Jerome's P.O.V.
Kakagising ko lang. Natulog ako sa garden dahil wala namang klase. Nagugutom na ako kaya tinatahak ako pasilyo papuntang canteen. Syempre kakain. Alas dos na ng hapon at hindi pa ako naglalunch. Kung pwede lang umuwi nakauwi na ako.
Alam nyo may napansin ako. Kakaiba eh. Parang walang mga babaeng tumititig sa kagwapuhan ko. Nasaan kaya ang mga tao? Tsk. Bakit ko ba sila hinahanap?
"JEROME!!" tawag ng isang babae sa aking likuran sa wakas may nakapansin din sa kagwapuhan ko...
Lumingon naman ako sa magandang babaeng tumatakbo. Naks naman para namang gustong magpadawn solueta.
"Jerome!!" tawag nya ulit sakin.
"Bakit ba Catherine? What do you need?" tanong ko.
"Si....... Janine....... nasa...... panga...... nib...... Tulungan...... natin....... sya." pinilit nyang magsalita kahit hingal na hingal nya.
"What!!? Where is she?!!?" gulat kong tanong.
"Nasa likod *sniff* ng school. Bunugbog *sniff* nila si *sniff* Janine." umiiyak na sya.
Tumakbo na ako papunta sa sinasabi nyang lugar. Napakarami ngang tao. Parang may gulo. Walang ang teacher at si Dean ngayon kasama ang ilang mga lalaki dahil sila ang magtatrabaho sa Ball.
"Tabi!!" sigaw ko sa mga nasa harapan ko at nang makapunta na ako sa gitna ay nanlumo ako sa nakita.
Nakita ko si Janine na nakaupo at nakagapos ang kanyang mga kamay sa kanyang likuran puro pasa ang katawan, pumutok ang labi, may black eye sa kaliwang mata, ang buhok nitong magulo at dumudugo nitong noo. Nakakapanlumo talaga ang sinapit ni Janine kung titingnan.
Nakita ko namang ibinigay ni Charice ang baseball bat kay Nathalie. Nang akmang hahampasin na ni Nathalie si Janine sa ulo ay tumakbo na ako para pigilan ang hampas na iyon. Tumama lang ang baseball bat sa kaliwang braso ko dahil sinangga ko iyon.
"Umalis ka dyan!!" sigaw sa akin ni Nathalie.
"Ano bang ginagawa mo at balak mong patayin ang kakambal mo?" seryoso kong tanong.
"Inagaw lang naman ni Janine ang boyfriend ni Nathalie kaya gusto lang nitong mabawi si Mikey." nagulat ako sa sinabi ni Sky.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!!" tawa ko dahil sa narinig?
"Saan naman nang galing ang kwentong yan?" natatawa parin ako.
"Kay Nathalie." sagot ni Charice sa tanong ko.
Bigla namang bumalik sa pagkaseryoso ang mukha ko. At tumingin ng masama kay Nathalie.
"Jerome! Please don't!" tumingin naman ako sa babaeng sumigaw.
"At bakit naman hindi Janine!? Kung makikita mo lang ang kalagayan mo maaawa ka sa sarili mo!" sabi ko sa kanya at umupo hanggang sa maging pantay na kami.
"Just don't.... Wag mong sasabihin sa kanila ang totoo.... Ayokong masaktan ang kapatid ko.... dahil lang sakin..... Kaya.... wag mong sasabihin...." sa sobrang hina nv boses nya ay ako lang ang nakarinig.
"Tsk. For pete's sake Janine! Stop being caring for your twin for now! Just for now Janine!! Care for you self!! Care for your life!!! Magpapakasal pa kayo ni Mikey." binulong ko yung huli at napatingin naman sya sakin at ngumiti.
"Masaya na ako kung masaya ang kakambal ko." F*ck that words can cause of her death!!!! Kung gaano ko kamahal si Nathalie noon ay napalitan ito ng galit!!
Tumayo ako at tiningnan ang mga taong nanonood.
"KAYO!? MASAYA BA KAYO SA PINAPANOOD NYO?!!? MASAYA BANG PANOORIN NA MAY TAONG NASASAKTAN KAHIT WALA NAMAN SYANG GINAWANG MASAMA??!! TELL ME!! NANINIWALA BA KAYO SA BABAENG TO NA SINUNGALING!!!?*tinuro ko si Nathalie* ANO??! GUSTO NYONG MALAMAN ANG TOTOO!!?" sigaw ko sa mga taong nanonood. Gulat na gulat ang mga reaksyon nila dahil sa narinig mula sakin. Yung part na sinabi kong sinungaling yung taong nagpakalat ng balita. So pathetic.
BINABASA MO ANG
My Ugly Twin Sister
Ficção AdolescenteKambal. Ano ba ang dapat pagkakakilala nang lahat sa kambal? Magkatulad sa mga ginagawa? Magkakampi sa mga gagawin? Laging nagtutulungan kapag may problema? Sanggang dikit kapag hinaharap ang mga pagsubok? Pero hindi lahat ganun. Kadalasan nawawasak...