chapter 27: Wala na

7 0 0
                                    

Kyle side:

Araw na ng contest ngaun. Nakapagpasa na ko ng mga kailangan pati ung sa kanya inasikaso ko. Siya na bahala kung pupunta siya o hindi.

Walang mawawala sakin kung sasali ako. Mapapahiya lang naman ako.

Nagbigay na ng mga numbers kung pang ilang contestant ka. At sa sobrang swerte mo medyo malayo ka pa. No. 15, ayos na din.

"Asan ka-partner mo?" Tanong sakin ng nag oorganisa.

"Ah.... uhm..... wala pa po. " sagot ko.

"Kailangan dumating sya bago ka sumalang. " sabi sakin.

"Ah.. opo. " sagot ko.

Tutal nmn may no. Niya ako. Nakuha ko sa tito niya dati. Kung bakit ko kinuha sakin na yun.

To : renz
Pang no. 15 tayo. Si kyle toh.

Pero pagkaraan ng 5 minuto wala siyang reply. Ayos lang kahit hindi na siya mag reply.

Ilang minuto pa ang nagdaan wala pa rin siya. Marami ng contestant na natapos magperform. Siguro nga hindi na siya dadating.

Siguro nga kaya niya kong iwan sa ere. Kaya niyang iwan sa ere ang kaibigan niya. AKO NA KAIBIGAN NIYA.

Apat na contestant na lng at ako na. Lumingon ako para tingnan kung nandyan na ba siya. Kung pupunta ba siya. Still hoping. Di pa naman huli ang lahat eh. May apat pa. May apat pa.

Natapos ang isa. Tatlo na lng.

Hanggang sa natapos na ang pang no. 14 na contestant. Ako na ang sunod. Lumingon ako .... pero ....... WALA NA. wala pa rin eh. Wala ng oras.

"So, let us welcome no. 15. " tawag sakin ng MC.

Pumasok na ko. Lapel lng gamit ng ibang contestant. At yun ang gamit ko ngaun.

Umupo na ko nag-ayos. Medyo naiiyak ako. Nakakabakla man pero totoo kasi kaya niya akong iwan sa ere. May ganun naman talagang tao eh.

Nahihiya na rin ako at the same time kasi kailangan may ka-partner ka kapag sasali dito. Marami na kong nakikitang nagbubulungan ung ibang kaklase ko naman chini-cheer up ako.

Hays. Di lang ako makapaniwalang kaya niya nga talaga.

HOW TO GET THE HEART OF A HIRED KILLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon