Jerome's p.o.v.
Nandito kami ni janine sa bahay ko. Malaki pero magulo. Wala kasi akong katulong. Pinabalik ko na sa america. Dun sa Daddy ko. Ang epal kasi?? Ang hilig nya pinapakelaman yung mga personal na gamit ko.
Hindi naman kagandahan yung katulong. One time nga nahuli ko syang inaamoy yung underwear ko eh. Kaya nainis ako. Muntik ko na sana syang mabugbog. Hay na ko. Tama na nga to??
"Ikaw lang ba mag-isa dito??" tanong nya sakin. Habang nagluluto ako
"Oo. Bakit??"tanong ko
"Ang laki-laki ng bahay mo wala ka manlang katulong??" tanong nya
"Basta mahabang kwento."sabi ko
"Dali na. Mahaba pa naman ang araw eh. Ang dami pa nating oras oh??"pagpilit nya
"Oh sige na yan. Sabi kasi ni Daddy kapag daw matanda daw ang ipapadala nya sigurado daw hindi na kakayanin. Dahil sa tigas nang ulo ko. Tyaka makalat daw ako. Tapos ang pinadala nya naman dito. Dalaga nga. Manyak naman??"pagkukwento ko
"May Daddy ka pala??"tanong nya
"Oo naman."sabi ko nalang
"Eh yung mommy mo??"tanong nya
"Actually. Meron akong step mom. Pero yung real kong mommy patay na. Namatay daw sa car accident nung 5 years old ako. At kasama ako nun ni mommy nung nabangga kami. Ako sugatan, pero sya halos mawalan ng dugo dahil sa dami ng malalalim na sugat nya."pagkukwento ko
"Meron ka bang kapatid??"tanong nya
"Meron naman. Meron akong kapatid na babaeng sumunod sakin. Masmatanda lang ako ng two years sa kanya. Tapos meron akong stepbrother na mastanda ako ng two months sa kanya."kwento ko
"Ah. Ang lungkot pala nang buhay mo??"sabi nya
"Ikaw naman kwento ka ng buhay mo??"tanong ko sa kanya
"Kung malungkot kana sa buhay mo. Mas malungkot yung akin. Kasi. I have a twin sister. Hindi pantay ang pagtingin sakin ng magulang namin. Kasi tuwing may mga party lagi akong nakakulong sa kwarto ko. Ikinahihiya ako ng mga magulang ko. Dahil panget ako. Ang hirap lang kasing mabuhay sa mundong ang lahat ng nakapaligid sayo ay magaganda't gwapo. Mga kamag-anak mo, mga magulang mo, mga kaibigan mo, at marami pang iba." pagkukwento nya
"Maganda ka naman ah??"sabi ko para naman kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam nya. Kasi kitang-kita na sa mga mata nya na nagiging emotional na sya.
"Oo maganda nga. Maganda yung pagkapanget ko."sabi nya
"Wala namang panget sa mundo. Nasa nagdadala lang yan."sabi ko
"Oo nalang."sabi nya
"Kumain ka nalang baka umiyak kapa dyan ng wala sa oras."sabi ko. Kasi tapos na yung linuluto ko. Pakbet.
"Tingnan nga natin kung masarap kang magluto??"sabi nya. Tapos tinikman nya yung niluto ko.
"So, what's up?? Masarap ba??"tanong ko
Tumingin sya sakin ng eye to eye. Nakikita ko sa mga mata nya na disappointed sya sa niluto ko.
"Hindi sya masarap."sabi nya sabay turo dun sa pakbet.
Ouch. Ang sakit nun??
"Hindi sya masarap kasi sobrang sarap!?!!!"sabi nya. At nakangiti pa. Parang may nagbago sa ngiti nya?? Parang gumanda
"May braces ka na??"tanung ko
"Oo eh. Pinilit lang ako no choice eh" sabi nya
"Nice, bagay sayo. Gumanda ngiti mo eh." sabi ko sabay kindat *wink*
Tuwa naman sya kaya ngumiti sya ng malaki.
