chapter 18: Wish

10 0 0
                                    

Kite side:

Kung magsisimula ng laro tatapusin dapat.

"Nood na kaya tayo??!!" Pangyayaya niya. Tumango lng ako.

Habang inaayos niya ang panonoorin namin napaisip ako. Bakit siya ganyan?? Bakit nandidito siya?? Bakit niya ito ginagawa?? Maybe he kinda like me at pansin ko un. Pero hindi pwede. Hindi pwede kasi HINDI PWEDE. Kasi ayokong may napapahamak. Ayokong may nasasaktan. Ayokong umiyak at ayokong MAIWAN....... na nmn.

"Okay na!!" Biglang sigaw niya.

Nag-start na ang pinapanood namin. Nakadapa kami pareho. Siya sa loob ng tent niya at ko sa loob ng tent ko. Dahil nasa labas ang TV ang mga paa namin ang nasa loob at ang mga ulo namin ang nasa labas. May chips din kaming kinakain. Nasa gitna namin pareho.

"Alam mo si catalea parang ikaw" napalingon nmn ako sa kanya at hinihintay ung paliwanag niya kung bakit. " kasi parehas kayong nawalan ng magulang, parehas kayong tiyo na lng ang meron kaso siya may lola pa ang pinagkaiba nyo lng ....... " lumingon nmn siya sakin " HINDI KA PUMAPATAY NG TAO" ung salitang un ang nagpamulat sa mata na sobrang kinagulat ko.

Pagtapos nun bumalik ulit ang atensyon ko sa pinanonood namin. Kuha lng ako ng kuha ng chips hanggang sa nagkadikit ang mga kamay namin dahil sa pagkakasabay naming kumuha nito. Parehas kaming napalingon sa isat isa. Ngumiti lng siya sakin.

-////////////////////////////////-

Mali. Maling mali toh.

"Ah......... kukuha muna ako ng maiinom" paalam niya kaya pumunta siya sa loob ng bahay.

Hindi dapat ako nakakaramdam ng ganto. Hindi pwede. Mapipigilan ko ito. Kaya ko tong pigilan. HINDI DAPAT AKO MAGMAHAL.

"Eto nahhh!......... anong nangyari sa pinapanood natin??" Tanong niya.

"Nag-brown out" sagot ko.

"Aisshhhh!!! Ano ba yan!" Asar na sagot niya.bumalik na ulit siya sa dati niyang higa pero sa ngayon nakabaliktad namn kami nakatingin lng kami sa langit.

"Kyle..." tawag ko sa pangalan niya

"Hmmmm" tanging sagot niya

"Bakit....?? Bkit mo ginagawa ito?? " pagsisimula ko ng tanong.

"Ewan ko. Basta may nag-udyok lng sakin na gawin toh. " sagot niya

"Sino??" Pagtatanong ko ulit

"Secret... tsaka napag isip isip ko kasi na bago man lng ako mawala sa mundo eh.. may napasaya ako." Dugtong niya

Parehas pa rin kaming nakatingin sa langit tas may biglang dumaan na shooting star

"Uy nakita mo un??" Tanong niya sakin

"Oo" sagot ko

"Wish tau dali. " pangyayaya niya.

"Meteor lng yan" pagdadahilan ko

"Sakay ka na lng" sabi niya at pumikit.

Kaya pumikit na rin ako. Sana......sana matapos na ung mga kalungkutan at kapighatian na nararamdaman ko . Sana maging maligaya na ko.

Pagkadilat ko feeling ko may nakatingin sakin kaya lumingo ako.

"B-Bakit??" Tanong ko.

"Anong wish mo??" Tanong niya. Binalik ko lng ulit ang tingin ko sa langit.

"Sana sumaya na ko." Sagot ko sa kanya. "Ikaw??" Ako nmn ang nagtanong .

"Ikaw anong wish mo?? Ay wait mukhang alam ko na. SANA MATUPAD WISH MO lagi namang ganyan abg wish ninyo eh. Nababasa ko yan maraming ganyan noh... " sabi ko.

"Hindi. Wish ko?? SANA HINDI NA TO MATAPOS." Sagot niya sakin tas napalingon lng ako sa kanya. Nakatitig lng siya sakin. Kaya binasag ko na ang katahimikan.

"Matutulog na ko GoodNight" sabi ko sa kanya tas nag ayos ng higa.

"GoodNight din sweetdreams." Sagot niya.

HOW TO GET THE HEART OF A HIRED KILLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon