Jerome's P.O.V.May laban kami ngayon nang basketball sa village nila Janine. Napapadalas to kasi nabobored ako at syempre para makita narin rin si Nathalie. Nyahahahhaha.
"Uy bro. Ano tara na?? Game na??" tawag sakin nang isa sa mga kabarkada ko. Si Joshua, dito sya nakatira sa village kaya dito namin napagdesisyonang maggame. Ang mga kalaban namin dayo galing sa ibang village. Tsk. Mukha namang mga bulok. Mayayabang hindi naman gwapo.
5 on 5 ang laban. Nakataya dito ang mga kotse namin. Syempre RK eh. Hehehe. Kaya kailangan naming manalo. Umarkila din kami nang referees para mukhang totoo. Para walang dugaan. Nyahahahahaha.
"Prrrrrrrfffffffffttttt" pito nang ref kaya nagsimula na kami.
Sa first at second quarter kami ang lamang. 58-39 ang score. Pero sa third quarter nagsimula nasilang mandaya. Mga mandurugas!!! Sinisiko nila kami nang patago nang hindi nakikita nang refs. Bwisit!?!?! Sila na ang nakalamang, 72-65 ang score. Malas pa at 6 mins nalang ang time at nabalian ang isa naming kagrupo dahil sa kadugaan nila. Bwisit talaga!?!?! 4 on 5 ang laban. Mukhang mapapasabak kami dito ah. Laban na kung laban. Timeout muna kami dahil nga sa nabaliang kakampi namin.
"Ayos kalang ba bro??" tanong ni Cally kay Isaac.
"Okay lang bro. Malayo to sa bituka." sagot nito.
"G*go kasing mga madadaya yun. Sarap suntukin." singit ni Joshua.
"Chill lang mga bro. Walang magagawa ang galit. Kailangan nating mag-isip nang plano kung pano matatalo ang mga yan. At kailangan natin nang kapalit nya." tya. Ang daming sinabi ni Francis. Pero may punto sya.
Pero sino??
"What's happening here??" salita nang isang pamilyar na boses.
"Boss!?!!" sigaw nang apat. Boss?? Sino?? Tumingin ako sa tinitingnan nang apat at laking gulat ko nang makita si.....
"Janine??" tanging salita na lumabas sa bibig ko nang makita ko sya. Boss?? Bakit?? Paano??
"Bro wag mong kausapin nang ganyan si Boss. Siguradong malilintikan ka." bulong sakin ni Francis.
"Bakit?? Kilala ko naman sya ah??" medyo na palakas na sabi ko.
"Boss. We need help. Nakataya dito ang mga kotse namin. Please boss???" pagmamakaawa ni Cally kay Janine. Ano ba talagang meron??
"Pinasok nyo ang gulo. Bat hindi nyo tapusin??" salita nya.
Napansin ko naman ang bola na gumulong sa mga paa nya at tiningnan kung sino ang nagpagulong nito.
Art arf
Malakas na tahol ang narinig nang lahat sa buong court. At ang nakakatakot galing ito sa isang napakalaking cyberian husky.
Kinuha ni Janine ang bola at nagshoot sa kinatatayuan nya.
At shoot!!!! How she can do that?? Ang layo nang posisyon nya sa ring pero nagshoot yun?? At ang ipinagtataka ko nasa labas kami nang court at two meters ang layo sa half court na pinagshootan nya.
"Huy pre?? Wag kang ngumanga dyan. Yan na yung langaw papasok na sa bibig mo." pang-aasar na sabi sakin ni Francis.
This girl!?! How??... How??...
Lumapit si Janine kay Isaac at lumuhod sa harap nito at hinawakan ang may baling paa nito.
"Aray Boss masakit!?!?" sigaw nito.
"Wag kangang babakla-bakla dyan. Mabilis lang to!?! Tiisin mo nalang ang sakit." sabi ni Janine pinagpipisil ang pressure points nang paa ni Isaac. Ito namang si Isaac ay mangiyak-ngiyak na sakit. Whahahahaha!! Ang sarap nyang picturan tapos ipopost sa facebook. Nyahahahaha.
BINABASA MO ANG
My Ugly Twin Sister
Teen FictionKambal. Ano ba ang dapat pagkakakilala nang lahat sa kambal? Magkatulad sa mga ginagawa? Magkakampi sa mga gagawin? Laging nagtutulungan kapag may problema? Sanggang dikit kapag hinaharap ang mga pagsubok? Pero hindi lahat ganun. Kadalasan nawawasak...