A/N: Hi po sa inyo. Magpaplug lang po ako. My third story, PLANET BRX104. Inspired po yung title nito sa ex-crush ko. Paalala: Wag nyo po syang isearch baka magcrush lang po kayo, kung babae kayo...
About PLANET BRX104:
-Naniniwala ka ba sa Alien? Ano nga ba ang mga posible nilang itsura? May mga katulad pa kaya nating itsura sa galaxy? Mas higit ba sila satin o mas angat tayo sa kanila? Shanaia Lorde is her name. Ang prinsesa ng mundo nila at unang royalty na nakapag-travel sa galaxy.So I hope you read it too. Thank you so much..
☆☆☆
Janine's P.O.V.Naglalakad ako sa hallway ng school. At napapasin kong kakaiba ang tingin sa akin ng mga tao. Para bang nandidiri sila sakin. Aano na namang problema sakin?? Bakit?? Bakit??? Bakit???
"Malandi pala sya ano? Gumanda lang lumandi na!"
"Oo nga akala ko pa naman santa yun pala demonyita."
"Magkaibang-magkaiba ang ugali nila ni Nathalie. Si Nathalie anghel sya naman napademonyo."
"Tama ka dyan girl? Isa syang MALANDING BABAE! Inagaw nya yung boyfriend ni Nathalie."
"Mikey ang pangalan nun di ba?"
Si Mikey? Boyfriend ni Ali? Kelan pa?
*kring*
Sakto!
"Hello Mikey?"
"Ahm. Janine hehe napatawag lang ako kasi gusto kong marinig ang boses mo bago ako umalis."
"Ngayon kana aalis??"
"Oo eh. Pero hayaan mo bibilisan ko ang pag-ayos ko sa mga papeles ko para sayo."
"Ah Mikey can I ask something?"
"Yah. What is it?"
"Naging kayo ba ni Nathalie?"
"Naging kami? Hindi. Bakit mo naman naitanong?"
"Ahaha. Wala. Wala naman....... Sige na mag-iistart na kasi yung klase namin. Ingat sa byahe mo."
"I will. And you take care. Pagbalik ko may regalo ako sa'yo. Bye?"
"Bye?"
Pinatay ko na ang tawag at nagpatuloy sa paglalakad. Pero napatigil na naman ako dahil binuhusan ako ng kulay green. Ano na namang ginawa ko??!!!
Tumingin ako sa likod ko dahil doon nanggaling yung pintura.
"Nice one, Jessa!" nakipag-apir si Allyza sa dun sa Jessa na nagbuhos sakin ng pintura.
"Small thing?!" masaya pa syang sumagot.
"Ano bang problema nyo?" tanong ko sa kanila.
"Wala kaming problema. Baka ikaw mayroon." Aba!? Ilayo-layo nyo sakin to. Baka maano ko 'to?
"Dapat lang sa'yo yan kasi malandi ka!?" sabi ni Allyza yung kabarkada ni Ali. Ows talaga?
"Bakit hindi mo muna alamin ang totoong kwento bago ka manghusga?" makahulugang sabi ko.
"Alam ko ang buong kwento. Isa kang NAPAKALANDING BABAE! GUMANDA KA LANG NATUTUTO KA NANG LUMANDI!!!?" nagpantig yung tenga ko dahil sa narinig mula kay Allyza. Pagkatapos nyang sabihin yun ay tinulak nya ako at nakaupo naman ako sa sahig. Ouch!? My ass hurt!?
Sisipain sana ako ni Jessa may humarang na apat lalaki sa harap ko.
"What's happening here?!" ramdam ko ang pagkainis ni Joshua sa kanyang mga sinabi.
BINABASA MO ANG
My Ugly Twin Sister
Fiksi RemajaKambal. Ano ba ang dapat pagkakakilala nang lahat sa kambal? Magkatulad sa mga ginagawa? Magkakampi sa mga gagawin? Laging nagtutulungan kapag may problema? Sanggang dikit kapag hinaharap ang mga pagsubok? Pero hindi lahat ganun. Kadalasan nawawasak...