CHAPTER 42: Lets Start the Operation

24 1 0
                                    

Jerome's P.O.V.

Hindi na namin nagawa pang matulog. Dahil narin sa takot na baka may mangyari na namang masama. Nagkwentuhan nalang kami at may halong inuman din. Mga lalaki nalang ang nandito. Natulog na si Janine ng mga bandang 10 ng gabi. Hindi pa daw sya nakakapagpahinga dahil dumeretsyo sya sa simbahan nang pagkagaling nya sa airport.

Hay... hanggang ngayon. Hanggang ngayon... Bakit ganun? Hindi ko din maintindihan ang sarili ko. Parang may kulang.

Alasais na ng umaga. Ako naman ang matutulog. Tutal libre naman ako ngayong araw.

"Hi guys. Still awake? Magpahinga na nga kayo. Mga mukha na kayong zombie sa mga eye bags nyo." agang-aga naman nitong mang-asar. Hay nako Melanie... teka!?

"Melanie!? What are you doing here?" napatayo ako sa kinatatayuan ko ng makita ko sya.

"Chillax Jey. I'm with my fiancee. And I'm with Janine when she came back." kasama pala sya ni Janine. Paano sila naging magkakilala? Sa pagkakaalam ko ay nung dumating si Melanie dito ay nakaalis na si Janine papuntang America. Ah basta ang gulo...

"Hi babe." kiniss naman ni Melanie ang kakababa lang na lalaki. Sya yung kagabi...

"I want you to meet my fiancee. Daniel Logit." nakangiti nitong pagpapakilala sa lalaki.

Sya pala yung fiancee na tinutukoy ni Janine. Kala ko talaga kay Janine'ng fiancee yun. Hindi ko alam pero parang na hugutan ako ng tinik sa puso.

"Where's Mom?" napatingin naman ako sa likod ko ng may nagsalitang bata. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa edad sampu na ang batang ito.

"Pluto!!!!" nagulat naman ako ng sumigaw si Melanie. At tumakbo papunta dun sa bata. Niyakap naman nya ito.

"Hi tita Melanie." walang ganang sambit ng bata.

"You are still a little bipolar, didn't you?" ginulo naman nung Daniel yung buhok nung bata.

Ang cute naman nung buhok nya. Kulay white na nakaapple cut. MalaKPOP yung ayos nito sino kaya nanay nito.

"Yeah... Yeah... Where's Mom?" wala talagang gana to. Kumain ba sya ng umagahan?

"I think she's still asleep. Why don't you go there and wake her up?" nilahad ni Daniel ang kanyang kamay sa hagdan.

Agad naman tumakbo ang bata patungo sa hagdan. At bumalik din ito sa mga ito.

"Where is her room?" tanong nito.

"Upstairs, turn left and when you see a black door, that's it." direksyon ng babaeng kasama ng bata kanina.

Tumakbo ulit ang bata paakyat.

"Why you brought him here?" tanong ni Melanie sa babaeng nagdala dun sa bata.

"Because he want." maikli nitong sagot.

Kami nalang ang tao dito. Mapwera sa mga pinsan nina Ali na nandito pa. Baka isa sa mga pinsan nila ang nanay nung bata.


Janine's P.O.V.

Knock knock knock

Ang aga-aga!!

Hindi ko na inintindin pa ang kumatok at itinuloy ang pagtulog.

Narinig ko namang bumukas ito. Nakalock yun ah?

"Mommy..."

"Mommy wake up..."

"Mommy wake up... It's already morning." minulat ko ang isa kong mata para makita kung sino ang nagsasalita.

Tsk. Si Pluto lang pala.

My Ugly Twin SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon