Sorry for this late na late update. I hope you like it kahit alam kong lame... pero enjoy😆😆
●○◎※◎○●
Pluto's P.O.V.
Nagawa na namin lahat ng gusto nyang gawin. Nanood ng sine, kumain ng ice cream naglaro sa arcade. Sa dami naming nakuhang ticket naipagpalit na namin sa life size teddy bear.
Ngayon nandito kami sa Ferris wheel at pinapanood ang fireworks.
"Alam mo ba hindi ko pa nararanasan ito." mag-oopen up ba sya?
"Noong bata palang ako lumaki
ako sa itinuring kong lola na dati palang katulong ng tunay kong ama't ina. Noong una akala ko masama ang lola ko pero nalaman ko ang totoo. Nasa panganib ang buhay ko dahil sa dating asawa ng ama ko, gusto nya akong ipapatay dahil ako ang nag-iisang tagapagmana. Nagiging magkapatid kami ni Mikey kasi nag-asawa ulit ang ama ko at iniwan ang huli nyang kinasama. At hindi lang yun, habang buhay pa ang totoo kong ina ay nagkaanak pala sa iba ang ama ko, at Beatrice pala ang isa ko pang kapatid. Akala ko tunay ko syang kapatid sa mga magulang ko." nakainom ba sya? Para syang lasing kung umasta.
"Babaero pala yung tatay mo."
"Hindi naman. Ang totoo ang mga babae ang naghahabol sa kanya dahil sa angking kagwapuhan nya."
"O? Anong nangyari sayo?" gusto kong tumawa dahil sa naging reaksyon nya.
"Ito talaga o. Ganda ng moment babanatan mo ako ng ganyan? Hmp." tumingin nalang sya sa labas.
"Ikaw ano bang kwento mo?" tumingin sya sa mga mata ko.
"Wala." nakakatamad magkwento.
"Sige na. Ang sabi nga nila 'it's better to tell your problems or secrets to a stranger. They will keep it 'cause they didn't know who you are'." gumamit pa nang philosophy.
"All people are judgemental." pakikipagtalo ko sa kanya.
"Yes, people are judgemental. But not all us are telltale." nakahanap pa nang palusot.
"Past is past, and never been discuss. I don't like reminiscing my yesterdays, whether it has a happy moment with my parents. At last, it gives me heartache." nahahawa na ako sa kradamahan nya. Baka mamaya kusa na akong magkwento.
"You know my future son, para lang yang pagkain ng lemon. Kahit alam mo na maasim, kakainin po parin. That's what we called life... You know to yourself that it's hard, but at least you try for experience."
"But I don't eat lemon. I prefer to toil it into lemonade." napasapo nalang sya ulo nya dahil sa sinabi ko.
"You know what? This conversation will go through nothing." tumayo na sya kaya ibig-sabihin lang nun bababa na kami sa Ferris wheel.
"Iuuwi na kita." naikling sabi nito.
Naging tahimik lang ang byahe namin pauwi. Para tuloy akong naninibago sa kanya.
Pinark nya lang sa labas nang bahay ang kotse nya at bumaba. Bumaba na din ako. Mukhang walang balak pumasok, eh.
Nakita ko namang nakaupo sya sa bumper ng kotse.
"Ano pa ba ang kulang?" ano ba ang sinabi nya?
"Bakit hindi ko magawang makuha ang loob ng iba?" baliw na sya. Ang simple lang ng sagot sa tanong nya. Wakwakin nya yung tyan ng ibang tao tapos kunin nya yung lamang loob, o di ba? Nakuha nya na agad yung loob ng iba. Psssss...
"Ikaw, hindi ko magawang pagkatiwalaan mo ako. Paano ko pa kaya sya mapapaoo sa akin?" tanungin mo mo sya kung babae ba sya, sigurado sasagot yun ng oo.
"Alam mo huwag kang madrama. Hindi bagay sayo. Alam mo, kung gusto mo talagang makuha ang tiwala ng iba ipakilala mo ang sarili mo sa pormal na paraan. Tapos gawin mo ang mga gusto nya. Yung ang pinakamadaling paraan para makuha mo ang tiwala ng isang tao. Pero kung hindi naging effective, huwag kang mawalan ng pag-asa kasi mahirap naman talaga ang makuha ang tiwala ng isang tao. Lalo na sa panahon ngayon. There are so many people who been betrayed by their friends, family, and love once." yan yata ang pinakamakabang nasabi ko.
"Ang haba nang sinabi mo, ah? Buti hindi ka hiningal." ah pilosopo. Natututo ka na.
"Hmp. Wala kang kwenta ka usap." tinalikuran ko na sya.
"Ikaw din naman." huli nyang sambit.
Tama nga ang sinabi ni Mommy, parehas nga ang pag-uugali namin.
Pumasok na ako sa loob ng bahay at naabutan ko ang lahat na nagkakagulo.
"What's happening here?" I asked.
"Nandyan kana pala. Nasa ospital si Janine kailangan pumunta dun." w-what?
"Bakit daw po?" pati ako natataranta na.
"Hindi ko alam. Tara na pumunta na tayo!" hinila na nya ako papalabas pero napabitaw ako ng mapansin na nasa labas parin ang sasakyan ni Jerome.
"Kay kuya Jerome nalang po ako sasabay." tumango lang si Lola Lara at sumakay na sila sa kotse nila.
Tumakbo naman ako papunta sa kotse ni Jerome.
"Oh bakit lumabas ka pa?" tanong nito.
"Hindi na mahalaga yun. Isinugod si Mommy sa ospital." sumakay na ako sa loob nang kotse nya.
Alam kong natigilan sya sa sinabi ko pero sumakay na din sya.
"Saang ospital?" ngayon ako naman ang natigilan.
"A... ewan?" napasapo naman sya sa noo nya.
"Hay nako, bata ka."
"Sundan nalang natin sina lola." sabi ko ng tinuturo ang palabas nilang sasakyan.
Pinaandar na nya ang kotse. At sinundan sina lola.
At ******** Hospital 11:48 pm
"Dok kamusta na po ang anak ko?" napatayo kaming lahat ng lumabas na ang doctor mula sa operating room.
"Ah Mam. Maayos na po ang kalagayan ni Ms. Buena. Hindi naman po naging malalim ang ginawang sugat ng balang tumama sa kanya. Sa ngayon po ililipat na po sya sa kwarto nya para makapagpahinga. O paano po mauna na po ako." hay salamat...
"Salamat po Dok." nakahinga narin nang maluwag ang lahat. Ngayon ay iniintay nalang namin ang paglabas ni Mommy sa loob ng operating room.
"Sir. Maraming medya sa labas nang ospital. Sa tingin ko po kailangan nyo silang kausapin." napatingin naman kami kay Ate Meteor na kakarating lang.
"Ah nako hindi. Hindi ko maaaring gawin yan. Hindi ako alam kung ano ang totoong kwento kung bakit nasa ospital ang anak ko. Masmabuting ikaw nalang ang magsabi sa kanila." tinap ni Lolo ang balikat ni Ate at tinalikuran ito. Sumunod naman ang iba papunta sa kwarto ni Mommy at tatlo nalang kami naiwan dito.
"Ano ba talagang nangyari?" tanong ni Jerome.
"Malalaman mo rin. Pero hindi lang ngayon." napa-tsk nalang sya.
Lumuhod naman si Ate Meteor para pantayan ako.
"Tapos na ang paghahanap mo. Ipinaghiganti ka na ni Mommy Janine mo. Wala na ang pumatay sa mga magulang mo." mapait syang ngumiti.
"Pero kapalit nun ay ang buhay ni Ate Earth mo. Sumabog ang bahay na pinuntahan nya. Hindi pa mahanap ang katawan nya." nagsimula nang tumulo ang luha ni Ate Meteor. Niyakap ko sya at nagsimula narin tumulo ang mga luha ko.
Si Ate Earth ay naging isa sa mga malalapit sa akin. Lagi nya akong pinagtitimpla ng gatas bago matulog. Pinagbebake nya ako ng muffins tuwing friday. Isinasama nya ako mamili ng mga groceries. At tyaka sya ang nagtuturo sa akin kung paano paamuhin ang mga mababangis nyang alaga.
Ate Earth mamimiss kita. Huhuhuhuh. (ToT)
Good bye ate Earth...
BINABASA MO ANG
My Ugly Twin Sister
Roman pour AdolescentsKambal. Ano ba ang dapat pagkakakilala nang lahat sa kambal? Magkatulad sa mga ginagawa? Magkakampi sa mga gagawin? Laging nagtutulungan kapag may problema? Sanggang dikit kapag hinaharap ang mga pagsubok? Pero hindi lahat ganun. Kadalasan nawawasak...
