan. Idol nya daw ako kaya nagprisintang maging apprentice ko.
"Okay thank you."
Maggagabi na nang matapos ako sa mga ginagawa ko. Siguradong after party na ang maaabutan ko.
Nakapasok na kami sa village kung saan kami nakatira.
May nakasalisihan nga kaming nakaducati'ng kakaalis sa bahay ng nina Nathalie. Paano sya nagkaroon ng pinakabagong disenyo ng Ducati? Grabe? Limited edition lang yung sasakyan na yun!?
Hindi ako nakakuha dahil naunahan ako. Ang sabi may babae daw na bumili ng lahat ng model bago ilabas yun. Sya ba yung bumili nun? O nabili nya sa bumili?
"Good evening everyone!? Am I late?" bungad na bati ko ng makapasok ako sa pintuan.
Uhuh? May awkward situation bang nangyari?.
"May nangyari ba?" tanong ko ng biglang lumapit sa akin si Mikey.
"Bro pinasok kami dito. Andito si Janine." bulong sa akin ni Mikey. Anong sinabi mo?
"What!?" again what!? S-sya nandito? S-saan?
"Andito si Janine?" lumingon lingon ako.
At yun na nga, para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Nakita ko ang isang babaeng pamilyar at parang sa panaginip mo lang makikita. Nakasout sya ng ripped jeans na faded blue, naka brown leather shoes na boots pero hindi gaanong kataasan, turtleneck na cream. Kahit anong isuot bumabagay sa kanya.
Napakunot naman ang noo ko ng bigla itong umirap. Ano naapektuhan ka na nang kalamigan ng America kaya cold ka na?
"Mikey bakit hindi mo sinabi sakin. Hindi ako ready." nanggigitgit na bulong ko. Matagal ko ng gustong mangyaring mahaharap ko ulit sya pero hindi sa ganitong pagkakataon.
"Nagulat na nga lang din kami nung dumating sya sa simbahan." bulungan na yung mga ginagawa namin dito.
Lalapit na sana ako pero pinigilan ako ni Mikey. Lumapit sa kanya si Tita Lara.
"Nak. Are you okay?" Tita Lara.
"I'm okay mom. Si Nathalie po?" Oo nga nasan yun?
"She's up stairs. Nagpapahinga sila ni Mikalie. Ano bang nangyayari? Bakit may narinig akong putok ng baril?" b-baril? Anong baril? Tumingin ako kay Mikey na seryosong nakatingin sa kanilang dalawa.
"Threats." A-ano? Anong pagbabanta? T-teka? Bakit ang dami ko nang hindi naiintindihan dito?
"Don't worry Mom. Matatapos ko rin ang gulong to. Parang sa L.A. lang." ano bang sinasabi nyang matatapos na? Yung threats ba? So sa lahat ng puntahan nyang lugar may threats sa buhay nya?
Bumuntong hininga nalang si Tita.
Lalapit na sana ako ng pigilan ulit ako ni Mikey. Ano bang problema?!
BINABASA MO ANG
My Ugly Twin Sister
Teen FictionKambal. Ano ba ang dapat pagkakakilala nang lahat sa kambal? Magkatulad sa mga ginagawa? Magkakampi sa mga gagawin? Laging nagtutulungan kapag may problema? Sanggang dikit kapag hinaharap ang mga pagsubok? Pero hindi lahat ganun. Kadalasan nawawasak...