"Ah Jeje. May tanong ako sayo?? Nagkita na ba tayo??" tanong nya
"Baliw ka ba. Ano sa tingin mo, hindi pa tayo nagkikita?? Ah grabe ka. Bulag ka na nun pag hindi mo ako nakita. Sayang hindi mo makikita ang napakagwapo kong mukha."sarkastikong sabi ko
"Tanga?? I mean dati. Kung nagkita na tayo dati??"sabi nya
"Bat may kasamang tanga??" sabi ko
"Sorry naman, ikaw kasi eh. Kung anu-ano pinagsasabi mo." paghingi nya ng tawad.
"Okay.---- Nagkita na tayo. Kaso baka hindi nyo lang ako naaalala." sabi ko
"Eeehh, hindi ko matandaan kung saan kita nakita??" pagkagulat nya
"Sa resort ng tita mo. Ako yung nagsabi kay tita Marfa na nasa bahay namin si Nathalie."sabi ko
"Panutsya naman oh?? Sabi na parang pamilyar yung mukha mo. Ikaw yung gusgusing bata!! Hahahahaha. Tadhana nga naman??"sabi nya nang may pagkamangha.
"Ouch?? Ang hiya ko naman sayo na mukha pulubi dati."sabi ko
"Mas aray ha. Salamat sa compliment. Nagsabi ka rin ng totoo."sabi nya
"Totoong ano??"tanong ko
"Na panget ako."sabi nya
Hay nako?? Ayan na naman sya. Bahala na nga sya..
"Tama na nga yan. Gusto mo bang ituloy ko yung kwento ko oh hindi??" sabi ko
"Geh ituloy mo na."
Nagbuntong hininga ako bago ituloy.
"Umalis kayo. Isang linggo pagkatapos nun. May pumuntang lalaki sa bahay namin. Hindi ko sya kilala kasi pinalabas ako ni lola at pinapunta kay na tita Marfa. Tatlong taon pagkatapos nun. Namatay si lola sa heart attack. Tapos yung lalaking pumunta sa amin nun. Ay nagpakilalang ama ko. Sabi ni Tita Marfa na sumama nalang daw ako sa kanya kasi mabibigyan nya ako ng magandang buhay. At ayun sumama nga ako. Sinabi nya sakin lahat. Nung namatay yung Mama ko. Para akong nakacoma pero gising. Hindi ko maalala kahit ano. Hindi nila ako makausap kasi tulala ako. Tapos isang gabi nalang daw. Bigla akong nawala. Nawala ako kasama ng katulong namin. At yun ay si lola. Ang sakit tanggapin na ang itinuring kong totoong lola ay kinidnap ako at inilayo sa mga totoo kong Ama. Sobrang hirap lang talagang tanggapin." emosyonal kong sabi.
Tumayo sya sa kinauupuan nya at pumunta sakin. Niyakap nya ako.
"Wag ka nang umiyak dyan. Malay mo naman may reason kung bakit nya nagawa yun. Pero ito ang tandaan mo. Hindi sukatan ang pagiging magkadugo sa pagiging isang pamilya." pahugot nyang sabi.
"Tama na nga tong ka dramahan na to. Baka mabakla ako. Sayang naman yung gwapo ko kung magiging maganda diba??" pagmamayabang kong sabi
"Alam mo. Ang lakas ng hangin dito. Bakit kaya?? Malakas ba ang aircon mo. O mahangin lang yang utak mo??" sarkastikong sabi nya.
Katahimikan lang ang nangibabaw. Pero bigla akong natawa. At tumawa rin naman sya. Baliw talaga to??
BINABASA MO ANG
My Ugly Twin Sister
Novela JuvenilKambal. Ano ba ang dapat pagkakakilala nang lahat sa kambal? Magkatulad sa mga ginagawa? Magkakampi sa mga gagawin? Laging nagtutulungan kapag may problema? Sanggang dikit kapag hinaharap ang mga pagsubok? Pero hindi lahat ganun. Kadalasan nawawasak...