Kite side:
No choice na ko. Kailangan kong piliin ang mga batang kailangan ako.
Pumasok ako sa bahay ni tito. At dun naabutan ko siya . Siguro hindi niya inaasahan na dadating ako.
"T-tito...?? Tito sorry po. Sorry po kung nasabi ko kanina yung mga ganung salita. Sorry po talaga tito." Sabi ko kay tito.
"Alam kong may pinagsamahan din kayo ni kyle, renz pero ung mga bata..... buhay nila ang nakataya dito. Buhay nila renz. Alam na ba ni kyle?" Tanong ni tito kaya umiling ako. Wala akong balak sabihin.
"Mahirap nga yan. I hope na Maintindihan ka niya someday kapag nalaman na niya. " tumango lng ako sa sinabi ni tito.
"Kukuha kana ba ng gagamitin mo? Alam mo na nmn na diba?? Yung information nabasa mo na din yata dahil mukhang alam mo na ang gagawin mo." Sabi ni tito.
Kaya pumasok na ko sa kwarto ng mga bakal. Sa bahay ko kasi hindi ako naglalagay iba na . Pero may kwarto ako dun kung saan lahat ng target ko dun ko nilalagay, mga pictures nila tas kung ano ano lng ginagawa ko.
Hinahanda ko na lahat ng mapansin kong may nagtext . Galing kay kyle pang no. 7 daw kami. Tiningnan ko na ang orasan malamang nag start na yun.
May tinawagan muna ako para pakiusapan tapos balak na ko ng kwarto.
"Tito alis na po ako." Sabi ko kay tito tas lalabas nako ng magsalita siya
"Renz, pasensya na kung nasampal kita. As of now kailangan mo munang unahin ang mga bata kaysa ung kay kyle kung aabot ka pa humabol kana lng. Pasensya na renz pero kailangan lng ito. Susunod kami sayo pero kailangan wala ka na sa lugar na un. " sabi ni tito.
"Ayos lng po tito. Dapat pa nga po na magpasalamat ako sayo kase po nagising ako sa sinabi mo. Pasensya na po tito. Alis na po ako." Sabi ko kay tito
"Renz..... mag ingat ka. " tumango lng ako at ngumiti pagkatapos ay umalis na sa bahay.
Habang nagda-drive papunta sa subject (venue) ay patingin-tingin ako sa relo ko. At malamang sa oras na ito nagpe-perform na sila. Goodluck.!!
Nandito na ko ngaun. Kung titingnan mo ang tahimik at normal lng dito pero kung sisiyasatin mo mula dito sa kinatatayuan ko ay may nagaganap ng kababalaghan. I mean ung mga batang pinapasakay ng barko. At ipupunta ng ibang bansa un ang nasa information. Nang wala ng taong isasakay ay dun lng ako pumasok . Dahan dahan lng sapagkat maingay ang barko ito dahil gawa nga sa bakal.
Nang nasa loob na ko may narinig akong paparating kaya nagtago ako ulit. Ng makita ko siya ay dali dali ko siya sinunggaban at binalian ng leeg. Pagkatapos nun ay tinago ko ang katawan tas pumunta ako sa main switch ng mga ilaw sa barko. Actually sinira ko talaga siya para hindi na mabalik sa dati. At para madalian ako sa gagawin ko tutal nmn hindi pa umaalis ang barko.
Tulad ng ginawa ko sa isa ganun din ang ginawa ko sa ilan pang dumadaan kapag ito ay nag iisa lng. Sa.ngaun nakaisip ako.ng paraan para hindi na ko magtago pa kahit lantad ay hindi nila ako mapapansin.
Kinuha ko ang isang katawan kinuha ko ang damit nito at sinuot ko. Hindi nmn ako mahahalata dahil naka-cap nmn ako. Nakapusod namn ang buhok ko. Ng may makasalubong akong dalawa ay tinaasan ko sila ng kamay na para bang nangangamusta at pagkalampas namin sa isat isa ay hinagisan ko sila ng kutsilyo sa dibdib at pagkatapos ay tinabi ko ay bangkay."Sino yan!!!" Taas ang balahibo ko.ng marinig un. Nakakagulat din kasi.
"Sino ka ? Panu ka nakapasok dito.??" Sabi ng lalaki.
"Sino ako?? Sundo mo!!!!" Bahala na kung may makarinig kaya binaril ko na siya. Tss. Kailangan ko ng makaalis sa.lugar na un kundi wala na.
Papalabas na ko ng may nakita akong lalaki. Babarilin ko na sana siya kaso tinadyakan niya ung baril ko kaya nabitawan ko ito. Sinikmuraan niya ako. Pagkatapos ay binuhat tsaka hinagis. Tangina this!!! Ang sakit nun ah!! Shit dumudugo na ilong ko. Hindi pa nga ako nakakapatay ng marami eh.
Tumayo ako pero sinapa niya ako. Tangnamo!! Humanda ka sakin pagnakatayo ako. Pasimplehan lng ako. Ng makatayo na ako ay hinamon niya ako. Ganun?? Kaya tinutok ko agad ang baril tsaka pinaputok .
"Ulol!!! Isang bala ka lng!!! " tas dinuraan ko siya. Di niya napansin na nakuha ko.na ang baril ko.
Pumasok ako sa isang kwarto dun ko nakita ang mga bata. Kaya lumapit kaagad ako sa kanila pero may humila sakin at tinutukan ako.ng baril sa leeg. Tas hinigpitan niya ang paghawak.sa kamay ko na may hawak ng baril?? Tang ina corner pa ko.!!!!
BINABASA MO ANG
HOW TO GET THE HEART OF A HIRED KILLER
ActionLOVING A PERSON IS NOT A MISTAKE BUT LOVING A HIRED KILLER IS TOTALLY INSANE.