CHAPTER 23: Back to Class

35 1 0
                                        

Janine's P.O.V.

Maaga akong nagising ngayon dahil may pasok na kami. Hay!? Ang sarap talagang magbakasyon.

Humarap ako sa whole body size mirror para tingnan ang kabuan ng aking katawan.

Napansin kong namuti ang aking kutis. Natanggal din ang aking tagihawat sa mukha. Nagkaroon din ako ng braces. Lalo pa akong tumangkad kaysa dati. Yung dating dry at buhaghag kong buhok ay ngayon naging madulas at malambot. Natuto na rin akong magsuklay, maglagay ng konting pangpaganda. At napansin ko ding naging conservative na ako sa sarili ko. Ang dami talagang nagbago sa akin. At dahil iyon kay Ali at sa mga kaibigan nya.... Pero syempre hindi ako papasok ng wala ang salamin ko. Masfeel ko kapag nakasalamin ako.

"Lady Janine! Pinababa na po kayo ni Madam!" sabi sa akin ng isang sa mga katulong namin.

"I'm coming! Thank you!" pagpapasalamat ko.

Kinuha ko na ang bag ko at lumabas na ng kwarto. At oras na para kumain.

"Good morning!" masayang bati ko sa kanila. Andito na silang lahat ako nalang pala ang iniintay.

"Good morning." bati nila sa akin. Umupo na ako at nagsimula na akong kumain.

"Nga pala! Gagabihin po ako kasi nagyaya po si Mikey na lumabas nagpapasama po syang maggala." pagpapaalam ko sa kanila.

"That's good baby, right hon?" mukha naman natuwa si Mom. Ano namang nakakatuwa dun. Nagyaya lang naman syang lumabas.

"That's right hon. I hope they will enjoy the day." natuwa din si Dad.

"Lumalove life ka na? Aba ayos tong kapatid ko ah!?" gunulo ni Ethan yung buhok ko kasi katabi ko lang sya. Nagpout lang ako ng lips dahil nainis ako sa ginawa nya. Anong lumalove life? Hindi ko muna yun inisip.

"Ese nemen!" sabi nya lang at ngumiti. Ano nakamove on na? Sakit nun ha?

Tumayo naman si Nathalie kaya naman napatingin kami sa kanya.

"I'm done." walang emosyon nyang sabi at umalis na.

"Anong meron dun?" takang tanong ko.

"Baka meron ngayon." pagbibigay ni Ethan ng konklusyon. Siguro nya? Ipinagpatuloy na namin ang pagkain.

"Sasabay ka ba?" tanong sa akin ni Ethan. Nandito kami sa garahe.

"Sure!" sagot ko at pumasok na sa loob ng sasakyan. Susunduin naman ako mamaya ni Mikey kaya hindi ko na kailangan magdala ng sasakyan.

Pinaandar nya na ang sasakyan at minaneho na.

"Ethan. Nakamove on ka na ba?" tanong ko sa kanya.

"Konti... Kasi natutunan ko nang tanggapin na magkapatid tayo at kahit kailan walang pag-asang maging tayo. Bakit ikaw hindi pa?" Nagmomove on na nga sya, kaya dapat ako din.

"Ako? Hindi ko alam? Kasi nung malaman ko na magkapatid tayo nakaramdam ako ng sakit dito ( tinuro ko yung puso ko ). Tapos habang tumatagal wala na akong nararamdamang sakit." nakamove on na ba ang ibig-sabihin nun?

"We're here." I know. Ramdam kong tumigil na ang sasakyan. Bumaba na ako at ganun din sya.

Sabay na kaming pumasok ng school. Ang I can feel some people are watching us. Nyah, I don't care.

Pumasok na ako sa classroom ko at dumiretsyo sa upuan ko. Nakita ko naman ang napakagwapong nilalang na nakasalpak ang kanyang earphone sa kanyang tenga. Ang napakatangos nyang ilong, mapupungay nyang mga mata, pinkish na mga labi, at ang matipuno nyang katawan. No wonder kung bakit sya pinagkakaguluhan ng mga babae at binabae.

My Ugly Twin SisterMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon