Nathalie's P.O.V.Nasan ako? Bakit ang dilim naman dito? At bakit ang lamig? Nasa ref ba ako? Bbbrrruuuu... Anlemeg telege!
Mommy!!! Daddy!!! Janine!!! Ethan!!!! Hellloooo??? Is there anybody here??
Bakit parang wala namang lumalabas sa bibig ko pero pakiramdam ko navsasalita ako...
"Nathalie." Tawag sa akin ng isang liwanag na biglang lumitaw sa harap ko. Pilit kong inaaninag ang kamukha nya para malaman kung sino sya.
Sino ba to?
"Ako to ang Lola Benita mo." pagpapakilala nito.
L-lola?! L-lola Benita? Di ba patay na po kayo?
"Oo patay na ako. Matagal na apo."
Eh bakit ako nandito? Patay na din po ba ako?
"No you aren't, for now."
What??? What do you mean for now?
"Malay mo naman kasi pagtinour kita sa heaven e hindi mo na maisipang bumalik. You have you choice live or die."
Tour sa heaven? That's great and SWAG!!
"Okay come baby?" usad nito at inilahad ang kanyang kamay na parang aakayin ako.
Lumapit ako sa kanya at tinanggap ang kanyang kamay. Naglakad kami patungo sa liwanag na biglang lumitaw sa gitna ng dilim.
Ikatlong Tao
Habang naglalakbay sa ang kaluluwa ni Nathalie sa langit ay patuloy parin sa pag-aalala sa kanya ang kanyang pamilya.
Iyak na ng iyak ang lahat dahil sa bumababang heartbeat ni Nathalie.
Ang mga doctor at natataranta narin sa dahil sa nangyayari.
Naguguluhan sila dahil matagumpay naman ang operasyon pero bakit nagkocollapse ang katawan ni Nathalie.
"Nathalie gumising ka!!" sigaw ng Ina nya sa labas ng kwarto dahil hindi sila pinapapasok sa loob. Humahaguhol na sya sa iyak at hinahampas-hampas ang bintana kung saan sila nakapuwesto.
"Anak kaya mo yan!!!" sigaw naman ng kanyang Ama na nakatingin sa bintana at pinapanood ang ginagawa ng mga doctor. Nagsisimula naring tumulo ang mga luha nya dahil sa nakikita.
"Ali. Gumising ka!!!" sigaw naman ni Ethan na kayakap si Janine na humahagulgol sa pag-iyak. At bakas narin sa mukha nya ang kalungkutan at pighati, sunud-sunod na tumulo ang luha nya at lalong hinigpitan ang pagkayakap kay Janine.
"Ali. Please don't leave us. Please!!!!" sigaw naman ni Janine habang nakasubsob ang mukha nya sa mga bisig ni Ethan.
Puro iyakan na ang nagahanap sa kanila samantalang si Nathalie at sayang-saya at aliw na aliw sa pagtutour sa Heaven.
"La. Bakit nga pala po ako nandito?" tanong ni Nathalie sa kanyang Lola.
"Hindi mo ba naaalala? Nabaril ka diba?" pagbalik na tanong ng matandang babae sa kanyang apo.
"N-nabaril? A-ko? P-pano?" takang tanong ni Nathalie.
"Halika. Sumama ka sakin." sumama naman si Nathalie ng maglakad ito palayo.
Pumunta sila sa isang pond na may water falls. At may mga lumalangoy na isa sa tubig.
"Nasan po tayo?" tanong ng dalaga.
"Ito ang lugar kung saan pwede kang humiling na makita ang mga mangyayari, nangyayari o nangyari na sa lupa. Pero kailangan mong maglagay dyan ng isda para makuha ang gusto mo." pagpapaliwanag ng matanda.
BINABASA MO ANG
My Ugly Twin Sister
Novela JuvenilKambal. Ano ba ang dapat pagkakakilala nang lahat sa kambal? Magkatulad sa mga ginagawa? Magkakampi sa mga gagawin? Laging nagtutulungan kapag may problema? Sanggang dikit kapag hinaharap ang mga pagsubok? Pero hindi lahat ganun. Kadalasan nawawasak...