Mikey's P.O.V.
Grabe pagod na ako. Wala pa akong tulog dahil sa pag-aayos sa bahay. Wala manlang akong makatulong dito dahil hindi naman dito titira si Jerome dahil may sarili syang bahay. Tyaka may pasok sya ngayon. Malay ko bang wala pa pala tong gamit kaya bumili pa ako. Hhaayy!!?? Ito namang si Bea. Nakatulog bago kami makarating dito.
It' already 4:03 am nang matapos kong ayusin ang kwarto ni Bea. Oo kwarto palang nya ang naaayos ko. Wala kasi yung mga bodyguards pinauwe ko na sila sa mga pamilya nila kaya eto ako ngayon mag-isang nag aayos.
Lumabas ako nang bahay para kargahin si Beatrice papasok sa bahay. Ililipat ko sya sa kwarto nya.
Bubuksan ko na sana ang pinto nang backseat. Nang may narinig akong bumukas na gate sa kapitbahay namin at may lumabas na dalwang tao. Hindi ko sila maaninag kasi masyado pang madilim. Sinara nung isa yung gate at tumakbo na sila.
Magnanakaw?? Kaylangan kong tumawag sa guard dito sa village dahil sa pangyayari.
Kring kring kring kring
Ring nang telepono sa kabilang linya.
"Hello??" sagot nang nasa kabilang linya.
"Hello. Kami ho yung bagong lipat. Irereport ko lang po na may nangyari pong nakawan sa kapitbahay namin nakita ko po yung magnanakaw na tumakbo sa papuntang park nang village." pagsasaad ko
"O sige ho. Intayin nyo lang po kami dyan." sagot nang nasa kabilang linya.
Inend ko na ang tawag. At nagsimulang mag-intay.
Ilang minuto pa'y dumating na sila. Apat silang security guards.
"Sir. Sino po ba ang ninakawan." tanong sakin nang isang security guard
"Yun po." tinuro ko ang malaking bahay na nasa tabi nang bahay namin.
Tiningan nila ito at nagulat. "Nako patay?? Kay na Mr. Villapara. Siguradong matatangal tayo sa trabaho." sabi nung isa na nakaangkas sa nung unang nagsalita.
Bunaling ulit ang tingin nila sakin at nagtanong.
"Sir, saan nyo pong direksyon nyo nakitang tumakbo ang mga magnanakaw??" tanong sakin ang isa pang guard.
Tinuro ko yung direksyon kung saan patungo ang mga magnanakaw.
"Sige ho. Mauna na ho kami huhulihin na naminang mga magnanakaw." pinaandar na nila ang mga motor nila at umalis na.
Sana nga mahuli na nila kasi ayokong tumira sa village na may magnanakaw.
Janine's P.O.V.
Hhhaayy!?!?! Inaantok pa ako eh. Ito kasing si Nathalie. Pilit ng pilit na magjogging.
Nandito kami ngayon sa labas at nagjojogging. Ang lamig-lamig nga malapit na kasi December. Malapit na naman ang pasko.
Kahit balot ako nang itim na leather jackey at itim na jogging pants. Tumatagos parin ang lamig. Eto namang si Alie parang hindi nilalamig at patuloy parin sa pagjojogging. Naparami daw ang kain namin kahapon kaya kailangan daw magburn ng fats. Hay sad life.
Napalingon kami sa likod namin nang may dalwang motor ang patungo sa direksyon namin.
Tumigil kami sa pakjojogging at tumigil din sila sa harap namin.
"Magandang umaga po mga Mam. May nakita po ba kayong mga magnanakaw na tumakbo sa bahaging ito??" tanong sa amin ng guard. Oo mga guard nga ang mga ito. At magnanakaw?? Paanong may nakapasok na magnanakaw dito??
BINABASA MO ANG
My Ugly Twin Sister
Ficção AdolescenteKambal. Ano ba ang dapat pagkakakilala nang lahat sa kambal? Magkatulad sa mga ginagawa? Magkakampi sa mga gagawin? Laging nagtutulungan kapag may problema? Sanggang dikit kapag hinaharap ang mga pagsubok? Pero hindi lahat ganun. Kadalasan nawawasak...
